DUMATING ANG ARAW NG PAG-IISANG DIBDIB nina Marshall at Loida.
Ginanap yon sa malawak na Garden ng Villa Del Rio. Ilang mga piling kaibigan lang ang invited ng pamilya na mga mula sa mga maharlikang angkan. Habang buong Hacienda naman ang imbitado.
Open ang Villa sa lahat ng mga manggagawa ng hacienda. Kaya naamn masayang mayasaya ang buong nasasakupan. lahat nag tulong-tulong sa pag hahanda.
"Pangako, ikaw ang pinaka magandang babae sa araw ng kasal natin." bulong ni Clyde kay Ashley habang hinihiwa ng bagong mag-asawa ang napaka laking cake sa harap ng mga ito.
Malakas na palakpakan ang sumunod na pumuno sa buong garden.
Nang mag simula ang kainan, lalong naging maingay ang mga panauhin lalo na at bawat lamesa ay may lechon na nakahain.
Walang humpay na kainan at magdamagang inuman ang nangyari.Lahat masaya. Higit ang pamilya ng bagong kasal.
Agad bumyahe ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon, samantala di na nagawang makausap nina Ashley si Ashanti dahil agad itong bumalik ng Rancho De San Sebastian kasama ang mga magulang nito.
NAKAHANDA na ang gamit nila Angie at Ced. Isa-isa na iyong inilalagay ni Ced sa kotse. Ngayon ang araw na babalik na sila ng Maynila mula sa ilang linggong pag babakasyon.
Walang nangyari sa bakasyon nila. Nag kulong lang naman siya sa kanilang tinutuluyan pero mula ng mag karoon siya ng alinlangan tungkol sa tunay niyang pagkatao, iniwasan na niya si Angie. Wala ng nangyayari sa kanila.
Hindi niya alam kung nakakahalata na ito sa kanyang panllamig pero buo na ang kanyang pasya. Tama na ang batang nasa sinapupunan nito.
Matuloy man ang kasal nila, sisiguraduhin niya na dahil lang sa bata yon. Ngayon niya mas napatunayan na wala naman talaga siyang pag mamahal dito.
"Let's go Hon?" masiglang sabi sa kanya ni Angie na ikinawit pa ang isa nitong braso sa kanyang beywang.
"H-Ha? Ah oo. Kanina pa nga kita hinihintay."
umikot na ito patungo sa kabilang pinto at sumakay.
Bago siya sumakay ay bahagya muna siyang napatingala. Natigilan siya dahil medyo makulimlim.
"Galing kang bicol noon.. Pabalik ka ng Hacienda Del Rio ng bumagyo. Naaksidente ka Ced.. Naaksidente ka dahil sa lakas ng bagyo. Dahil malakas ang bagyo.." tila umaalingawngaw yon sa kanyang isip.
"Hon, bakit?" pukaw sa kanya ni Angie na bahagyang nakasilip sa bintana.
Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo.
"W-Wala.. Wala." agad siyang sumakay ng kotse.
Kusang kumilos ang kanyang kamay at nag sign of the cross siya bago niya in-start ang kotse.Sa Rancho De San Sebastian..
Nangangabayo sina Scott at Ashanti.
"Hon! Hon bumalik na tayo ng Mansyon. Mukhang uulan ng malakas." malakas na sigaw ni Scott kay Ashanti dahil bahagya itong nauuna sa kanya.
Hindi siya nito pinansin sa halip mas pinatakbo nito ng mabilis ang sinasakyang kabayo.
"H-Hon!!"
hinabol niya ang dalaga.Unti-unti ng pumatak ang ulan.. Simula sa ambon hanggang sa biglang lakas ng buhos niyon.
Nagawa na niya itong abutan."Hon!!"
bumabas siya ng kabayo dahil naka-baba na rin ito at mataman lang nakatayo.
TULOY-TULOY ang pag agos ng luha ni Ashanti kasabay ng malakas na ulan.
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG