APO.. Ashley.."
Pinunas ni Don Ramon ang luha ng Apo. Sila na lamang ang naiwan sa labas dahil angsipasok na sila Marshall kasama si Clyde.
"Lolo.. I'm sorry.. I'm sorry!"
Muling kinabig ng Don ang Apo at niyakap.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry, Apo ko. Ako dapat ang mag sorry."
"L-Lolo.."
"Naging padalus-dalos na naman si Lolo. N-Natakot lang kasi ako. Alam ko na mabuting tao si Clyde pero Ikakasal na siya. Masasaktan ka lang."
Napayuko ang dalaga.
"M-Mahal ko siya Lolo."
"Alam ko.. Alam ko. Kaya sabihin mo sa Lolo ang gusto mo at yon ang gagawin ni Lolo. Pangako yan."
"M-Mali po ba ako? Mali po ba na bawiin ko kung ano ang akin?"
"Hindi apo. Walang mali lalo na kung ang gusto niya ay ang bawiin mo siya at ipag laban siya."
"L-Lolo?"
"Si Clyde diba? Siya ang binagbawi mo?" nakangiting tanong ng Don sa dalaga. "Hindi ako tutol sa relasyon ninyong dalawa. Kung saan ka masaya, doon din ako. Dahil ayokong makikita kang nasasaktan."
"Lolo.."
"Tumahan ka na." pinunas nitong muli ang luha sa pisngi ng dalaga. "Halika na sa Loob. Malamang na hinihintay nila tayo roon. Alam mo bang napakatapang mo ngayon kumpara sa daddy mo noon? Di niya nagawang ipaglaban ang babaeng tunay niyang mahal kaya naging mesirable ang buhay nya sa loob ng ilang taon. At yon ang ayaw kong maranasan mo. Napakapalad m okay Clyde dahil kaya nyang harapin ang lahat, maipag laban ka lamang. Kaya ganun din ang dapat mong gawin."
Magkasabay na silang pumasok sa loob.
Naabutan nila roon sa sala ang kanyang mommy at daddy maging si Ashanti na kasalukuyang nilalagyan ng Ice ang pasa at putok na labi ng binata.
Napatayo ito ng Makita silang mag Lolo.
"Anong Plano mo ngayon Clyde?" Bungad ng Don ng maka-upo sa sala.
"D-Don Ramon.?" Napatingin siya sa dalaga. Habang ang lahat ay nag hihintay ng kanyang kasagutan.
"Ano ang plano mo sa aking Apo? Ano ang plano mo kay Mylin?"
"Don Ramon, Sir Marshall.. Ma'am Loida.. aayosin ko po ang gusot sa pagitan namin ni Mylin at isasama ko rito si Papa at Mama para pormal na hingin ang kamay ni Ashley. Payagan po ninyo kami na mag pakasal."
Napangiti si Ashanti na napatingin kay Ashley at nag thumbs up.
"Ashley.." tawag ng binata sa dalaga ng nakalahad pa ang isang kamay. "Thank you sa pangalawang pagkakataon, Bata." Anito ng tanggapin ng dalaga ang kamay nito.
"Clyde.. Isa ka sa mga batang lumaki na malayang nakaka labas-pasok dito sa Villa. Ikaw at si Ced, tanging pinagkakatiwalaan ko sa mga anak ko kaya naman sana maayos na ito."
"Kung ganun, bukas ang Villa ano mang oras na pumarito kayo ng ama at ina mo Clyde." Turan ng Don saka ngumiti. "Sana ay maayos na ito sa lalong madaling panahon dahil di ako papayag na di kayo makasal agad." Dugtong pa nito.
Tila nahugutan ng malaking tinik sa dibdib ang binata ng marinig ang sinabi ng Don. Napangiti siya na pinisil ang kamay ng dalaga.
MALALIM ANG INIISIP NI CED habang nakadapa siya sa kama. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Mula ng sabihin sa kanya ni Angie na buntis ito, Ang bigat na ng pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maramdamang kasiyahan sa kaalamanang magiging ama na siya.
Biglang nag ring ang kanyang phone. Wala sa loob na inabot niya iyon sa kinalalagyan nito at ng mabasa kung sino ang caller ay agad siyang napa-upo.
"A-Ashanti.."
Matagal siyang nakatitig sa hawak na cellphone habang patuloy iyon sa pagre-ring. Maya-maya ay huminto na iyon sa pag ring. Naging mas magulo ang kanyang isipan ng maalala si Ashanti. Paano na ngayon? Paano na kung bumalik ang kanyang ala-ala at nagsasabi ng totoo si Ashanti na ito talaga ang girlfriend niya at si Angie ang nag papanggap niyang asawa. Paano niya sasabihin kay Ashanti na ngayon ay dinadala ni Angie ang kanyang magiging anak? Paano nito iyon matatanggap?
Muling nag ring kanyang phone at si Angie na ang caller.
"Hon?"
Bungad nito sa kabilang linya ng sagutin niya ang phone.
"Hmm?"
"Hon? M-may problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" bakas sa tinig nito ang pag-alala.
"H-Ha?"
"Ayos ka lang ba? Bakit ganyang ang boses mo? Gusto mo bang umuwi ako ngayon mismo?"
"N-No no no.. I'm ok. S-sumasakit lang ang ulo ko. Uminom na ako ng gamut kaya itutulog ko nalang ito at ayos na."
"S-sigurado kaba dyan ha?"
"Oo nga. Magkita nalang tayo mamaya dito sa bahay pag uwi mo ha."
"Ganito nalang Hon, mag papareserve ako sa isang restaurant para sa dinner natin ha."
"Ok.. See you later. Hintayin mo nalang ako doon sa shop ." an iced at in-off na ang phone.
Napakunot naman ang noo ni Angie sa kalamigan nito pero binaliwala nalang niya iyon saka muling nag dial ng number sa isang sikat na restaurant para magpa reserve.
"ANONG PLANO MO.?"
Tanong ni Scott ng makaharap si Brando at malaman ditto ang tungkol sa pagkakabalikan nina Clyde at Ashley.
"Hindi ko alam. Di ako makapag isip ng maayos." Sagot naman nito na malayo ang tingin.
"Alam mo simple lang yan. Burahin mo ang sagabal sa inyong dalawa."
"H-Ha?"
"Anong ha? Don't tell me di mo kuha ang sinabi ko?"
"Mahal ko si Ashley at di ko siya kayang pwersahin at saktan para lang mapa sa akin siya."
"Tsssshh lintik na pag mamahal yan. Ganito.. hindi naman si Ashley ang sasaktan mo. I.. I mean oo masasaktan siya pero nariyan ka naman para pawiin ang sakit na mararamdaman niya diba."
"Ewan ko 'tol.. "
"Ewan ko rin sayo. Di ka magiging Amo ng isang Hacienda kung gaagnyan-ganyan ka lang."
"Ewan ko Scott.. labas dito ang Hacienda. Oo, yon talaga ang gusto ko sa simula pero ngayon.. I love Ashley more than anything."
Pagak na natawa si Scott. Bago sa pandinig niya iyon mula sa kaibigan.
"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Huwag mo nga akong pinapatawa dyan. Alam ko ang likaw ng bituka mo tado.. wag mo ako gamitan ng ganyang style. Di ko kakagatin yan." Natatawang umiling-iling pa si Scott. "H'wag mo akong pinag loloko ulol!"
"Ewan ko nga sayo! Ano bang ginagawa mo rito?"
Nalungkot ang mukha ni Scott. "Dadalawin ko si Ashanti. Loko yong babaing yon. di ako pinapatahimik ei. Nakakainis lang." anito na napasabunot sa sariling buhok. "Tsk!"
"nami-miss mo?" nang aarok na tanong ni Brando dito.
"Oo ei." Nakangiwing sagot naman nito."
"Mahal mo?"
"H-Ha? H-Hindi ah!"
Lakas ng tawa ni Brando. "Alam mo kung di kita kilala baka maniwala pa ako. Kaso alam ko likaw ng bituka mo uy! Hindi daw.. Unggoy!"
"tsk! Tantanana mo nga ako. Teka, nasa Villa ba sila? Di sila umalis?" pag iiba ni Scott.
"Oo. Nasa Villa silang lahat."
"O sige. Punta muna ako doon. Usap tayo uli mamaya." Tumayo na si Scott at pinagpag ang suot na pantalon. Napa iling-iling na lamang si Brando habang hinahatid ng tanaw ang kaibigan.
SAMANTALA..
Palakad-lakad si Mylin sa kanyang silid. Tila isa siyang despirada sa kanyang hitsura habang nag iisip ng dapat gawin.
"Bwest na Brando na yon. hindi maasahan. Kailangan ko mag plano mag isa, kung paano muling mapapaghiwalay sina Ashley at si Clyde. Sisiguraduhin kong mawawala sa aming ladas ang gagang yon. humanda ka Brando, pag sisisihan mo rin ito. Isa lang ang paraan para tuluyan ng maging akin si Clyde, yon ay kung mamamatay ka Ashley! Tama.. dapat kang mamatay!" mariing sabi ng dalagahabang annlilisik ang mga mata nito. Buo sa kanyang isipaan ang kanyang binabalak.
MAGKAKASAMA sina Clyde, Ashley at Ashanti sa garden ng Villa at amsayang nagkukwentuhan ng dumating si Scott.
"Hi Hon!" nakangiting bati nito ng tuluyang makalapit kay Ashanti.
"H-Hi..!" ganting bati naman ng dalaga na napatingin sa gawi nina Ashley at Clyde. Kaya naman kitang-kita niya ng mapa-tiim bagang ito habang nakatingin kay Scott. "K-Kailan kapa dumating?"
'kani-Kanina lang. dumaan pa ako kay Brando bago tumuloy ditto." Sagot nito na naupo sa tabi ng dalaga.
Nagkatinginan sina Ashley at Clyde. Maya-maya ay bahagyang yumuko si Clyde at may ibinulong sa girlfriend.
"Sya nga pala. Nabalitaan ko nga na nagka-ayos na pala kayo. Congratz sa inyo." Ani Scott na inilahad ang kamay kay Clyde para makipag kamay. Baliwala naman na tinanggap iyon ng binata.
"Salamat." Pormal ang mukha na sagot ni Clyde.
Sunod na binalingan ni Scott si Ashley. Tango lang ang itinugon ditto ng dalaga.
"Ahm, mas mainam siguro kung maiwan muna namin kayo." Si Clyde muli na tumayo na. "Tara bata.. para naman makapag usap muan sila."
"P-Pero Clyde.." ani Ashanti na may pag tutol sa boses nito.
"Oo nga naman Ashanti. Ilang araw din nawla si Scott." Nakangiting turan naman ni Ashley na tumayo narin. "Tara, amg lakad-lakad tayo." Baling nito kay Clyde.
Wala ng nagawa si Ashanti ng umalis na ang mga ito.
"Kumust kana? Talagang tiniis mo ako ha. At talagang nag pa miss ka sa akin. Pwes, gusto ko pong sabihin sayo na Miss na Miss na Miss kita. Hmm.." malambing nitong sabi na akmang pipisilin ng pisngi ng dalaga ngunit mabilis itong naka-iwas.
"H-Hon.. g-galit ka parin ba? Sorry na ok. Alam ko na nabigla ka sa proposal ko. Naiintindihan ko na di kaoa handa pero sana naman huwag na natin palakihin ito."
"A-Ayoko ng pag-usapan pa yon Scott."
"hon.."
"Ok, di na ako galit but please.. h'wag mo muna akong kinukulit. Marami aksi akong iniisip ngayon."
"tulad ng?" kulit parin ditto ni Scott.
"Never mind!" saka tumayo ang dalaga at walang lingon-likod na iniwan ang binata.
Lalo lamang naguluhan si Scott sa inasal ng dalaga.
KINA CLYDE AT ASHLEY..
"Nag-aalala ako kay Ashanti ngayon." Ani Clyde habang naglalakad-lakad sila sa kabilang bahagi ng bakuran ng villa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sana lang h'wag masyadong pangilagan ni Ashanti si Scott baka makahalata ito. Ayoko munang may makaalam na kahit sino na buhay si Ced hangga't di ko nalalaman ang totoong nangyari ng araw ng aksidente. Gusto kong isipin na aksidente lang yon pero may bahagi ng isip ko ang kumukontra. Ewan ang weird lang sa pakiramdam."
"T-Tandang.. i-iniisip mo ba na maaring may kinalaman si Scott? Bakit?"
"Saka nalang natin yan pag usapan. Ang gusto kong pag usapan ngayon ay ang tungkol sa inyo ni Brando."
"Ha? Bakit? Anong sa amin?"
Huminto si Clyde at hinarap ang dalaga saka ikinawit ang kanyang dalawang braso sa beywang nito.
"Ngayon na girlfriend na kita uli, taposin mo na ang kung ano mang relasyon meron kayong dalawa. Ayoko ng may kahati Bata." Anito na sa mga mata lamang ng dalaga nakatitig. "Ang gusto ko ako lang ang nakikita ng iyong mga mata.. ang laman ng iyong isipan at ang tinitibok ng iyong puso. Higit sa lahat.." saglit itong tumigil sa pag sasalita at kumilos ang isa nitong kamay at hinaplos ang pisngi ng dalaga at nag tagal ang hinlalaki nito sa labi ng dalaga at marahan iyong hinaplos.
"Ang gusto ko, ako lang ang hinahalikan ng labing ito."
"Wala akong dapat gawin at lalong wala akong dapat taposin sa aming dalawa." Pormal ang mukha na sagot ng dalaga na inalis ang daliri ng binata sa kanyang labi.
"P-Pero Ashley..?"
Ngumiti ang dalaga at tumingkayad saka inabot ang labi ng nobyo at dinampian ng halik.
"Dahil wala naman kaming relasyon."
"H-Ha? A-Ang akala ko.. Diba yon ang sa--?"
"Sinabi lang nya yon. Oo inaamin ko na nanliligaw siya. Nagtapat siya sa akin pero di ko siya.."
"Pssshh enough!" pigil ng binata sa iba pang sasabihin ng nobya na iniharang pa ang isang daliri sa labi nito. "Wala ka ng dapat ipaliwanag Mahal ko. Kung ano man ang sasabihin mo, yon ang paniniwalaan ko dahil mahal kita. Dahil nag titiwala ako sayo. Kaya kaapg sinabi mong wala.. ei di wala."
Niyakap nito ang dalaga na pabirong pinangigilan.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may mga matatalim na mga matang nanonood sa kanila mula sa di kalayuan.
"Sige lang magpaaksaya kayo sa piling ng isa't-isa. Sisiguraduhin ko na di yan magtatagal.!"
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG