Basta't Kasama Kita(Ang Ikalawang Yugto)BY: TONYANGCHAPTER SIX:

1.9K 40 2
                                    


  Malakas ang ginawang pag Tulak ni Ashley sa pinto na bahagyang naka awang.

Unang bumungad sa kanyang paningin ang dalawang paris ng mga paa at ang nagkalat na alak sa sahig. Doon palang ay wala ng patid ang pag patak ng luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa humantong ang kanyang paningin sa dalawang nag mamay-ari ng mga paa na iyon.

Sina Clyde at Mylin kapwa mga hubad ang pang itaas na damit at magkayakap ang mga ito na himbing na natutulog. Naninikip ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon pero nagawa nyang kagatin ang pang ibabang labi para mapigilan ang makalikha ng ingay.
Gusto nyang mag wala ng mga oras na iyon pero mas pinili nya ang tumalikod.

Kung paano syang nakalabas ng kubo ay di nya na yon namalayan.
Nagulat nalang sya ng salubungin sya ni Brando.

"Ms Ashley?"

Sa nanlalabong paningin dahil tigmak sa luha ang kanyang mga mata, hindi na sya pumalag ng yakapin sya nito.

"Halika na.. Ihatid na kita sa Villa."

nang igiya sya nito papunta sa kanyang kabayo ay naging sunod-sunuran nalang sya. Hinayaan narin nya ng buhatin sya nito pasakay sa likod ni Hercules.

Napangiti si Brando ng mapasulyap sya sa kubo. Saka sumakay sa kanyang kabayo at hinila si Hercules paalis sa lugar na'yon.

"Anak, ang aga mo yata umuwi?"
salubong sa dalaga ng kanyang mama ng pumasok sya sa villa.

Plano nya itong lampasan pero nag salita ang kanyang Daddy.

"Ashley, anong nangyari?"

"W-wala papa. Inaantok na ako." saka tumakbo paakyat di alintana ang putik ng kanyang boots na bumakat sa marmol na sahig.

Nagkatinginan ang dalawa.

"May problema ba ang anak natin?" tanong ni Marshall na inilapag ang binabasa.

"Hindi ko alam, ayos naman sya kanina ng umalis."

"Kakausapin ko sya."
tumayo na si Marshal

samantala, tuloy2 si Ashley sa banyo at binuksan ang shower saka itinapat ang sarili doon.
Muli na2man ang pag agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata.
Naupo syang pasalampak sa flooring at hinayaan ang tuloy2 na pag patak ng kanyang luha kasabay ng pag agos ng tubig mula sa dutsa ng shower.

Ilang ulit munang kumatok si Marshal bago nya itinulak ang pinto ng kwarto ng anak, bukas yon kaya pumasok na sya.

"Ashley, anak?"

subalit walang sumasagot. Naririnig nya ang ingay sa banyo sanhi ng lagaslas ng tubig mula sa shower kaya lumabas nalang sya.

Lumipas ang mga oras na di namamalayan ng dalaga. Nanatili lang sya sa tapat ng shower, patuloy sa pag-iyak.

Nang mapagod sa kakaiyak ay saka nag pasyang tumayo at pinatay ang shower saka nag bihis.
Akala nya tapos na syang umiyak pero ng ibagsak nya ang kanyang sarili sa kama ay muling lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Nakatulugan nalang nya ang pag iyak.

MABIGAT ang braso ni Clyde ng akma syang kikilos kaya dahan-dahan nyang minulat ang kanyang mga mata at dahan-dahang ibinaling ang kanyang paningin sa kanyang kanang braso na pakiramdam nya ay nangangalay dahil sa kung anong bagay na nagpapabigat doon.

"A-anong..?" ilang ulit nyang ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.
Saka tuluyang nawala ang kanyang nadaramang antok ng mapag tanto na may naka-unan sa kanyang braso.

"A-ashley? H-hindi.." tuluyang nagising ang kanyang diwa ng makilala ang babaing katabi. Saka nya narealize na naka yakap ito sa kanya.

"M-Mylin?!" sa kanyang pagka bigla ay nagawa nya itong itulak.
Napa-awang nalang ang kanyang bibig ng makita ang hubad nitong katawan kaya napa-upo sya.

Isang malakas na "Shit" ang kumawala sa kanyang bibig ng makita ang sariling wala ring damit.

Muli syang napalingon ng maramdaman nyang kumilos ang dalaga. Ngumiti ito ng mag mulat ng mata.

"Hi baby.." malambing nitong sabi na pinisil pa ang kanyang hita.

"M-Mylin, a-anong ibig sabihin nito? B-Bakit narito ka? Bakit m-magka...?"

"O c'mon babes.. H'wag mong sabihin na wala kang maalala sa nangyari sa atin kagabi?"
bumangon na si Mylin at tumabi sa kanya at niyakap sya.

"N-Nangyari? K-kagabi?"
wala sa sarili na napatingin sya sa kanyang relo.

"SHIT!" bulalas nya sabay tayo ng makitang 4:00 am na.

"Si Ashley, n-naghihintay sa bahay si Ashley." tila sarili ang kinakausap na dinampot ang kanyang T-shirt.
Pero mabilis na tumayo si Mylin at niyakap sya sa beywang.

"Clyde.. H'wag mo akong iwan. P-paano ako? Ang nangyari sa atin?"

"Anong sabi mo? N-nangyari? May nangyari sa atin?" nati2gilang tanong nya rito.

"Kailangan mo akong pakasalan Clyde. Matapos ang nangyari sa atin, hindi ako papayag na iiwan mo ako."

Tigagal ang binata sa narinig. Wala syang maalala. Wala syang matandaan na may nangyari sa kanila. Anong nangyayari?

"Tiyak na magagalit si Papa kapag nalaman nyang di mo papanagutan ang ginawa mo sa akin. A-ayoko namang may mangyari sa atin.. P-pero lasing ka. Wala akong nagawa.. M-malakas ka at.."

"Mylin pls tama na! W-wala akong matandaan na may nangyari sa atin.. Wala akong.."

"Lasing na lasing ka kasi. M-mahal din kasi kita kaya.. Kaya nagawa kong mag pa-ubaya." napahikbi na si Mylin habang nagsasalita.

"Clyde pls.. Papatayin ako ni papa kamag nalaman nya ito. P-paano kung mabuntis ako?"

Nanghihina na kinalas ni Clyde ang pagkakayakap sa kanya ni Mylin at wala sa sarili na napa-upo muli.

"P-Paano si Ashley? Hindi kita mahal. May Girlfriend ako. Sya ang mahal ko. Sya ang pakakasalan ko." halos pabulong na turan ng binata.

"At paano ako?" pasigaw ng sabi ng dalaga. "Paano ako ha? Parausan mo lang? Paano tayo? C'mon Clyde.. Kung tunay kang lalaki,pananagutan mo ang ginawa mo."

"Shit walang Tayo! Wala!" ganting sigaw narin ni Clyde saka padarag na lumabas ng kubo kahit na madilim pa ang paligid.

"Clyde!!!" habol dito ng dalaga ngunit tuloy2 ito sa pag lakad palayo.

"Shit Clyde! Magiging akin ka! Akin lang!"
nag ngingitngit na sigaw ni Mylin.

Nang maka-uwi sa kanilang bahay ang binata ay tahimik na ang buong bahay. Agad syang tumuloy sa kanyang silid at agad2 nag shower.

"Bweset! Bakit ba naniwala ako sa drama ng babaing yon. Hindi.. Bakit di ko naisip na pwedeng planado nya ang lahat.."
sigaw ng kanyang isipan habang nakatingala sa shower at hinahayaang salubungin ng kanyang mukha ang malakas na daloy ng tubig mula sa shower.
Bumalik sa kanyang ala-ala ang bigla2ng pamimigat ng kanyang talukap kahit na naka dalawa palang sya sa nainom.

"Ashley.. Anong gagawin ko? Ano..? Paano ko sasabihin sayo ang lahat ng ito.? Na-natatakot ako.. B-baka iwan mo ako pag pinagtapat ko sayo ang nangyari.."
napapikit sya ng mariin.
"di ko sinasadya.. Mahal kita, mahal na mahal kita bata.."

KINAUMAGAHAN..
Tahimik si Ashley sa hapag kainan.

"Anak, magdamag ka bang umiyak? Magang maga yang mga mata mo?" puna sa kanya ng kanyang ina kaya napapitlag sya at napayuko.

"Hindi mama. Hindi lang yata ako naka tulog ng maayos." wala sa mood na sagot nya rito at nag sandok na ng pagkain.

Saglit na namayani sa kanila ang katahimikan.
Wala si Ashanti ng mga oras na iyon dahil umuwi daw ng bicol kasama si Scott kaya wala tuloy syang makausap na maaring pag hingahan ng sama ng loob.

"Papa, mama.. Lolo.. P-plano ko sana mag masteral.. Sa states." maya ay basag nya sa katahimikan.

"Ha?" iisang napatingin ang mga ito sa kanya ng naka kunot noo.

"N-Naisip ko lang po kasi.. H-hindi pa ako handang mag trabaho. Gusto ko pa po mag aral."

"Bakit sa states pa?" tanong ni Marshall sa anak.

"M-Maiba lang po."

"May problema ba?" di nakatiis na tanong ng kanyang Lolo.

"W-wala po lolo. G-gusto ko lang po umalis dito kahit isang taon."

"Isang taon!?" muli iisang bulalas ng mga ito.

"Anak, alam ba ito ni Clyde?"

hindi agad nakasagot si Ashley sa tanong ng kanyang mommy.

"Anak, nag away ba kayo ni Clyde? Ano ba ang nangyari kagabi?" nag aalala ng tanong nito.

"Wala po ma." pilit na ngumiti ang dalaga. "N-Napag usapan na po namin ito."

"At pumayag sya? Anak, ang tagal ng isang taon." si Loida muli.

"Nakapag desisyon na po ako mama. Bukas, aalis ako."

Nagkatinginan ang mga kasama ng dalaga sa hapag.

"Anak?" si Marshall na inilapag ang kubyertos.

"Sige kung yan ang gusto mo. Aasikasuhin ko agad lahat ng kailangan mo at tutuluyan sa states. Ako narin ang bahala sa flight mo." sabi nalang ng kanyang lolo.

"Papa!" di makapaniwala si Marshall sa narinig buhat sa ama.

"Nasa tamang edad na ang anak mo, Marshall. Hayaan nalang natin sya na mag desisyon para sa kanyang sarili."

nagkatinginan nalang sina Loida at Marshall.

Napayuko ang dalaga ng maramdaman ang pag init ng kanyang mga mata.
Muli, gusto na2man nyang umiyak ng maalala ang nakita nya sa kubo ng nagdaang gabi.
Di nakatiis na tumayo sya.

"excuse me po." nakayuko ang ulo na mabilis syang tumalikod.
Muli, nakasunod lang ang tingin sa kanya ng mga naiwan sa hapag.

HINDI lumabas ang dalaga ng Villa para mag ikot sa buong Hacienda. Hanggang garden lang sya. Hindi nya pinapansin ang kanyang phone na maya2 ang ring. Tawag yon mula kay Clyde kaya naman bago mag tanghali ay nagtungo ng Villa ang Binata.

"Bata.."

Natigilan si Ashley ng marinig ang boses ng binata.

Kasalukuyan syang nagbabasa ng magazine.

"Bata.."

muling tawag nito sa kanya.

Bago nag angat ng ulo ang dalaga ay sinigurado muna nya na nakangiti sya.

"Tandang!"
masigla syang tumayo at sinalubong ito. Agad nya itong niyakap sa leeg.

"Bakit ngayon ka lang ha? Naghintay ako sayo kagabi.. Inaasahan ko na matapos mo akong di siputin sa bahay nyo, pupunta ka rito para magpaliwanag." nilankapan nya ng lambing ang kanyang boses pero sa kaloob-looban ng kanyang puso ay tila pinipiga yon sa subrang sakit. Gusto na2man nyang umiyak.

Kitang kita nya kung paanong hindi nito kayang salubungin ang kanyang tingin. Ramdam nya ang pagiging balisa nito.
Alam nyang biglang may nagbago rito.

"Tanda?"

"Bata ka-kasi ano ei.. Ahm.."

"Never mind tandang. Ok lang." bumitaw na sya rito at bumalik sa kanyang upuan.

"Bata, labas tayo. G-gusto kitang makasa--"

"Ahm, masama kasi ang pakiramdam ko. Sige ha, maiwan na kita."
mabilis na tumayo at tumalikod ang dalaga, nais nyang itago dito ang sakit na nararamdaman nya.
Kasabay ng kanyang pag hakbang ang pag patak ng kanyang mga luha.

"A-Ashley.."
ngunit di na ito lumingon sa kanya.

Gabi, katatapos lang iligpit ni Ashley ang lahat ng kanyang gamit na dadalhin sa pag alis kinabukasan ay pabagsak syang na-upo sa kama.
Napasulyap sya sa clock na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama. 9:30 na ng gabi, ilang oras nalang at lilipad na sya papuntang america. Handa na ang lahat ng kanyang kailangan. Bukas, alas otso ng umaga ang kanyang flight.
Nagawi ang kanyang tingin sa picture frame kung saan litrato nila ni Clyde ang naroon.
Kinuha nya yon at nilagay sa kanyang bag saka nag pasya na lumabas ng kanyang silid.

Nagpasya syang lumabas ng Villa at kinuha sa kinalalagyan si Hercules saka nag tungo sa manggahan.
Sa huling pagkakataon, gusto nyang masilayan ang kubo. Hindi nya alam kung kailan sya babalik dito. Sinabi lang nya kanina na isang taon lang sya roon pero ang balak nya ay higit pa sa isang taon. Kung hanggang kailan, hindi nya alam. Siguro hanggang sa mag hilom ang sugat sa kanyang puso.

Natigilan sya ng matanawan na may Ilaw ang kubo.

"M-May tao na2man sa kubo? S-sino?"
mabilis syang bumaba kay Hercules at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kubo.
Pag tulak nya sa pinto ay natigilan sya dahil nakatingin din sa pinto si Clyde habang hawak ang bote ng alak. Sa hinuha nya ay tinutungga lang nito ang alak dahil wala namang baso roon.

"C-Clyde?"

"Ashley?"

halos panabay na wika nilang dalawa.

Namumungay ang mata ng binata at namumula pa at halos maubos na ang laman ng bote kaya tingin nya ay lasing na ito.

"Ashley.. B-bata.." tumayo ito at susuray2 na sinalubong sya.

"B-Bakit ka naglala--!?"

hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil ng makalapit ito sa kanya ay hinaklit sya nito sa beywang at walang sabi-sabi na siniil sya nito ng halik.

Nag pumiglas sya at pinilit na itulak ito subalit mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya walang patuloy sa pag halik sa kanya..

"C-Clyde.." halos pabulong nyang bigkas ng pangalan nito ng pakawalan nito ang kanyang labi at gumapang ang labi nito pababa sa kanyang leeg.

"A-ano ba.. Clyde.. Clyde!" pilit parin nya itong tinutulak.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Ashley.." sabi nito bago muling sinakop ang kanyang bibig.

Ang kanyang pagpupumiglas at pagtulak dito ay nauwi sa pag yakap nya rito ng maalala nyang aalis na sya bukas ng umaga.
Tinugon nya ang kapusukan ng binata.
Hinayaan nya ang sarili na lasapin ang yakap at halik nito.

Kinabig sya nito papasok ng kubo at gamit ang paa nito ay sinara nito ang pinto.

"Clyde.. L-lasing ka.."

"Nakainom ako pero hindi ako lasing." sabi nito na muli syang sinibasib ng halik.
Nang iangat nito ang suot nyang blouse ay nagpa-ubaya sya. Pikit matang tinugon nya ang yakap at halik nito. Ginaya nya ang mga kilos nito.

Namalayan nalang nya ay nagawa na sya nitong ihiga sa sahig.

Napabuntong hininga muna ang dalaga bago kumilos ang kanyang kamay at itinaas nya ang suot nitong T-shirt at hinaplos ang katawan nito.
Ngumiti sya saka nya ito kinabig at sya na ang humalik dito.

"Tandang.. Kahit na anong mangyari mula bukas, tandaan mo.. Mahal kita. Mahal na mahal. Ikaw lang ang lalaking minahal ko at mamahalin ko ng ganito.." saglit na natigilan ang dalaga sa sinasabi dahil nag landas ang luha sa kanyang mga mata.

Pinunas nito ang kanyang luha.

"At alam mo na ikaw lang ang babaing minahal ko. Mula noon at hanggang sa ako ay nabubuhay.." nakangiti rin na sabi ng binata.

"Sinungaling!" sigaw ng isip ng dalaga.

Nang bumaba ang mukha ng binata para sya halikan ay sinalubong nya yon. Tinapatan nya ang pagiging agresibo nito.

Magkahawak kamay na kapwa may ngiti ang dalawa ng sabay nilang marating ang rurok ng kaligayahan.

Nakangiting ibinagsak ni Clyde ang sarili sa tabi ng dalaga at sumiksik sya rito saka niyakap ito ng mahigpit.
"I love you Bata.. I Love you with all my heart." bulong nito.

Samantala ay unti-unting nadudurog ang puso ng dalaga.
Ibinaling nya sa kabilang panig ang kanyang paningin dahil nag-uunahan ng lumandas ang kanyang mga luha.

"Paalam Clyde.." bulong nya sa sarili

naramdaman nya ang payapang pag hinga ng binata sa kanyang leeg. Tanda yon na himbing na itong natutulog.

"Pag gising mo bukas wala na ako.
Maging masaya ka sana kay Mylin." mapait nyang sabi saka hinayaan nyang pumikit ang kanyang mga mata.



I T U T U L O Y

A/N: Iwasan po natin ang mga BAD WORDS..  

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon