"Bakit mo ako iniwan?"
napatigil sa paghagulhol ang dalaga ng makarinig ito ng tinig.
"Ganun lang ba talaga para sayo kadaling iwan ako? Matapos na may mangyari sa atin?"
Pakiramdam niya'y tumigil sa pag-inog ang mundo.
Maging ang kanyang puso ay bahagyang tumigil sa pag tibok.
Dahan-dahan niyang kinapa ang switch ng ilaw na nasa tabi lamang ng pinto.
Dahil sa liwanag na biglang sumambulat sa kabuoan ng kanyang silid, bahagya siyang napa-yuko at sa carpeted na sahig napako ang kanyang paningin.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang magising na wala kana sa aking tabi?" muli, ang tinig na kanyang narinig.
nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa paris ng mga sapatos na humahakbang palapit sa kanya.
Tumigil ito ilang hakbang lamang ang pagitan nila. At mula sa kinatatayuan nito, langhap niya ang perfume na gamit nito mula noon. Hindi na niya kailangang mag-angat ng paningin para kilalanin kung sino ang kaharap. Sapat na ang tinig nito at ang gamit nitong pabango.
"D-Diyos ko.." daing niya na napahawak sa kanyang dibdib.
Agad nagsalimbayan ang kanyang mga luha at walang patid na namalisbis iyon.
"C-Ced.." muli niyang bulong saka dahan-dahang nag angat ng tingin hanggang sa mag tama ang kanilang mga mata.
"Ced.." muli niyang bigkas sa pangalan nito.
"B-Bakit? Bakit mo ako iniwan? Buo na ba talaga ang pasya mo na pakasalan si Scott?"
puno ng hinanakit na tanong nito.
"Paano tayo?"
sa tanong nito ay napapunas siya ng luha.
"I-Ikaw rin naman, I-Ikakasal na.."
sagot niya na halos di bumuka ang kanyang bibig.
Sa isiping ikakasal ito, pakiramdam niya'y unti-unti siyang pinapatay.
"Hindi!"
mabilis nitong sabi. Saka tuluyang lumapit sa kanya at ginagap ang kanyang pisngi ng dalawa nitong palad.
"Mahal kita, ikaw, ako.. Tayo ang magpakasal Ashanti. Ako naman ang mahal mo diba? Dahil ikaw.. Ikaw lang ang minahal ko at mamahalin ko."
"M-Magkaka-anak na kayo ni Angie."
"H-Hindi. Walang bata."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi totoong buntis si Angie. Nalaman ko yon ng maaksidente kami at magising ako sa hospital. Bumalik na ang ala-ala ko kasabay na nalaman kong di siya totoong buntis ayon sa doctor na naka-assign sa amin."
"H-Ha? T-Totoo ba yan?"
"Oo mahal ko. Nagkunwari siyang buntis para magpakasal kami. Ganun pa man di ko sinabi sa kanya na alam ko na ang totoo. At iyon sana ang ipagtatapat ko sayo sa Hotel kaya lang pag gising ko, wala ka na."
Sa di malamang pakiramdam, napasubsub na lamang si Ashanti sa dibdib ni Ced habang umiiyak.
Niyakap naman siya nito at hinaplus-haplos ang likod.
"Nakikiusap ako sayo, huwag mong ituloy ang kasal ninyo ni Scott, mamamatay ako. Hindi ko kakayaning makita ka sa piling ng iba."
"C-Ced.."
napabitaw siya rito sabay iling-iling na nilampasan ang binata.
"A-Ashanti?"
"Handa na ang lahat.. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari magpapakasal ako sa kanya."
"Nasisiraan ka na ba!? Hindi ka dapat magpakasal sa kanya!"
"I-I'm s-Sorry Ced.."
"A-Ashanti.. A-anong.."
"Mahal kita pero si Scott, h-hindi niya ako iniwan ng mga oras na ayoko ng mabuhay dahil sa pag aakalang patay ka na. Hindi siya umalis sa tabi ko, inalalayan nya ako."
Sarkastikong tumawa si Ced.
"Inalalayan? Di pinabayaan? Di umalis sa tabi mo? Ei yon naman talaga ang plano niya ang magkahiwalay tayo para makuha ka niya. Listen Ashanti.. Pakana lahat ni Scott ang nangyari. Sinabutahe niya ang kotse ko.
"A-Ano!?"
nagimbal ang dalaga sa natuklasan.
"Pruweba gusto mo?"
inilabas nito ang cellphone at pinarinig sa dalaga ang na-record niyang usapan nina Scott at Angie.
Lalong natigagal ang dalaga.
"Matagal na silang magkakilala. Nagkasundo sila na tuluyan tayong paghiwalayin. Maging si Clyde ay nagsagawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa nangyaring aksidente ko."
napatakip ng palad sa mukha si Ashanti sabay muling hagulhol.
"K-Kaya pala.. K-kaya pala kahit anong pilit ko di ko siya kayang mahalin. At kahit anong gawin niya'y wala akong maramdaman sa kanya."
"Please layuan mo na si Scott."
kusang yumakap na ang dalaga rito.
.
.
KINABUKASAN lihim na nagkita-kita ang apat. Sina Clyde at Ced, ashanti at Ashley.
Doon ay mas naliwanagan si Ashanti ng si Clyde na ang mag salita.
Hindi rin lumantad si Ced sa buong Hacienda. Tanging sa kanyang pamilya at kay Don Ramon siya nagpakita.
Gulat na gulat ang matanda ng sa pag pasok nito sa Library, ng hapong iyon ay nadatnan nito si Ced doon kasama sina Ashanti, Ashley at Clyde.
Halos hindi rin ito makapaniwala sa mga ipinagtapat ng mga ito.
"Ang walang hiyang yon.. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang lahat ng ito. Tao ko siyang tinanggap dito sa Hacienda para sa apo ko yon pala'y may masama siyang mga balak. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya." anang matanda.
"Lo, huminahon ka." si Ashley na inalalayan ang matanda.
"Dapat siyang makulong!" sabi pa nito.
"Don Ramon, ipa-ubaya mo nalang sa amin si Scott." si Clyde na napatingin kay Ced.
"Pero ilang araw nalang at kasal na nila ni Ashanti." sabi nito.
"Hindi tuloy ang kasal nila. At kung may kasalan man, Ako at si Ashanti ang magpapakasal."
"C-Ced?" si Ashanti.
"Oo mahal ko, magpapakasal agad tayo kapag naayos na ang gulong ito."
"Uunahan pa ninyo kami?" natatawang sabi ni Clyde. "Hindi ba pwedeng double wedding? Hahaha!"
"Kayo talagang mga bata kayo oo!!" anang Don na bagamat nagagalit ay napangiti narin dahil sa takbo ng usapan.
SAMANTALA,
Hindi na mapakali si Angie dahil sa di pag-uwi ni Miguel sa nagdaang gabi at buong maghapon.
Hindi tuloy niya malaman ang gagawin at kung ano ang iisipin.
Hindi rin kasi niya ito makuntak.
TOK TOK TOK!!
Mabilis siyang napatayo ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto.
Halos takbuhin niya ang pinto para buksan iyon.
"M-Mig.. Miguel!"
hindi mapigilang bulalas ni Angie ng mapagbuksan ng pinto ang binata.
Bugso ng damdamin ay agad niya itong sinalubong ng yakap.
"Saan kaba galing ha? Nag-aalala ako sayo. Hindi ka manlang tumawag. Saan kaba nagpupunta?"
Pero sa halip na sagutin siya nito ay baliwala nitong binaklas ang pagkakayapos ng kanyang mga kamay at tuloy2 na itong pumasok.
"M-Miguel..?"
agad siyang napasunod dito.
"Miguel ano ba!?"
"Kailangan natin mag usap once ang for all, Angie!" anito na hinarap siya ng maabutan niya ito sa sala.
"Habang hindi ko pa magawang kamuhian ka hanggang buto, mag kaliwanagan na tayo ngayon."
"M-Migs..? A-anong ibig mong sabihin?"
"Huwag ka ng mag maang-maangan pa. Tama na Angie. Tama na!"
"A-Ano bang..?"
"Nasa sayo lahat ng oras para mag salita. At ang oras na yan ay magsisimula ngayon at matatapos kapag tumayo ako at lumabas ng pintong yan." turo ni Ced sa nakasarang pinto saka na-upo na.
Hindi naman mapakali si Angie sa pagkakatayo. Hindi niya maarok ang tinatakbo ng isip ng binata kaya napa-upo narin siya sa upuang katapat nito.
"A-Ano ba kasi ang nangyayari sayo?"
"Huwag mo na nga akong lansihin pa. Magsimula ka ng mag salita ng may kabuluhan." nag di-kwatro ito ng upo.
"Oh by the way, stop calling me Miguel."
Napa-lunok ng ilang ulit si Angie.
"A-Alam mo na?" alanganin niyang tanong dito.
"Ang ano?" walang emosyong balik tanong nito sa kanya.
Bigla, lumuhod si Angie sa harap ni Ced. Maging ang binata ay nabigla. Di niya inaasahan ang gagawin nito.
"Patawarin mo ako! Patawarin mo ako Ced.."
Napatiim bagang ang binata.
"D-Di ko sinasadya maniwala ka.. H-Hindi ko plano ang lokohin ka. Oo hindi ka nga si Miguel. Hindi rin kita tunay na asawa. Na-natagpuan ka lang namin noon ng mga kaibigan ko na walang malay ilang agwat mula sa sumabog na kotse. S-sila ang nag bigay sa akin ng idea na mag pakilalang asawa mo ng gumising ka na walang maalala." nagsimulang pumatak ang luha ng dalaga habang nagsasalita.
Ginagap nito ang dalawang kamay ni Ced at pinaghahalikan yon.
"M-Mahal kita.. Ced mahal kita. D-di ko rin sinasadyang mahalin ka. Di ko sinasadyang maramdaman ito."
"Kaya ba patuloy mo akong pinaniwala sa mga kasinungalingan mo ha? Dahil mahal mo ako kaya nagawa mo akong lokohin?!"
Padarag na tumayo si Ced.
"C-Ced.. Ced maniwala ka.. N-nagawa ko lang yon d-dahil.. Dahil mahal kita. Dahil a-ayokong mawala ka sa akin."
"Lintik na pagmamahal yan.." angil niya rito.
Tumayo si Angie at umiiyak parin na yumakap sa kanya.
"Ced.. Ced makinig ka, i-ilang araw nalang.. I-ikakasal na tayo at.. At magiging ganap na.. Magiging tunay na tayong mag asawa at magiging buo na tayong pamilya. Ako.. I-Ikaw at.. At ang.."
Marahas na binaklas ni Ced ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.
"At ng ano ha? At ng imaginary mong anak?" pagak na natawa si Ced. "Tama na Angie. Walang bata dyan sa sinapupunan mo. Wala!"
"H-Hindi.. H-indi totoo yan! Buntis ako at ikaw ang ama!"
"Sinungaling! Pwede ba tama na? Habang kaya pa kitang patawarin at di tuluyang kamuhian!"
"C-Ced.. Huwag.. Nakikiusap ako huwag mo akong iiwan. Nagmamaka-awa ako sayo.. Huwag mo akong iwan.."
"I'm sorry.. May tunay na nag mamay-ari sa puso ko."
"K-Kailan pa? Kailan mo pa ito nalaman?"
"Matagal na. Hinihintay ko lang na kusa mo iyon ipagtapat sa akin pero mukhang malabong mangyari yon. At talagang nakipag sabwatan kapa kay Scott ha!"
hindi nagawang makasagot ni Angie sa huling tinuran ng binata.
"Alam mo ba kung gaano kitang kinamumuhian ng magising ako't malaman ko na niloloko mo lang ako? Pinapa-ikot sa mga kamay mo? Gusto kitang paghigantihan.. Pag dusahin.. Sa huli naisip ko.. Kapag ginawa ko yon, wala narin akong pinagkaiba sayo at sa Scott na yon!"
"M-Mig.. Miguel.."
"Ced. Cedrick! Yang ang pangalan ko!"
saka walang lingon likod na lumabas ng bahay si Ced at umalis.
"Aaaahhhh!!!!"
malakas na hiyaw ni Angie sabay malakas na napahagulhol.
"Miguel.. Migueeel!!" patuloy nitong sigaw.
At sa galit nito, pinangbabato nito ang anumang mahawakang naka-display sa sala.
Ilang saglit pa, kinuha nito ang bote ng wine at basta na lamang iyong tinungga.
"H-Hindi kayo magkakabalikan ng babaeng yon Miguel. Hindi kayo hahayaan ni Scott at sa huli, sa akin ka parin babalik Miguel ko."
sabi pa nito habang tuloy-tuloy nitong tinutungga ang hawak na bote ng alak.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG