BASTA'T KASAMA KITa By: TONYANG CHAPTER 25

1.9K 45 4
                                    


"UNTI-UNTING nag mulat ng mga mata si Angie.
sa nanlalabong paningin, may isang imahe siyang naaninag.

"M-Miguel.." tawag niya sa lalaking naka-upo sa tabi ng kanyang kama.

napangiti siya ng tuluyang mapagmasdan ang mukha nito.

"Salamat at ligtas ka."

nanatiling pormal ang mukha ni Ced. mataman lang niyang sinalubong ang tingin nito.

"H-Hon.." pinilit nitong abutin ang kanyang kamay. hinayaan lamang niya ito. "Bakit ka umalis ng hospital ng di nagpapasabi? alam mo ba na masyado akong natakot ng malamang wala ka. akala ko iiwan mo na ako."

"Bakit naman kita iiwan? pwede ko bang iwan ang ASAWA ko sa ganitong sitwasyon?" pormal parin ang mukha na sagot ni Ced.

napangiti si Angie. Napatiim bagang naman si Ced

"Sa tanang buhay ko iisang babae lang ang minahal ko. ni minsan di ko sinubukang mag laro dahil ayokong paglaruan ako. pero sa ginawa mo sa akin, duble ang ibabalik ko sayo." sigaw ng isip ng binata na nanatiling nakatitig kay Angie. "Nasaktan ko na siya ng husto habang ikaw masaya ka..kinamumuhian kita Angie, hindi kita mapapatawad."

"Hon?"

ngumiti na si Ced at inilapit ang sarili sa babae at bahagyang yumuko para gawaran ito ng halik sa labi.

"Mag pagaling ka kaagad. kailangan mong gumaling dahil marami pa tayong gagawin, higit sa lahat kailangan mong gumaling para s amagiging anak natin." sabi pa niya na hinaplos ang tiyan nito.

lalo naman lumawak ang pagkakangiti nito na hinawakan ang kanyang kamay na nanatiling nasa tiyan nito.

"Aayosin na natin ang kasal natin?" tila batang tanong nito.

bahagya namang natigilan si Ced. Bigla ang pag flash ng mukha ni Ashanti sa kanyang balintataw. malungkot ito, umiiyak.. nagmamakaawa na bumalik siya.
dahil doon, nawala ang kanyang ngiti at muli siyang napatiim bagang.

"H-Hon? m-may problema ba?"

"h-Ha? w-wala.

.
.
kinabukasan ay lumabas narin ng hospital si Angie. alagang-alag siya ni Ced at di ito umalis sa kanyang tabi. ni hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya kaya naman naging panatag ang kanyang kalooban sa isiping di naapektohan o di parin bumabalik ang ala-ala nito sa nangyaring aksidente.

SAMANTALA.. tuluyan ng gumaling si Ashley. tahimik parin ang Villa. Iniwasan ng Don na pag-usapan ang nangyari sa apo.
Mula ng i-uwi sa Villa si Ashley ay di na muna ito pinapayagang lumabas ng Villa kahit sa may bakuran lamang.

Maging si Ashley ay nanatiling pinid ang bibig sa tunay na nangyari sa gabing iyon.

"DINALHAN KITA NG PAGKAIN."
nakangiting bungad ni Ashanti sa kapatid. nasa terrace sila isang umaga.
naroon si Ced at si Scott. dahil kasama ito ni Ashanti na bumaba galing Bicol.

Inilapag na nito ang tray,

"Nag-abala kapa. sana ay nagpa-akyat nalang tayo rito." si Ashley.

"Hayaan mo lang ako. gusto kong bumawi sayo. wala akong kaalam-alam sa nangyari, nalagay pala sa panganib ang buhay mo. sorry ha ate.."

"Ano ka ba.. naiintindihan naman kita. sabi ni Scott, nagkasakit ka rin ng ilang araw ei."

"Tigas kasi ng ulo, tama ba na mag paulan?" si Scott.

"Nagpaulan ka?" taas kilay na tanong ni Clyde kay Ashanti na naupo na sa tabi ni Scott?

"Kung si Ced ang kasama mo, di ka hahayaan noon na maulanan. baka mapagalitan ka pa." Diretsong sabi ni Clyde na kay Scott nakatingin.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon