Hindi nakatulog magdamag si Ashanti sa kakaisip sa kasintahan. Hindi parin ito tumatawag.
Bukang liwayway ng tumila ang Ulan at Pumutok ang Unang balita sa Radyo at Television ang gumimbal sa bawat pamilyang may kaugnayan sa binatang natagpuang sunog na sunog ang katawan.
Nangyari ang aksidente sa kasagsagan ng Bagyo at sa kasamaang palad ay nahulog sa bangin ang kotse nito. Nakilala ang kotse na pag-aari ni Dr. Cedrick Olivarez. Maging ang kotse nito ay sunog na sunog na nakilala lamang dahil sa pl.# ng kotse na nagkayupi2.Hindi kinaya ni Ashanti ang bumungad sa kanyang masamang balita, agad na nawalan ito ng Malay ganun din ang nangyari kay Dra. Laila Olivarez. Ang ina ni Ced.
WALANG TIGIL sa pag tangis ang dalaga ng muli itong magkamalay at ng oras na iyon mismo ay bumyahe sila para magpunta kung saan dinala ang bangkay ng binata.
Naroon na si Dra. Laila sa tabi ng bangkay ng anak at malakas ang pag hagulhul nito. Nang makita nito ang dalaga ay agad nagyakap ang dalawa at sabay na nag-iyakan.
Tumalikod na si Clyde, akbay2 ang gf na lumabas doon.
"Tandang.."
Lumingon sa kabilang panig ang binata at pasimpleng nag punas ng luha.
"Ano ba, h'wag kang mahiya. Ok lang na umiyak. Di mo kailangang pigilin yan." kinabig ni Ashanti ang binata at pinayuko sa kanyang balikat.
Namagitan sa kanila ang katahimikan at maya2 lang ay ramdam ng dalaga na umiiyak nga ito kaya niyakap nya ito. Dama nya ang paghihirap ng kalooban nito. Halos sabay na lumaki ang mga ito at alam nya na higit pa sa magkapatid ang turingan ng mga ito. Sya man ay nasasaktan sa sinapit ni Ced. Matagal din ang kanilang pinagsamahan bilang magkaibigan.
Namalayan nalang ng dalaga na maging sya ay umiiyak narin. Ngayon nya tunay na naramdaman na wala na ito. Kaya naman sya na ngayon ang naka subsob sa dibdib ng kasintahan at yakap2 nito."A-ang sakit.." maya ay sabi ng binata.
"Buong buhay ko, nariyan si Ced. Hindi ko akalain na kalunos2 na kamatayan ang kanyang sasapitin. Dalawang tao ang nawala sa akin. Kapatid at Bestfriend." dugtong pa nito."Bakit kasi hinayaan syang bumyahe sa kasagsagan ng bagyo? Bakit di sya pinigilan ni Ashanti..? Sana'y buhay pa ngayon si Ced." himutok ni Ashley habang patuloy sa pag-iyak.
"Ssshhh H'wag kang mag salita ng ganyan." saway ng binata sa dalaga. "Baka marinig ka ni Ashanti. Masakit sa kanya itong nangyari. H'wag natin iparamdam sa kanya na sinisisi natin sya sa nangyari. Di rin nya ito ginusto."
"Ewan ko tandang, pero diba? Kung pinigilan nya sana si Ced.. Sana.. Sana..!"
napatingin si Clyde sa dalawang bagong dating. Sina Scott at Brando. Agad tumuloy ang mga ito sa loob ng kinaroroonan ng bangkay ni Ced.
Kapwa tahimik ng lumuluha sina Laila at Ashanti ng mapasukan sila ni Scott.
"A-Ashanti..?"
agad nitong niyakap ang nagulat na dalaga."I-Ikinalulungkot ko ang nangyari. M-Magpakatatag ka.."
"Thank you Scott.." tanging nasabi ng dalaga na itinulak na ito palayo sa kanya.
Pumasok ang dalawang pulis at may iniabot sa ginang. Isang cellphone at necklace na nakalagay sa plastic.
"Natagpuan namin ito sa pinangyarihan ng pagsabog at maging ang kwentas na iyan."
Humahagulhol na inabot yon ni Laila. Alam nya na necklace at cellphone yon ng kanyang anak.
"Ced anak.."
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG