HACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA BY: Tonyang Chapter 10

1.9K 37 0
                                    


SA HAPAG KAINAN, tahimik na nag-aalmusal ang Alvama kasama si Mylin. Nag pumilit kasi ito ng nakaraang gabi na doon na matulog kaya pinaagan ito ng mama ni Clyde na sa guest room matulog.
Kaya naman wala sa mood si Clyde habang kumakain.


"Baby, ito pa damihan mo ang kain mo dahil mag hapon ka na2man sa trabaho."
Malambing na sabi ni Mylin habang sinasalinan ng pagkain ang pinggan ng binata.

"Tama na nga. Mag dadagdag ako kung guso ko pang kumain." Yamot na turan nito.

Tahimik lang na nagmamasid sina Macario at ang asawa nito.

"Sya nga pala 'Pa.. alam mo bang dumating na si Ashley?" sabi ni Mrs Alvama na hinarap ang asawa.

Wala sa loob na nabitawan ni Clyde ang kutsara at napatingin sa kanyang mama.

"Ano kamo? Na-nag balik na si..?" walang kurap na tanong ng binata.

"Oo. Galing ako kanina doon at nabanggit nga sa akin ng labandera. Kahapon pa pala dumating."

Mabilis na tumayo si Clyde at lumabas.

"Clyde!" tawag dito ni Mylin na agad nasira ang mukha ng marinig ang sinabi ni Mrs Alvama. Agad din nitong hinabol ang binata.
.
.
.
.
"CLYDE! Clyde!!"

Naabutan ito ni Mylin sa labas ng bahay.

"Saan ka naman pupunta?"

"Wala ka ng pakialam doon."

"Shit Clyde! Nalaman mo lang na nakabalik na si Ashley nataranta ka na. Kalimutan mo na sya, Ikakasal na tayo!"

"Shut up!"

"Mahal mo parin ba siya ha? Mahal mo parin ba?!"

"OO!"

Natigilan si Mylin.

"Oo Mylin. Siya parin ang mahal ko."

"Iniwan ka na nya!"

"Alam ko. Kaya nga pakakasalan kita diba? Tulad ng gusto mo. Pero patawad.. pangalan ko lang ang maibibigay ko sayo sa papel. Hindi kailan man ang puso ko."

"C-Clyde.."

Sumakay na sa kanyang kabayo ang binata at mabilis iyon pinatakbo.

"Bweset!" Hiyaw ni Mylin habang tanaw playo ang binata. " Bweset ka talaga. Bakit bumalik kappa rito Ashley. Sana saka ka na bumalik kapag tapos na ang kasal namin. Arrrggg!!"


SAMANTALA,Kapwa bihis na ang dalawang dalaga para mangabayo ng umagang iyon. napagkasunduan nilang ikutin ang buong hacienda kaya naman pinahanda na nila ang kani-kanilang mga kabayo.
Habang palabas sila ng Villa ay kapwa sila natigilan ng Makita roon si Clyde habang diretso ang tingin kay Ashley. Bahagya pang napa-atras ang dalaga pero nahawakan sya ni Ashanti sa balikat dahil nasa likuran lamang niya ito.

"M-maiwan ko muna kayo." Paalam ni Ashanti sa mga ito ng makalapit sa kanilang kinatatayuan si Clyde.

Akma sana itong pipigilan ni Ashley pero mabilis na itong nakababa at sa isang iglap ay wala na ito.
Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan.
Doon lang napatunayan ni Ashley na hindi pa nya ito kayang harapin dahil bigla ang pananariwa ng masakit na ala-ala ng kahapon sa kanyang puso.

Dahil hindi nya matagalan ang tensyong namamagitan sa kanila kaya nilampasan nya ito at bumababa narin pero naging maagap ang binata sa pag sunod sa kanya.
Napigilan siya nito sa Braso.

"Please.. mag usap naman muna tayo." Basag ni Clyde sa katahimikan.

"Wala tayong pag-uusapan."

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon