"M-MAHAL.."
Yakap-yakap ni Ced si Ashanti habang naka-upo sa damuhan matapos nila itong pagtulungan hilahin mula sa napipinto nitong pagkahulog sa bangin.
Mapalad lamang ito at nagawa nitong buksan ang pinto sa side nito at lakas loob na tumalon bago pa tuluyang nahulog ang kotse at nagawa niyang mangunyapit sa isang sanga ng kahoy."Mahal ko, mahal ko.." paulit-ulit na bigkas ni Ced habang luhaang hinahaplos ang pisngi ng nobya at pinaliguan iyon ng pinong halik.
"You're safe.. You're safe.." luhaang sabi nito saka niyakap ang dalaga at di nahihiya na humagulhol ito habang nakasubsob sa balikat ng dalaga.
"C-Ced.. Ced.." humahagulhol din ito.
"Thanks God, you're safe.." si Ced uli.
Napatalikod nalang si Brando para di makita ang tagpo.
Kinabig naman ni Clyde ang nobya at niyakap.
"Tapos na.. Tapos na ang problema natin." sabi pa nito.
Saglit na namayani ang katahimikan sa mga ito at ng mahimasmasan ang bawat isa, nag sitayo na.
Saka pa lamang dumating ang mga tao na kasama ni Ashley.
"Boss Clyde! Boss Ced!! Ayos lang ba kayo?"
"S-Señorita Ashanti, m-mabuti at ayos ka lang."
"Ok na, magsibalik na tayo sa Hacienda. Maayos na ang lahat." malakas na sabi ni Clyde. "Sige na at tanghali na."
Kanya-kanya lakad na ang mga ito papunta sa kani-kanilang kabayo.
"TIGIL!! MAGSITIGIL KAYO!!"
"H-Ha?"
Iisa silang napabalik tingin sa boses ng isang lalaki.
"S-Scott..!?"
mulagat ang mga mata ng dalawang dalaga lalo na si Ashanti na takot na takot. Agad itong napakapit sa braso ni Ced."B-Buhay ka pa?" Galit na turan ni Ced.
"S-Scott?"
hindi narin natuloy ang pag-una pag alis ng limang lalaki na kasama nila."HUH!"
Nakangisi ito. Hindi nito alintana ang mga natamo ring sugat sa mukha at katawan."Hayop ka!" sigaw ni Ced. Dapat sayo natuluyan na!"
"Kung may mamamatay dito, hindi ako yon kundi ikaw!" bigla nitong inilabas ang baril at itinutok yon kay Ced.
Nahintakutan naman ang mga ito.
"Maari rin naman na ikaw!" inilipat nito ang baril sa tapat ni Ashanti. "Hahahaha" tila ito nababaliw sa paraan ng pag tawa.
"O kaya naman Ikaw! O ikaw!" kina Clyde at Ashley naman itinapat nito ang baril.
nakabig ni Clyde ang nobya papunta sa kanyang likuran.
"Baliw ka! Nababaliw kana Scott!! Huwag mong idadamay si Ashley!""Scott tama na! Tumigil kana! Itigil mo na ito." si Brando.
"At ikaw! Traydor ka!" galit nitong sagot kay Brando.
"Ano't sa kanila ka pumanig ha!? Kailan lang tayo ang magkakampi. Magkasama sa mga plano!""Tumigil ka na! Hindi mo na ako matatakot Scott. Pinagsabihan na kita pero hindi ka nakinig. Gusto ko ng mag bagong buhay. Mamuhay ng tahimik sa Rancho. Sa Rancho na naging puno't-dulo kung bakit ka nagkakaganyan." si Brando uli.
"A-Ano? Anong ibig mong sabihin?" napalingon dito si Ashanti.
"Huwag na Señorita Ashanti. Baliw na si Scott. Galit na galit siya sa daddy mo dahil nakuha nito ang Rancho na dating pag-aari ng pamilya ng kanyang fiancee. Namatay ang ama nito dahil inatake sa puso matapos tuluyang mawala sa kanila ang Rancho at iyon din ang nagtulak dito para magpakamatay ito."
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG