ISA SA MGA Magsasaka ang inabutan ng malakas na ulan sa daan pauwi na siya sa kanilang bahay.Pasan-pasan ang ilang tuyong kahoy para sana gawing pang gatong ay sumilong siya sa malalaking punong kahoy.
Nasa unahan siya ng manggahan ng mga oras na yon.
"Tsk tsk.. Walang kwenta na itong mga kahoy na dala ko, basa narin naman lahat." naisaloob ng matandang magsasaka.
Binitawan nalang niya iyon at nag pasya na iwan nalang iyon doon. At dahil basang basa narin naman siya dahil sa mas lumalakas pa na buhos ng ulan at sinasabayan ng pag kulog at kidlat, nag pasya siyang sagupain nalang ang ulanan.
"Bahala na.. Baka pag hinintay ko pa na tumila ang ulan, baka bukas pa ako maka-uwi." Muling naisaloob nito.
Sa lugar ni Mylin, matapos pagbabarilin nito ang kabayong si Hercules, iniwan na niya ito at maingat na bumaba sa pinag gulungan ni Ashley. Di naman yon kalaliman na latian kaya di siya nahirapan.
"Nariyan na ako Ashley.. Mag dasal kana dahil kataposan mo na ito." Tumatawang sabi pa ni Mylin na pilit inaaninag ang dalagang hinahanap.
Samantala, pinilit na bumangon ni Ashley buhat sa pagkakadapa subalit ramdam niya ang pananakit ng kanyang katawan. Nakaramdam din siya ng kirot sa kanyang noo at naramdaman niya ang pag agos ng maiinit na likido mula roon.
"D-Diyos ko.. L-Lord.." di na mapigilang mapaiyak ng dalaga. Halos gumapang siya para lang makaalis sa lugar na iyon subalit lalo lang siyang nahihirapan dahil di niya alam kung saan siya kakapit dahil di niya magawang maisikad ang kanyang mga paa.
"C-Clyde.. Clyde h-help.." pilit niyang sigaw ngunit tila walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Lumalabo narin ang kanyang paningin dahil nag hahalo na ang dugo sa tubig ulan na dumadaloy sa kanyang mukha.
"Nariyan na ako.."
malakas na sabi ni Mylin kaya lalo siyang nahintakutan sa narinig.Habang di naman mapakali si Clyde sa kubo.
"Ang tagal naman ng batang yon." naisaloob niya habang palakad-lakad sa loob ng kubo. Ang alam niya ay kanina pa ito naka alis ng Villa pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito.
Kinuha niya ang cellphone at muling kinuntak ang numero ng nobya.
Nag ring iyon.Panay ang pag ring..
Muli sa lugar nila Ashley.
Napa-igtad si Ashley sa biglang pag ring ng kanyang phone.
"C-Clyde!" nabuhayan ng loob ang dalaga at pinilit yon kunin sa bulsa ng suot niyang pantalon.
Basa narin yon pero patuloy parin yon sa pag ring.
"Gotcha!!" malakas na sabi ni Mylin kaya naman nabitawan niya ang cellphone sa kanyang pagkagulat.
"M-Mylin.." nagawa niyang tumihaya.
Hahaha akala mo ba makakatakas kapa sa akin?" sabi nito na lumapit sa tabi ni Ashley at dinampot ang cellphone ng dalaga saka muling binitawan sa tapat nito at inapakan yon. At dahil malambot ang lupa kaya bahagya iyong lumubog.
"M-Mylin maawa ka.. A-ano bang naging kasalanan ko sayo..?" umiiyak ng tanong niya.
Muli, malutong na tawa ang isinagot nito sa kanya.
"Makinig ka Ashley! Hindi porke ikaw ang señorita, makukuha mo na lahat ng gusto mo.? Nagkakamali ka babae. Dahil kahit kailan hindi mapapasayo si Clyde. At hindi ka mapapasa kanya!" sigaw nito. "Mamamatay ka at mapapasa akin si Clyde! Narinig mo! Akin si Clyde! Akin! Akin at akin lang!!" tila nasisiraang paulit-ulit na sigaw nito sabay baril kay Ashley na unang tinamaan sa balikat.
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG