Chapter 35 by: Tonyang

1.3K 33 6
                                    

"Ashley, anak."



"M-Mama.."

Lumapit sa kanya ang ina. May dala itong hot chocolate.

"M-May problema ba? Mukhang balisa ka?"

"Ah.. w-wala po."

"Nag away ba kayo ni Clyde? O may masakit ba sayo?"

"W-wala po."

"Mmm, nagtataka lang naman ako."

"Ah 'ma, m-mangangabayo lang ako ha."

"What? Napaka-aga pa. hintayin mo nalang si Clyde."

"H-Hindi ma, g-gusto ko mangabayo mag i-isa."

"P-Pero anak.."

"Ma.. Maari bang tumawag kayo ng pulis. At sana'y makarating sila rito sa lalong madaling panahon."

"A-ano? B-Bakit? Bakit kailangan ng Pulis? M-may nangyayari ba na di namin alam?"

"M-Ma ewan ko, kinakabahan kasi ako. B-baka may masamang mangyari kay Ashanti."
di na napigilan ng dalaga na ipagtapat dito ang bumabagabag sa kanya.

"D-Diyos.. Ikaw na bata ka, bakit di ninyo agad ito sinabi sa amin? Bakit..?"

"Please mama.. Wala na tayong time. Baka pati si Ced at Clyde mapahamak."

"Huwag ka ng umalis... Dito ka lang, gigisingin ko ang daddy mo."
Walang nagawa si Ashley ng nagmamadaling pumasok ng Villa ang kanyang Ina.

Kaya naman nagmamadali narin siyang umalis.
.
.
SA KINAROROONAN NILA BRANDO AT CLYDE.

"T-Totoo ngang buhay si Ced? P-paanong nangyari na.."

"Patay malisya ka? O baka naman kasabwat ka talaga sa lahat ng Plano ni Scott?" ani Clyde.

"H-Hindi.. w-wala akong alam!"

"Wala? Bakit mo dinala sa kanya si Ashanti!?"

"N-Naki.. naki-usap siya sa akin na dalhin sa kanya si Ashanti."

Akma itong susuntukin ni Clyde pero mabilis itong naka-urong.
"Maniwala ka, napilitan lang ako."

"Sinungaling!"

"Nag sasabi ako ng totoo!"

"Kung ganun, sumama ka sa akin!"

"Ano, s-saan?"

"Sa Hacienda at isiwalat mo sa amin lahat ng alam mong plano ni Scott! Saan niya d-dalhin si Ashanti."

"H-Hindi ko alam. W-wala siyang sinabi na lugar. I-Ilalayo lang niya si Ashanti at ibabalik kapag kasal na silang dalawa."

"Ano!?"

"Maniwala ka man sa hindi, y-yon lang ang alam ko. H-Hindi ko rin naman gustong mapahamak si Ashanti. Sinubukan ko na pigilan si Scott sa kanyang mga plano, a-ayaw niyang makinig."

"May paraan pa Brando.. kung totoo nga na wala kanga lam."

"A-Ano?"

"Tulungan mo kami ni Ced. Tulungan mo kami na mabawi sa kanya si Ashanti."

Kagyat na di nakasagot si Brando.

"Alam na namin ang lahat, lahat ng ginawa niya kay Ced. May mga ebidensya kami. At sa ginawa mong ito, sa pag tulong sa kanya hindi malabong madamay ka."

"Wala akong alam sa mga ginawa niya!"

"Kaya nga tulungan mo kami."

Tumayo si Brando at pinunas ang dugo sa bibig.
"S-Sige.."

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon