BASTA'T KASAMA KITA by Tonyang Chapter 28

2.1K 45 3
                                    

ILANG SAGLIT na ang nakalipas ay hindi parin makapaniwala si Ashanti na boses ni Ced ang tumawag.

"Siya nga ba yon?" ang paulit-ulit niyang tanong sa sarili.

Sinubukan niyang tawagan ang number ngunit operator lang ang paulit-ulit na sumagot
di na niya pinatapos yon at nag pasyang umalis.

"Ashanti nag handa ak--!"

di niya pinansin na nilampasan lamang si Nana Edna at tuloy2 na lumabas. Naiwan naman ito ng puno ng pagtataka.

AGad na pinara ng dalaga ang taxi na natanawan niya at agad na sumakay. Kahit hindi siya sigurado, iisang fastfood lang ang alam niyang pinagdalhan niya kay Ced nood at doon nga siya nagpahatid. Nagbabaka-sakali na doon, makikita niya itong muli.

Halos di siya makahinga sa kabang nararamdaman habang palapit siya ng palapit sa nasabing lugar.

Hindi nagtagal at narating nga niya ang lugar. Dali-dali siyang kumuha ng pera at iniabot sa driver saka mabilis na lumabas.

Kulang na lamang ay takbuhin niya paloob ng nasabing fast food ng bigla na lamang may humila sa kanyang kamay.
Pag lingon niya'y hinihila na siya ni Ced pasakay sa naka-hintong taxi.

"A-anong..!?"

bago pa siya makabawi sa pagkabigla, umaandar na ang taxi palayo.

"C-Ced?"
agad nanlambong ang kanyang mga mata paano'y natigmak na iyon ng luha habang nakatingin sa binatang sa kanya rin nakatingin.

"C-Ced?"

"ssssh.."

kinabig siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.
Dama niya ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya kaya naman di na niya napigilan ang pamamalisbis ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

Hindi niya na alam kung gaano na sila katagal sa ganung ayos, walang usapan, walang kibuan, walang gustong kumilos, walang pinagbago ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na para bang ayaw na siyang bitawan habang pakiramdam niya'y hinang-hina siya at nasa mga bisig nito ang kanyang lakas.
Matagal na panahon siyang nananabik dito.

Halos 30 minutes din ang inabot ng kanilang byahe hanggang sa namalayan na lamang niya ay nasa loob na sila ng isang hotel room.

"C-Ced.. A-anong gagawin natin dito?"

"Mag-uusap lang tayo mahal ko."

"M-Mahal ko?" kunot noo na ulit niya sa huling sinabi nito.
"T-tinawag mo akong.."

"Yon naman ang dapat diba? Ako dapat ang kasama mong nagpa-plano ng kasal hindi ang scott na yon. At Ikaw dapat ang kasama ko, hindi ang Angie na yon!" seryosong sabi nito.

"C-Cedrick.." muli ang pag balong ng kanyang mga luha.

"C-Ced.. N-n-na-aalala mo na la-hat?"

ikinulong nito ang kanyang pisngi at bahagyang itiningala saka inalikan ang kanyang pisngi ng hinalikan para tuyuin ang kanyang luha.

"I'm sorry.. I'm sorry I'm sorry.." paulit2 nitong sabi habang patuloy na hinahalikan ang palibot ng kanyang pisngi.
Niyakap siya nitong muli.
"Naalala na kita. Ang lahat.. Lahat-lahat sa atin, mahal ko. I'm sorry.. I'm so sorry dahil nawala ako ng matagal."

"P-Pero Ced.."

marami siyang nais itanong dito pero pinigil siya nito ng angkinin nito ang kanyang labi.
Agad siyang napapikit sa kakaibang sensasyong hatid ng mainit nitong labi. Dama niya ang pananabik sa halik nito.

"C-Ced.." bahagya niya itong itinulak sa dibdib.

"I missed you so much.. I love you.." sabi nito at muling sinakop ang kanyang bibig.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon