CHAPTER 30 by Tonyang

2.8K 63 24
                                    

MULA SA HEAVENS BOUTIQUE at matapos marinig ang mga rebilasyon ni Scott, walang inaksayang oras si Ced at agad siyang bumyahe pabalik ng Hacienda Del Rio ang lugar kung saan alam niyang doon matatagpuan ang babaeng iniibig. Si Ashanti. Kailangang malaman ng lahat na buhay siya. Higit ang kanyang mga magulang.
Higit sa lahat dapat malaman ni Ashanti na pakana lahat ito ni Scott dahil plano talaga nito na paghiwalayin silang dalawa ni Ashanti.

"Mahal ko, ngayong nagbalik na ako hinding-hindi ako papayag na matuloy ang kasal mo sa iba. Hindi ako papayag na magkalayo tayong muli." naisaloob ng binata na tutok sa kalsada ang mga mata.
"Mag babayad ka ng mahal sa mga ginawa mo sa akin, Scott.;

at habang palapit siya ng palapit sa Hacienda, iniisip na niya kung sino ang maari niyang unang lapitan?
Sino ang makakatulong sa kanya?

"Si Clyde! Si Ashley.. S-silang dalawa lang ang makakatulong sa akin kay Ashanti." agad na nasagot ang kanyang alalahanin.
.
.
.
Hindi naman nag tagal sa labas sina Ashley at Clyde. Agad silang umuwi para makapag pahinga ang binata. Bawal pa itong mapagod sa ngayon.

Naroon sila sa silid ni Clyde at inaayos na ng dalaga ang kumot ng nobyo.

"Matutulog na ba ako? Grabe naman." himig pagrereklamo ni Clyde.

"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na matulog para sabihing nagpapahinga ka." anang dalaga na na-upo na sa tabi sa gilid ng kama.
"Huwag munang matigas ang ulo ha Clyde."

"Aray naman!" nakangiwing sabi nito.

"H-Ha? B-Bakit? Alin ang masakit." agad na tanong ng dalaga na puno ng pag-alala.

"anong tawag mo sa akin.? Sino ako?"

"Cly--Tandang! Hehe.."

"Bata, dito ka na matulog ngayong gabi. Bukas ka na umuwi."

"Ano? Sira kaba? Gusto mo ba na kapwa tayo mapagalitan ni Lolo?"

"Bakit naman? Ayaw mo nun, agad-agad niya tayong ipapakasal."

"Sira!!" mabilis itong kinurot ng dalaga sa tagiliran.

"A-ah-aww! Bata naman!!" lukot ang mukha nito na hinuli ang kamay ng nobya. "Ang sakit nun ha!"

"Nagrereklamo ka?" pinandilatan ito ng dalaga.

"H-Hindi." bahagya nitong hinila ang kamay ng dalaga saka walang sabi-sabi na hinaplos-haplos ang puson.

"Bata, hindi pa ba tayo magkaka-baby?"

"A-Ano!?" nanlaki ang mga mata ni Ashley sa tanong ng nobyo.
Ngumisi ito.

"Gusto ko ng maging daddy."

"Ganun? Di mo pa nga ako pinapakasalan, baby agad ang gusto mo."

"Bakit? Pwede naman mauna yon ah. Saka mga bata palang tayo alam ko na kung sino ang magiging ina ng magiging mga anak ko, Ikaw Ashley." patuloy nitong hinahaplos-haplos ang puson ng dalaga.
"Marami na tayong pinagdaanang pagsubok, wala na sa landas natin si Mylin, wala na tayong magiging problema kaya kahit anong oras pwede na tayong magpakasal."

"P-Paano si Ashanti? Tandang paano si Ced."

"Trust me, walang kasalang magaganap. Sinabi ko naman sayo diba? Bibigyan ko ng katarungan ang nangyaring aksidente ni Ced."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

TOK! TOK! TOK!

Kapwa sila napatingin sa may pinto ng makarinig sila ng katok ngunit hindi iyon nagmumula sa pinto.

Bumukas ang bintana ng silid ni Clyde.

Napatayo si Ashley at napa-upo naman si Clyde ng may pumasok doon na familiar na bulto ng katawan ng lalaki.
Hindi sila maaring magkamali..

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon