BASTA'T KASAMA KITA by: Tonyang CHAPTER NINE:

1.8K 44 1
                                    


KABABABA lang ni Ashanti sa kanyang kotse matapos iparada yon sa harap ng Heaven's Boutique. Kagyat nyang pinag masdan ang kabuoan ng labas ng shop. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw nya ang mga naka display ng mga gowns sa loob dahil sa wall glass ang paligid niyon.
Sa labas pa lamang ay talagang namangha na siya. Lalo tuloy siyang na-excite na makaharap ang owner/designer ng Heaven's Boutique.


Kung napahanga sya sa labas pa lamang ng Boutique ay higit lalo ng makapasok siya. Talaga naman di-kalibre ang may-ari niyon. Agad napa-dako ang kanyang tingin sa mga wedding gowns nan aka-suot sa mga nakatayong mannequins na katabi ang mga grooms ng mga ito ayon din sa kasuotan nito.

Napangiti si Ashanti na agad napalapit doon.

"wow!"

Bulalas nya ng tuluyang makalapit at sinlat-salat ng kanyang dalawang daliri ang tela ng naka-display na wedding gown. Talagang napahanga siya ng husto.

Napa-dako ang kanyang tingin sa napaka-gandang gown na nasa pinaka gitna.

"Ma'am, Bagong labas po na desinyo yan para sa sunod na buwan. Wala pa po yan sa aming magz." Wika ng isang dalaga nan aka-sunod sa kanya.

"Talaga? Wow ha. Pwede ba itong isukat?"

"Yes ma'am! At kapag nagustohan ninyo, kayo na po ng Boss ko ang mag uusap."

Napa-tangu-tango ang dalaga.

"Gusto koi tong isukat."

"Yes ma'am!"

Agad nag tawag ng katuwang ang dalaga para kunin ang gown.

"Tawagin ninyo ang Boss n'yo. Gusto ko syang maka-usap." Agad na sabi ni Ashanti ng iabot sa kanya ang gown para isukat.

Dahil sa may ilan pang mga costumers ang pumasok kaya iniwan na siya ng isang nag a-assist sa kanya. Samantala ang isa naman ay pumasok sa opisina ng boss nito para tawagin.

Mag-Isa syang pumasok sa fitting room para mag sukat.

SAMANTALA..

Napa-angat ang tingin ni Miguel mula sa kanyang ginagawa ng makarinig siya ng dalawang sunod na katok sa pinto.

"Come in!"

Sabi nya na muling ibinalik ang pansin sa kanyang dinu-drawing. Napangiti siya ng magkaroon nan g mukha ang modelo ng kanyang idinidisenyong damit pang kasal. Hindi nya alam kung saan nya naapuhap ang mukha ng babae pero iyan at iyan ang mukha ng babaeng nakikita nya tuwing pipikit sya sa gabi. Hindi lang niya magawang mag tanong kay Angie dahil inaalala nya ang maaring maramdaman nito kung sakali.

"Sir, may isa po tayong Costumer na nais kang maka-usap. About po ito sa design na ilalabas natin next month."
Sabi ng dalagang pumasok.

Lalo siyang napa-ngiti. Paano ay iyon ang pinaka-unang design nya na nagawa. Masyadong nagustohan nila Franz kaya inuna nilang gawin iyon at magiging design for the month nga iyon kaya maagang dinisplay sa labas.

"S-Sige. Lalabasin ko kaagad."

"Thank you, sir. Kasalukuyan nyang sinusukat ngayon ang gown sa VIP room."

Dali-Dali nang tumayo si Miguel. Pero bago siya tuluyang lumabas ay muli niyang sinulyapan ang kasalukuyan nyang dinu-drawing.

SA HACIENDA DEL RIO.

Gulantang ang mga tao sa Villa ng dumating si Ashley.
Walang kamalay-malay ang mga ito ng pumasok sa loob ng villa ang dlaga. Nasa sala sina Marshall at Loida habang kapawa abala. Si Loida ay inaayos ang mga wedding invitations at ang daddy Marshall nya ay abala ito sa kausap sa phone.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon