BASTA'T KASAMA KITABY: Tonyang CHAPTER 17:

1.7K 36 1
                                    


MAGKAHARAP sina Angie at Ced sa pina-reserve na table ni Angie sa isang sikat na Restaurant.


"Hon, kanina kapa matamlay? May dinaramdam k aba?"

"Wala. Sige na, kumain na tayo."

"Hon, kailan tayo pupunta ng Bicol?"

Natigilan si Ced. Ginagap nito ang kanyang kamay.

"Hon naisip ko lang.. pag balik natin galing Bicol, mag pakasal na tayo uli."

Nabitawan niya ang table napkin.

"Naisip ko lang na di mo maalala ang kasal natin dati at saka diba yon naman talaga ang plano natin? Bago sana lumaki ang tiyan ko, mag pakasal na tayo uli ha."

Hindi kaagad nakasagot s iced.

"H-Hon?"

"A-Ahmm.. s-sige."

"Talaga Hon?" s akatuwaan ni Angie ay agad siyang tumayo at niyakap ang binata sa leeg. "Sabi mo yan ha.. walang bawian. Pag balik natin, asikasuhin na natin ang kasal natin ha."

Pilit na ngumiti si Ced saka tumangu-tango.
Ngayon, nag pasya siya. Kailangan nyang gawin kung ano ang tama. Kung ano ang nararapat. May obligasyon na siya ngayon. Hindi na nya kailangang hintaying bumalik ang kanyang ala-ala para mag desisyon.
Pinisil niya ang kamay ng dalaga.
"Kain na." aniya at ibinalik na ang pansin sa pagkain.


MALALIM na ang gabi at himbing na sa pag tulog si Angie, panay ang sulyap ni Ced sa kanyang Cellphone. Ng di makatiis ay kinuha niya iyon at tumayo. Nang masiguro niyang tulog na tulog na nga si Angie ay humakbang siya patungong terrace.
Ilang beses muna siyang humugot na malalim na hininga habang nakatitig s ahawak nyang cellphone.saka nag dial ng number


Naalimpungatan naman si Ashanti at napabalikwas ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Matagal ng walang tumatawag sa kanya ng mga ganung oras. Noon ng di pa naaksidente si Ced.
Bigla ang pag kabog ng kanyang dibdib kaya naman dali-dali niyang inabot ang kanyang phone sa pinagpatungan niya nito.

Nanginig ang kanyang kamay ng mabasa na si Ced ang tumatawag.

"C-Ced? Ced is that you? Babe?"

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ng dalaga mula s akabilang linya

"C—Ced?"

"A-Ashanti.."

"H-Hi.. napatawag ka? A-ano kumusta ka ha?" garalgal ang boses ng dalaga. Di nya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na yon. masyado syang masaya na marinig ang boses nito. Umaapaw sa saya ang kanyang puso sa isiping naalala siya nito.
Dati pa man.. tatawag ito ng ganung oras para sabihing siya ang nasaisip nito bago pumikit. At pag gising nito s aumaga, ttawag agad ito upang sabihin na siya ang unang naiisip nito pag gising sa umaga.

"A-Ashanti.. M-Maari ba tayong mag kita bukas? M-may pag uusapan lang tayo."

"S-Sure! Saan at anong oras. Promise darating ako." Masigla niyang sabi rito.

"Si-Sige, Thank you."

Matapos sabihin ni Ced ang Oras at lugar ay agad niyang pinutol ang tawag at ilang ulit na napabuntong hininga saka bumalik na sa kama nila ni Angie.
Nahiga siya ng patalikod dito.


KINABUKASAN ay excited na gumising si Ashanti. Di na mawala-wala ang kanyang ngiti sa labi.

"Wow blooming ka sis ah.." bati sa kanya ni Ashley ng mag pang-abot sila sa kumidor.

Naabutan niya ito roon na umiinom ng gatas at naka-gayak na ito para mag ikot sa buong Hacienda para sa umaga.

"Wala lang." nakangiti niyang sagot dito. "Sya nga pala.. luluwas ako ng Maynila ngayon." Aniya na naupo s akatapat nito at hinihintay ang kanyang gatas.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon