MAAGA pa lamang ay nakaparada na ang kotse ni Scott sa di kalayuan ng Heaven's Boutique.
Nakatanaw siya sa nakasarado pang shop hanggang sa unti-unti ng nagdadatingan ang mga empleyado ng naturang shop.
Malakas ang kutob niya na na dito dapat siya mag simulang hanapin ang kasagutan sa mga katanungang gumugulo sa kanyang isip.
Mula kasi ng manggaling dito si Ashanti ay nag bago na ito. Nag simula narin itong manlamig sa kanya.
Kaya naman di siya aalis sa lugar na ito ng walang nangyayari.
Ilang sandali pa ang lumipas, nag bukas na ang Heaven's Boutique.
Wala parin ang hinahanap niyang familiar na mukha.
Oras lang talaga na mapatunayan niya na tama ang hinala niya tungkol kay Ced, sisiguradohin na niyang tuluyan na itong mabubura sa kanyang landas. Hindi siya papayag na maging sagabal ito sa kanyang plano na tuluyang bawiin ang Rancho De San Sebastian sa kamay ni Arthur.
Hindi niya namalayan na napahigpit na ang hawak niya sa manibela.
Naramdaman niya ang pag kalam ng kanyang sikmura kaya napatingin siya sa kanyang relo, mag aalmusal muna siya. Tanghali na pala.
Akma na niyang i-start ang kanyang kotse ng mabaling ang kanyang pansin sa isang Toyota Vios na itim na kadarating lang.
Natigil siya sa ginagawa at nakasunod lang ang tingin niya doon hanggang sa pumarada iyon sa tapat mismo ng Boutique.
Di maalis ang kanyanng tingin doon. Hanggang sa bumukas ng sabay ang magkabilang pintuan sa unahan at may lumabas na lalaki at babae.Mulagat ang kanyang mga mata.
Kahit medyo malayo ang mga ito ay familiar talaga sa kanya ang tindig ng lalaking nakatayo bagama't patalikod yon sa kanya.
Mabilis siyang napalabas ng kotse.
Nakita niyang sabay na lumakad ang dalawa habang alalay ng lalaki sa beywang ang babae.
"C-Ced?"
mabilis siyang tumakbo palapit sa mga ito.
Papasok na ang mga ito sa Boutique ng maabutan niya.
"Excuse me!" agaw pansin niya sa mga ito.
Sabay na napalingon ang mga ito.
Bigla siyang pinagpawisan ng malapot ng magtama ang kanilang mga mata ng lalaki.
Tama ang hinala niya. Ito nga, buhay nga si Ced.
Blanko ang ekspresyon na nakatingin ito sa kanya.
"Scott?"
nabaling ang tingin niya sa babae.
"Gosh! Scott ikaw nga!" sabi ng babae na lumawak ang pagkakangiti sa kanya kaya maging si Ced ay napatingin sa babae.
Napakunot noo naman si Scott na pinipilit balikan sa isip kung magkakilala sila ng babaing kaharap.
"Excuse me?"
"Scott ako ito si Angie! Long time no see ah.. Kabigan ako ng yumao mong girlfriend."
lalong lumalim ang pag-iisip ni Scott.
"Anyway.. Wag ka ng mag abala na alalahanin ako. Baka nga di mo ako matandaan. Di naman kasi tayo talaga naging friends noon. Ang girlfriend mo ang kaibigan ko. So, kumusta ka?"
"O-Ok naman." binalingan ni Scott si Ced.
"Husband ko, si Miguel. Migs si Scott." pakilala ni Angie sa dalawa na kumapit pa sa braso ni Ced.
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG