BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto)BY: TonyangCHAPTER TWELVE:

1.9K 47 2
                                    


IYAK ng IYAK si Ashanti ng silang tatlo na lamang nina Ashley at Clyde ang magkakasama sa kotse ng ate Ashley niya.

"A-Anong gagawin ko? Hindi nya ako maalala.. paano ko maibabalik ang ala-ala niya.?"

"Huminahon ka Ashanti. Dapat nga matuwa tayo na buhay siya, pasasaan ba at babalik din ang kanyang ala-ala. Maalala ka niya." Saad ni Ashley habang hiahagod ang likod ng kapatid.

"Ang gusto kong malaman ay kung kaninong bangkay ang nakitang sunog sa loob ng kanyang katawan?" turan naman ni Clyde. "Makinig kayong dalawa, wala munang dapat maka-alam nito. Maari ba? Mainam siguro na sa atin-atin muna ito. Ewan ko pero di maganda ang naiisip ko."

"A-Anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ni Ashley

"Ewan.. naiisip ko lang ngayon, di ako itigil hangga't di nailalabas ang totoo."

"I-Iniisip mo ba na..?"

"Muli kong pa-iimbestigahan ang aksidenteng nangyari kay Ced . Kilala ko ang inspector na may hawak ng kasong yon. kung kinaki-ilangang ipahukay ko ang bangkay ng inilibing natin sa pangalan ni Ced gagawin ko."

"C-Clyde.."

"Pinsan ko ang involve dito at kapag nalaman ko na may mga tao sa likod ng aksidenteng yon, lintik lang ang walang ganti."

Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo.
.
.
.
Samantala..
Nasa Kwadra sina Scott at Brando. Dumalaw kasi sa Villa si Scott kaya dinaanan na nito ang kaibigang si Brando.

"Guess what, Scott?" todo ngiting sabi ni Brando kay Scott na malalim ang iniisip.

"Hoy Bro!" inalog pa ito sa balikat.

"H-Ha?"

"Unti-unti ng mapapasa-akin si Ashley. Kunting tambling nalang." Pagyayabang pa na sabi ni Brando sa kaibigan.

"Ah talaga? Ingat sa nalalabing tambling mo baka magkamali ka ng bagsak mabagok ka."

"Haha sira! Believe me, dama ko nan a kunti nalang ang pagtitiis ko at magiging akin na si Ashley. Katunayan ay sinabi naming sa harap ni Clyde na kami na. kaya siguradong di na siya hahabulin ni Clyde."

"Ah talaga? Kaya pala natanawan ko kanina si Clyde na kasama sina Ashley at Ashanti. Mukhang may pupuntahan ang mga ito."

"Ano?"

"See, wala kang alam. Sa madaling salita Malabo pang mangyari ang iniisip mo." Bara ni Scott dito.

"Basag trip ka rin ei noh!. Problema mo naman?"

"Wala."

"Sus.. sa mukha mong yan.. hindi malabong wala."

"Hindi ko alam kung problema nga ito. Si Ashanti kasi bigla nalang walang kibo. I mean.. may nagbago sa pakikitungo nya sa akin."

"Nag away kayo?"

"Hindi. Ewan ko. Ilang araw na nga na di ako kinikibo ei. Di nag rereply sa mga text ko. Di sinasagot ang mga phone calls ko.. wala naman akong matandaan na may pinag-awayan kami."

"Ui iba na yan ha.. hmm umamin ka nga, in love ka na ba sa kanya?"

"Of course not!" Mabilis na sagot ni Scott dito. Subalit s akabilang banda ay napapa-isip siya. Ang totoo ay hinahanap hanap nya ang dalaga at namimiss ito ngayong ilang araw na di niya ito nakikita, di naririnig ang boses nito.

"Oh? Bakit labas sa ilong. Di mo ako maloloko, kaibigan ko. Aminin mo na kasi.."

"Aminin na ano?"

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon