"GUSTO kong makita ang wedding picture natin.;
sabi ni Miguel na muling inikot ang pangingin sa kabuoan ng sala.
"H-Ha ah ehh.." di malaman ni Angie ang isasagot.
"Ahmm nasa America. Tama, naroon ang lahat ng ala-ala sa wedding nyo dahil doon kayo ikinasal." sabad ni France na sa kaibigan nakatingin. "About sa wedding ring nyo.. Nasa taas, sa room nyo nakapatong sa may table. Nakita ko kanina ng mag linis ako." kinindatan nito ang kaibigan.
"Ah oo nga! Mula ng na aksidente ka, pinatong ko lang doon. Wait ha." paalam ni Angie at agad na umakyat.
Maya lang ay bumaba na ito, dala2 ang ring.
Nakangiting kinuha nya ang kamay ni Miguel at isinuot yon sa daliri nito.
"Halika, umakyat ka na sa room natin at kailangan mo pang magpahinga." yakag nito sa binata na di na nagsalita na sumunod nalang.
"THANK YOU France.. Thank you so much.. Akala ko mabubuking agad ako." sabi ni Angie ng muling bumaba matapos iwan ang binata na nakahiga sa kanilang silid.
"Pinaghandaan ko na ito. Alam ko na kailangan nyo ng ring katibayan na kasal nga kayo kaya ginawan ko ng paraan."
"Thank you talaga. Hindi ko alam ang aking gagawin kung nagkataon na wala ka rito."
"Ui ha, gwapo ang fake mong husband.. Anong malay mo, sya ang nakatadhana sayo girl."
"Ewan ko. Natatakot parin ako.. Natatakot ako na baka mahulog ang loob ko sa kanya tapos bumalik ang kanyang ala-ala at mamuhi sya sa akin."
"Pwes, ngayon palang gawin mo na ang lahat para paibigin sya para sakali mang bumalik ang ala-ala nya.. Mahal ka na nya. Di ka na nya iiwan."
Isang linggo pa ang nakalipas, pumasok na sa school si Ashanti. Subalit nanatili syang tahimik. Hindi naman pinalampas ni Scott ang pagkakataon, humingi sya ng permiso sa parents ng dalaga na samahan ito hanggang sa Maynila kaya naman nag rent ito malapit sa tinutuluyan ng dalaga para mabantayan ito. Hatid sundo nya ang dalaga sa school. Sa gabi, sinasamahan nya ito at uuwi lamang sya kung matutulog na ito o kailangan nitong mag review.
Habang abala si Scott, Abala din si Brando sa pag-iisip ng plano para mapag hiwalay sina Clyde at Ashley.
Pabagsak na nahiga si Brando sa Kama saka nag sindi ng sigarilyo.
Matapos ng ilang ulit na pag buga ng usok sa isang maliit na silid na kanyang tinutuluyan sa Hacienda Del Rio, napa mura sya.
"Bwiset! Kailan kaba kikilos para akitin si Clyde?" yamot na tanong nito sa katabing si Mylin na tulad nya ay hubad din at tanging kumot lang ang nakatabing sa kanilang mga katawan.
Nag sindi rin ito ng Yosi.
"Bakit ikaw, kumikilos ka na ba? Ilang linggo kana rito wala ka pang ginagawa." paasik na sabi ng dalaga.
"Alam mo na kailangan ko pang mag Adjust. Bago lang ako rito at kailangan ko pang makuha ang tiwala ng mga taong nakapaligid kay Ashley. Ikaw, walang kahirap-hirap na nakakalapit ka kay Clyde pero hanggang ngayon nganga ka parin."
ILANG Linggo pa sa ilalim ng pagsasanay si Brando kay Clyde. Laging magkasama ang dalawa sa pag-iikot sa mga alagang hayop ng Hacienda.
"Sa umaga sa tanghali at sa hapon tsinicheck ni Ced ang lagay ng lahat ng hayop sa buong hacienda para masiguro at mapanatili ang kalusugan nila. Mula ng si Ced ang naging taga pangalaga, walang namatay na hayop dito"
Tumango-tango lang si Brando.
"Ito ang huling araw na sasamahan kita. Dapat alam mo na ang trabaho mo."
"Oo naman. Ano naman ang akala mo sa akin walang pinag aralan para di makaintindi?" sarkastikong sagot nito kay Clyde.
Di na yon pinansin ng binata. Sumulyap ito sa sariling orasan. Saka sumakay sa sariling kabayo.
"Teka! Uuwi ka na ba? Darating na ba si Ashley ngayon?"
"Ma'am Ashley!" pagtatama ni Clyde sa sinabi ni Brando.
"Ano kaba, ayos lang yon sa kanya na tawagin sya sa pangalan nya." sabi naman nito.
"Kahit na. Ilagay mo sa lugar ang sarili mo." saka sinikaran ang kabayo at mabilis na pinatakbo.
"Tssshh! Mayabang ka! Ang lagay ikaw lang ang may karapatang tumawag sa kanya sa kanyang pangalan? Ang kapal mo ha?" sabi ni Brando kahit malayo na ang pinapatungkulan nya.
"Mag hintay ka, dahil bukas makalawa.. Ako na ang nasa kalagayan mo sa puso ni Ma'am Ashley."
Samantala, sa bukana na ng Hacienda nag hintay si Clyde sa pag uwi sa Hacienda ng girlfriend. Di sya naka luwas ng Maynila para sunduin ito dahil masyado na syang abala sa dami ng kanyang trabaho.
Di naman nag tagal at natanaw na nya ang kotse na sumundo rito. Napangiti sya at di na naghintay na makalapit ang mga ito sa kanya, sinalubong na nya ang mga ito kaya huminto ang sinasakyan nito.
Bumaba ito at nakangiting kumaway sa kanya.
"Kumusta ang bata ko?"
nakangiting sabi ng binata ng makababa sa kabayo at makalapit sa dalaga.
"Ayos lang!" sagot ng dalaga na agad lumapit sa binata at yumakap.
"At ang tandang ko, kumusta?"
"Namimis ka lagi. Ano pa nga ba?"
yumuko si Clyde sa Driver.
"Manong, sabay na kami ni Ashley uuwi. Mauna ka na sa Villa."
"Sige Clyde. Ikaw na ang mag dala sa Señorita sa Villa."
tumango si Clyde at sumaludo sa driver.
Minaubra na nito ang kotse paalis.
"Pwede ko bang masolo muna ang girl friend ko?" may lambing na tanong nito sa dalaga ng balingan ito.
"Kung di pa tayo uuwi, saan tayo?" kunot noo na tanong ng dalaga sa kanya.
"Sa kubo natin. Saan pa nga ba?"
"Hahaha sa kubo talaga natin?"
"Halika, sakay na." hinawakan nito sa beywang ang talaga at binuhat pasampa sa likod ng kabayo.
"Sana dinala mo si Hercules diba.." sabi ng dalaga ng ang binata naman ang sumampa at pumwesto sa kanyang likuran.
"Hmmm? Namiss kitang yakapin ei. Mayayakap ba kita ng ganito kung kay Hercules ka nakasakay?" tanong nito na niyakap ng mahigpit ang dalaga saka pinatakbo na ang kabayo.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakasunod sa kanila si Brando hanggang sa makarating sila sa kubo sa may manggahan.
Huminto ito sa di kalayuan at inilabas ang cellphone para tawagan si Mylin.
"ikaw na ang mag-isip ng paraan kung paano sila gulohin." yon lang at muli ng in-off ang phone.
Hindi nga nagtagal at dumating si Mylin sa kubo. Nagulat pa ang magkasintahan ng biglang bumulaga ito sa kanila.
"Hi Baby!"
"M-Mylin? A-anong ginagawa mo rito?"
Inilapag nito ang dalang basket na may laman ng merienda.
"Alam ko kasi na naririto ka sa ganitong oras kaya dinalhan kita ng merienda." maarte na sabi nito na yumapos sa braso ng binata.
Nakatingin lang sa kanila si Ashley.
"Ui, Ashley.. Narito ka pala. Hmm mag merienda na kayo."
"H-Hindi sige lang. Ok lang ako. Kumain lang kayo, paalis narin ako ei." tumayo na si Ashley.
"A-ashley!" padarag na tinanggal ni Clyde ang kamay ni Mylin sa kanyang braso.
"Baby, hayaan mo na syang umalis."
"Mylin, ang pinapaalis mo ay ang girlfriend ko. Diba dapat na ikaw ang umalis?" yamot na turan ng binata saka hinabol si Ashley na nakalabas na ng kubo.
"Ashley, wait!" nahawakan nito sa braso ang girlfriend.
"Bakit ka aalis? Iiwan mo ako ha? Bata naman.."
"Ayos lang tanda. Uuwi na ako. May bisita ka, sayang naman ang effort nya kung iiwan mo sya."
"Ashley c'mon.."
"Madalas ba sya rito? Alam na alam nya ang oras na narito ka."
"H-Hindi.. Hindi ko alam."
"Uuwi na ako."
"Ihahatid kita. Pls.. Hindi mo ako aawayin ng dahil dito diba? I miss you.. Ang gusto ko makasama ka, masolo ka.." kinabig nito ang dalaga at niyakap. "Pls.. H'wag kang magagalit.."
"Hindi ako galit at..."
"Tayo na, sa ibang lugar nalang tayo." putol ng binata sa sasabihin nito at inakay na ang dalaga papunta sa pinagtatalian sa kabayo.
Napamura si Mylin ng makitang paalis ang dalawa.
"Shit! Ano pa ba ang dapat kong gawin sa inyong dalawa?" sa inis ay hinagis ang dalang basket sa labas ng kubo kaya nagkalat ang pagkain doon.
Samantala, sa Villa Del Rio nagpasyang umuwi si Ashanti. Sinundo sya ni Scott kaya kasama nya ito ng dumaan sa libingan ni Ced.
Ang tagal nyang naka upo roon habang nakatayo lang si Scott sa likuran ng dalaga.
"Bweset ka talaga.. Patay kana pero bakit di ka mamatay-matay sa puso ni Ashanti.? Peste ka talaga!" tiim bagang na sabi ng isip ng binata.
"C-Ced huhuhuhu!" di na napigilang hagulhol ng dalaga kaya naman agad lumuhod si Scott at niyakap ito.
"Ashanti.. Tama na."
pero patuloy parin ito sa pagtangis.
*** 1year after ***
Kapwa nagtapos na sina Ashley at Ashanti sa kanilang mga piniling kurso.
"Isa na akong ganap na veterinarian, Ced. Ako na ang magpapatuloy sa mga nasimulan mo." nakangiti na si Ashanti sa harap ng puntod ng kasintahang namayapa.
Hapon yon at katatapos lang ng mass para sa pagbabang luksa sa binata.
Si Ashanti nalang ang naiwan at si Scott na nanatiling nakatayo sa kanyang likuran habang isa-isa ng nag-aalisan ang mga sasakyan ng kanilang mga bisita at pamilya.
"Mula bukas, ako na ang papalit sa posisyon mo na pansamantalang ginampanan ni Brando."
"Ashanti, kailangan ka rin sa Rancho." di na nakatiis na turan ni Scott sa dalaga.
"Hindi Scott. Babalik na si Brando sa Rancho. Dahil ako na ang magpapatuloy sa mga gawaing iniwan ni Ced."
lumakad na ang dalaga papunta sa kanilang kotse. Nakasunod narin sa kanya si Scott.
"Dahil parin kay Ced kaya mo yan gagawin. Ashanti, matagal ng patay si Ced bakit naka depende ka parin sa kanya? May sarili kang buhay. Sariling desisyon at.."
"Mahal ko ang Hacienda. Dito ako nagkamalay at Lumaki. Si Ced at ang Hacienda ang dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong ito."
"Ok.. Alright.. Sa Hacienda ka. Pero pls, pwede bang kalimutan mo na si Ced. Buhay ka Ashanti at kailangan mong magpatuloy.. Pwede ka pang mag mahal ng iba. Kailangan mo rin lumigaya."
"Scott.." napahinto ang dalaga at napatingin sa binata.
"Hindi lang si Ced ang nagmamahal sayo. Tumingin ka naman sa paligid mo. A-Ashanti Mahal kita.. Buong taon akong naghintay dahil nire2speto ko ang pagluluksa mo sa pagkamatay ni Ced at ngayon.. Sana naman bigyan mo naman ang sarili mo na mag mahal uli."
"S-Scott..?"
nabigla ang dalaga ng yakapin sya nito.
"Nagawa ko ng mag hintay sayo.. Maghihintay pa ako hanggang sa matutunan mo akong mahalin. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon."
hanggang sa sasakyan ay di magawang magsalita ng dalaga. Hanggang ngayon ay di parin sya makapaniwala sa mga pinagtapat ng binata.
Nang sulyapan nya ito ay seryoso itong nakatingin sa kalsadang kanilang tinatahak pabalik ng Villa.
Hanggang sa makarating sila sa Villa ay wala silang imikan. Agad syang bumaba at patakbong inakyat ang kanyang silid na di nag abalang lumingon dito.
Nakapamulsa na naglakad lakad nalang si Scott. Napatingala sya sa isang bintana, alam nya na yon ang silid ng dalaga.
Ilang saglit syang nakatingala roon.
"Hoy Scott!"
napalingon si Scott kay Brando. Nakangisi ito sa kanya.
"Bakit kaya may pakiramdam ako na nagmamahal ka na?"
"Ha?"
"Umamin ka nga.. Tuluyan na bang nahulog ang loob mo kay Ashanti?"
napalingon sa paligid su Scott.
"Tumahimik ka nga, may makarinig sayo."
nagsimula ng lumakad paalis ng villa.
"Sus! Ano naman kung may makarinig? Totoo nga ba? Totoong mahal mo na si Ashanti." kulit parin ni Brando na sumunod sa kaibigan.
"Wala akong sinasabing ganun."
"Mukha mo. Ako pa lokohin mo!"
"Kung ano ang plano ko noon, yon parin hanggang ngayon walang nag bago." napahinto na si Scott sa paglalakad.
"Kukunin ko Kay Arthur ang Rancho. Hindi dapat sa kanya napunta yon. Sa akin dapat." nagkabahid galit na sa mukha nito
"O relax lang baka pati ako malunok mo!" natatawang biro nalang dito ni Brando.
"Concern lang ako sayo. Naisip ko lang, nagkataon na malakas ang kapit ni Sir Arthur kaya sa kanya napunta ang Rancho."
"Kung sa akin napunta ang Rancho.. Baka hindi ako iniwan ni Mariel. Baka nga ngayon may mga anak na kami."
"Ayan.. Si Mariel parin. Alam mo kung mahal ka nya.. May Rancho man o wala.. Pakakasalan ka nya. Idadamay mo pa si Ashanti."
"Nasasabi mo yan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko. Bakit ikaw? Hindi ba't handa ka rin gawin ang lahat para makuha si Ashley?"
"Oo naman. Dahil gusto ko sya. Mahal ko sya kaya lahat gagawin ko kahit ang pag hiwalayin sila ni Clyde para mapunta sya sa akin."
"Pwes kung ano man ang plano mo, bilisan mo dahil baka bukas bumalik ka na sa Rancho dahil si Ashanti talaga ang papalit sa gawaing iniwan ni Ced."
"H-Ha? Ba-bakit di ko alam yon?"
"Ngayong sinabi ko na, alam mo na diba? Kaya sa halip na ako ang pakialamanan mo.. Kumilos ka para sa sarili mong kapakanan." saka tuluyan na nitong iniwan si Brando.
Naiwan naman itong napatiim bagang.
"A-asar! Hindi dapat ako maalis dito."
---ITUTULOY
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG