Palakad-lakad si Ashley sa may garden habang dina-dial ang number ni Clyde.
Dalawang ring lang ay agad naman nitong sinagot ang phone."M-Mahal ko? Diba sabi ko umidlip kang muli? Hmm namimiz mo agad ako ano.."
may himig pagbibiro na turan nito."Clyde.. Clyde si Ashanti k-kasi.. Maagang-maagang sinundo dito ni Brando."
"Ano!? P-Pero s-saan sila pupunta? Napaka-aga pa."
"Oo nga ei. Di ko na napigilan kasi natanaw ko nalang na palabas na sila. T-tandang k-kinakabahan ako. D-dapat ko bang gisingin sila lolo at daddy?"
"Mahal relax lang ha. Baka naman may emergency sa kwadra?"
"Hindi ei.. Natanawan ko sila na sumakay ng kabayo. Ang nakakapag taka lamang iisang kabayo ang gamit nila."
"Imposible. Hindi ugali ni Ashanti na umangkas sa kabayo kung di ako o si Ced ang kasama."
"Y-yon nga. At ang pinagtataka ko.. Tunatahak nila ang pababa ng Hacienda."
"P-Palabas ng Hacienda?"
"Nasaan kaba?"
"Narito sa bahay, nag bihis lang ako at plano ko na ngang pumunta sa bahay nila Ced."
"P-Pupunta ako dyan tandang."
"Mahal ko, huwag na. Magpahinga ka na lang. Promise agad namin hahanapin si Ashanti."
wala ng sagot ang dalaga.
"M-Mahal ko? Bata.. Hello?"
dali-dali niyang hinila ang kanyang jacket saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Kung tama ang hinala niya, ilang sandali lang ay naroon na ang nobya kaya sinalubong nalang niya ito.Maya-maya nga ay natatanaw na niya itong nagmamadali sa pag lakad.
"Mahal ko!"
agad niya itong tumakbo.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, lumabas kapa talaga." agad niyang hinubad ang suot na jacket at isinuot dito."Ei kasi naman ei.."
"Halika na." hinawakan na niya ito sa kamay at lumakad na patungo sa bahay nila Ced.
"Iwasan mo na nga ang mag lalabas ng mag-isa. Huwag matigas ang ulo ha, Bata.""Opo. Sorry na."
"Ikaw talaga, pasalamat ka mahal kita!"
"Dahil kung hindi?" taas kilay na tanong ng dalaga rito.
"Dahil kung hindi.. Hindi ko rin alam ei.. Ang alam ko kasi una palang kita masilayan sa taas ng punong mangga, Mahal na kita."
"Talaga lang.."
"Hmm mukhang may doubt kapa talaga hanggang ngayon."
inakbayan niya ito.
:
:
SAMANTALA"Saan ba tayo pupunta? Sana ikinuha mo nalang ako ng kabayong magagamit ko?"
iritable lang tanong ni Ashanti. Lalo na at di siya kumportable sa ganitong may ibang lalaking naka-angkas sa kabayo."P-Pasensya na.. N-nagmamadali kasi tayo." sagot naman ni Brando.
"Saan ba kasi ang punta natin? Tunatahak natin ang palabas ng bukana ng Hacienda."
sa halip na sumagot ay mas pinabilisan nalang ng lalaki ang pagpapatakbo sa kabayo.
.
.
"Ano? Saan sila pupunta?" si Ced. Kaharap sina Ashley at Clyde. Nasabi na ng mga ito ang pag alis ni Ashanti kasama ni Brando."N-Nagtataka lang kasi ako." ani Ashley.
"Diba kung may tao man dito sa Rancho na kadikit ni Scott si Brando yon?" si Clyde. "Magkaibigan ang dalawa at iisa ang kanilang pinanggalingan. Naalala nyo ba? Muntikan narin agawin sa akin ng brando na yon si Ashley? P-Paano kung.. Paano kung mag sagwatan sila ngayon ni Scott?"

BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
Hài hướcHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG