Basta't Kasama Kita(Ang Ikalawang Yugto)By: Tonyang CHAPTER SEVEN:

1.9K 36 3
                                    

  NAKANGITI na kinapa ni Clyde ang dalaga sa kanyang tabi habang nakapikit.

Nang di nya ito makapa ay kunot noo na napamulat sya. Tuluyan syang napa-upo ng mapagtanto na wala ang dalaga sa kubo.

"A-Ashley?"

napasulyap sya sa tuyong dugo na nag mantsa sa sahig.
Wala sa loob na napangiti sya. Alam nya ang nangyari. Sariwa pa sa ala-ala nya ang nagdaang gabi.
Oo nakainom sya o mas tamang sabihin na lasing sya pero alam nya at natatandaan nya ng buo ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nanatiling nakapagkit ang ngiti sa kanyang labi na dinampot ang ang kanyang pants at T-shirt saka dali-daling nagbihis. Pupunta sya sa Villa para makita ang dalaga. Tiwala sya na dahil sa nangyari sa kanila, di na ito tatanggi kapag niyaya nya itong pakasal.

Buo ang loob at tiwala sa sarili na agad syang nag tungo sa Villa. Nakasalubong pa nya si Ashanti. Nagulat pa ito ng makita sya.

"Hi Ashanti. Nakabalik kana pala."

"Hi! Bakit narito ka? Diba dapat nasa airport ka?" kunot noo na tanong nito sa kanya.

"H-Ha? B-bakit? Ano ang gagawin ko doon?" maang na balik tanong nya rito kaya lalong nagusot ang nakatikwas nitong mga kilay.

"Akala ko hinatid mo si Ate."

"Ha?"

"Hoy Clyde, Ok kalang? Bakit gulat ka? Di ba ngayon ang flight ni ate Ashley.. papuntang America? Actually kaninang 8am pa. Na-late ako kaya di ako nakasama mag hatid."

awang ang bibig ni Clyde na animo'y di romehistro sa kanyang utak ang sinabi ng dalaga.

"Well.. Mukhang di mo nga alam. May problema ba kayong dalawa? Nag away ba kayo?"

muli, di nya malaman ang isasagot dito.
Napatingin nalang sya sa kanyang relo sa bisig.
8:30 na at kung 8:00 am ang flight nito, tiyak na nakaalis na ito.
Bakit ito aalis? Hindi nga ba at kagabi lang pinagsaluhan nila ang tams ng kanilang pagmamahalan? Sinabi pa nito na sya ang lalaking minahal at mamahalin nito? Bakit ngayon? Bakit sya nito iniwan?

"Hoy Clyde! Are you Ok? Seryoso di mo alam na aalis si Ate? My God! Saglit lang ako nawala, mukhang may hindi na magandang nangyai sa inyo. At ito naman si Ate.. Walang sinasabi sa akin. Nagulat nga ako ng malaman ko na aalis pala sya."

tuluyan ng walang maintindihan ang binata sa mga sinasabi ni Ashanti. Pakiramdam nya ay may kung anong mga nakaharang sa magkabila nyang taynga kaya wala syang anumang marinig. Pakiramdam nya ang gumuho ang kanyang mundo. Nagkapira-piraso ang kanyang puso sa isiping iniwan na sya ng dalaga.

"A-ang sakit.. Subrang sakit.." wala sa sarili na sabi nya.

"So, May problema nga. At sa reaction mo na mukhang wala ka ngang alam sa pag alis ni Ate.. masasabi ko na malaki ang problema nyo. Biglaan ang pag alis nya ei. Hindi nag paalam sayo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa para mag desisyon si Ate na umalis?"

"H-Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?!" sigaw ni Brando na bigla nalang sumabad sa usapan na mukhang kadarating lang. "Ang kapal ng mukha mong sabihin na di mo alam? Ang galing mo rin ei noh?"
Nagtatagis ang bagang na sabi pa nito habang palapit sa kanilang dalawa.

"B-Brando?" panabay na napalingon ang mga ito sa bagong dating.

"Alam mo ang dahilan kung bakit umalis si Ate Ashley?" kunot noo at nagugulihamang tanong ng dalaga rito.

"Oo seniorita. Alam na alam ko dahil saksi rin ako." Mariing sabi nito na sa kay Clyde nakatingin. "At alam din yon ni Clyde. Nag mamaang-maangan lang sya."

"A-Ano?!" patda si Clyde. Sa kanya naman ngayon nabaling ang tingin ng dalaga. "H-Hindi ko alam ang sinasa--!"

Napatili si Ashanti ng walang anu-ano ay sinapak ni Brando si Clyde. Muntikan itong tumimbuwang pero agad namang na balance ang sarili.

"Ano ha, mag mamaang-maangan ka parin? Hindi mo aaminin kay Ashanti na kaya umalis si Ashley dahil sa kagagawan mo!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

"Ah hindi? So ano ang ibig sabihin ng nadatnan naming ni Ashley sa kubo ng nakaraang gabi ha?"

"A-Anong..?" nagugulohang nagpabaling-baling ng tingin sa dalawa ang dalaga.

"Naabutan ka lang naman namin ni Ashley sa kubo ng hubad. Ops.. Hindi lang ikaw, kundi kayong dalawa ni Mylin. Kapwa nakahubad at magkayakap na himbing na natutulog."

"WHAT!?"
di naiwasang napataas boses na bulalas ng dalaga sa narinig. Habang si Clyde ay napaawang ang bibig sa kabiglaan.

"Ano? Tatanggi ka? Totoo diba? Nakita kayo ni Ashley, magkasama kayo ni Mylin sa kubo sa may Manggahan. Ako ang saksi kung paanong humahagulhol sya ng iyak habang palabas ng kubo ng gabing yon Clyde."

"H-Hindi.." napa-iling2 na turan ni Clyde.

"Oo Clyde. At yon lang ang dahilang naiisip ko kaya nag desisyon syang umalis at iwan ka."

"C-Clyde..? T-Totoo ba ang sinasabi ni Brando?"

"A-Ashanti.." akmang hahawakan sa balikat ang dalaga. "M-Magpapaliwanag ako.."

"T-Totoo nga.. Yon ang dahilan ni Ate Ashanti para lumayo. Bakit Clyde?"

"Ashanti Please.. Hindi ko alam ang nangyari ng gabing yon. Hindi ko rin alam na nakita kami ni Ashley. Shit! Magkasama kami kagabi, pero wala syang binabanggit sa akin."

SA NARINIG ni Ashanti, Para narin nyang nakita kung paano nasaktan ang kapatid ng makita sina Clyde at Mylin. Pakiramdam tuloy nya ay gusto din nyang umiyak.
Kung bakit naman kasi umuwi pa sya ng Bicol? Marahil ay sinarili lang nito ang sakit na nararamdaman ng mga oras na'yon. wala sya para alalayan ito. Wala sya para may makausap ito.

"A-Ashanti.."

Dahil sa nalaman, kaya naman nakaramdam ng pagkamuhi ang dalaga sa kaibigang si Clyde. Tinalikuran nya ang mga ito at tumakbo na sya papasok ng Villa.
Susunod sya sa America. Naisip nya na mas kailangan sya ngayon ni Ashley.

Agad nyang inayos ang kanyang mga kailangan para sumunod sa kapatid Pero kinailangan sya sa Hacienda dahil nagka peste ang mga hayop sa farm kaya di sya pinayagan ng kanilang Lolo na umalis. Naging abala na sya sa Trabaho kahit pa nag aalala sa kapatid.

Napag alaman nya na nag palit rin ng number si Ashley bago ito umalis nalaman nalang nya yon sa mommy nito, kay Loida. Sa telepono nalang nya ito naka2-usap at napatunayan nyang totoo ang sinasabi ni Brando tungkol kay Clyde at Mylin.
Nirespeto nya ang desisyon nito na H'wag ipaalam kay Clyde ang numero nito maging ang address nito sa America.

Sa NAngyaring pag-alis ni Ashley, nag diwang sina Brando at Mylin sa kanilang tagumpay na pag hiwalayin ang mga ito.

"Bilang na ang mga araw at magiging Mrs Alvama na ako. Hahahaha!" malakas na humahalakhak na sabi ni Mylin.
Naroon sila sa kwarto ni Brando sa may kwadra. Yon ang kanilang naging lihim na tagpuan.
Kapwa hubad ang dalawa at katatapos lang nilang mag niig. Regular na nilang ginagawa yon basta magkasama sila.

"Nakakainis. Napag hiwalay nga natin sila pero umalis naman si Ashley. Paano ako?"

"Well.. di ko na problema yan Brando. Ginawa ko na ang part ko sa ating kasunduan. Bayad din ako sayo. Kaya naman, ngayon palang magpakasawa ka na sa katawan ko dahil oras na makasal kami ni Clyde.. Hindi mo na ako maikakama." Bumangon na ito at hinagilap ang mga nakakalat na damit sa sahig.
" Hindi ba't babalik ka na sa Rancho sa Bicol?" muli ay tanong ni Mylin sa binata habang nagbibihin pero hinatak sya nito pabalik sa kama.

"Hindi pa ako babalik sa Bicol. Patuloy ang pagkakasakit ng mga hayop at kailangan ni Ashanti ng makakatulong at habang naririto ako.. Mananatili tayong ganito. Ako, Ikaw dito sa kama ko kahit maging Mrs Alvama ka pa." sabi nito na muling sinimulang pag hahalikan si Mylin.

"Ano ba Brando. Hindi maari ang gusto mo."

"Bakit hindi? Gusto naman natin ito pareho. Saka napapaligaya kita sa bagay na di kayang gawin syo ni Clyde."

"Brando.."

"Hayaan mo akong paligayahin ka Mylin."

Hindi na tumutol ang dalaga ng muling hubaran sya nito.

Samantala,

Si Clyde naman ay ilang araw ng tahimik lang. Hindi nya lubos maisip na basta lang syang iniwan ni Ashley. Kung totoo nga na nakita sila nito ni Mylin, bakit hindi sya nito kinumpronta? Nagawa pa nitong ipa-ubaya ang sarili sa kanya.

Sa bawat mag hapon ginugol ni Clyde ang lahat ng Oras nya sa trabaho at tuwing gabi naman ay nilulunod nya ang sarili sa alak mag-isa sa kubo.

Galit na ibinato niya ang kanyang Cell phone matapos ang ilang araw na sinikap nyang makuntak ang dalaga ay nanatili syang bigo. Ilang Ulit nyang tinangkang kausapin si Ashanti para makibalita s akapatid nito ngunit maging ito ay umiiwas sa kanya.

"Damn!!"
malakas nyang sigaw sabay bato ng bote ng alak sa haligi ng kubo. Bagama't di nabasag ay natapon nman ang laman niyon ng bumagsak sa sahig.

"Bakit..? Bakit!? Hindi mo manlang ako kinumpronta. Matatanggap ko pa kung inaway mo ako.. kung sasaktan mo ako.. sampalin, suntukin.. kahit ano, matatanggap ko lahat.. maiintindihan ko.. ang di ko maintindihan kung bakit ka umalis ng walang pasabi."
Nakayukong sabi ng binata s asarili habang ang mga kamay ay nakasabunot sa sarili nitong buhok.
"Bakit Ashley!?"
Namalayan nalamang nya ay umiiyak na pala siya.

KAHIT anong pakiusap ni Clyde kay Ashanti na makuha ang address ng tinutuluyan ni Ashley at ang numero nito ay tgas ang pag tanggi ng dalaga na ibigay sa kanya ang kanyang hinihingi.

Nakaabot narin sa kaalaman ng matandang Del Rio ang toong dahilan ng pag alis ng kanyang apo kaya naman ora-mismo ay sinugod nya si Clyde habang kausap ang mga trabahador.

"Walang hiya ka! Di ko lubos maisip na magagawa mo ito sa aking apo!"
Galit na galit nitong sabi sabay bigwas nito ng suntok sa binata na kinagulat ng mga tauhang naroon higit ng binata.

"D-Don Ramon..?"

Isa pa uling sunod na suntok sa mukha ang kanyang natanggap mula sa matanda. Namumula na ito sa galit.

"Hindi na ibang tao ang turing ko sayo Clyde sampu ng pamilya mo. Hindi lang basta ang Hacienda ang pinagkatiwala ko sa mga kamay mo kundi maging ang Apo ko. Pero nagawa mo syang saktan! Wala kang utang na loob."
Maging si Macario ay naroon din at nasaksihan nya ang nangyayari. Batid narin nya ang nagawa ng kanyang anak. Pinagtapat nito s akanila ang buong katotohanan kaya di nya masisisi ang Matandang Del Rio sa matinding galit nito para sa kanyang anak.
Matapos ang mga binitawang salita ni Don Ramon kay Clyde ay agad din namang umalis ito roon.

Samantala, Agad naman sumunod sa America sina Marshall at Loida ng malaman nila ang tunay na nangyari.

"Wala tayong kamalay-malay sa nangyayari sa ating anak Marshall. Wala tayong ginawa ng mga panahong kailangan nya tayo."
Maiyak-iyak na sabi ni Loida habang sakay sila ng eroplano papuntang USA.

Ginagap naman nito ang kanyang kamay at pinisil.
"Matapang ang anak natin. May dhilan sya kung bakit di nya sa atin pinaalam ang nangyari. Inisip ko nga na baka kaya nya yon ginawa ay para protektahan parin si Clyde laban sa kanyang lol. "

"Alam ko kung gaano kamahal ng ating anak si Clyde. Kaya di ko lubos maisip kung paano nagawa nitong lokohin an gating anak."

KUNG si Clyde ay walang makausap at mapag daingan ng kanyang mga problema, si Ashanti ay naging takbuhan si Scott. Naging matyaga ito sa panliligaw sa dalaga. Unti-Unti narin napapanatag ito sa binata kaya ito ang naging daingan nya ng mga problema. Lagi itong nasa tabi ng dalaga, Handang makinig. Handang maging sandalan ng dalaga anumang oras na kakailanganin sya nito.

Hindi naglaon at nagbunga rin ang inaasam ni Scott. Tinanggap na ni Ashanti ang kanyang pag-ibig..

"T-Talaga? A-Ashanti.. seryoso sinasagot mo na ako?" di makapaniwalang tanong nito na di malaman kung mangingiti o ano.

"Um-Oo na ako diba? Masyado na akong nahihiya sayo ei."

"Ganun?" Taas kilay ito pero todo naman ang pagkaka ngiti sa dalaga. Inilahad nito ang dalawang braso. "Maari ko bang mayakap ang girlfriend ko?" malambing nitong sabi kaya naman niyakap ito ng dalaga.
"thank you Ashanti. " bukal sa loob na sabi nito.

"ako dapat ang mag thank you sayo. Kasi di ka nagsawang suyuin ako."

"kasi nga mahal kita at ang pusong totoong pagmamahal hindi nagsasawa at higit lalo hindi napapagod mag hintay."

Natigilan si Ashanti, dahil sa sinabi nito pumasok sa kanyang isip si Ced. Hindi rin ito nag sawa. Hindi napagod na hintayin sya sa kabila ng paulit-ulit nyang pambabaliwala rito. Hindi nya ito nakakitaan ng kapaguran.

"I love you.." bulong sa kanya ni Scott na syang nagpabalik ng kanyang isip s akasalukuyan.

"I love you." Ulit nito. Kaya napabitaw sya sa pagkakayakap dito.
Ewan nya, hindi nya maintindihan pero bakit di nya masabi rito ang "I love you too." Nangangapa pa sya sa kanyang puso kung saan nakalugar ang binata dahil aminado sya na hanggang ngayon ay si Ced parin ang umuukupa ng pinaka malaking bahagi ng kanyang puso.



I T U T U L O Y  

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon