BASTA'T KASAMA KITA BY: TonyangCHAPTER THIRTEEN:

1.8K 45 2
                                    

ILANG SAGLIT na hindi naka-huma ang dalaga sa subrang pagka bigla sa proposal ng binata.


"H-Hon..?"

Kinuha nito ang kanyang kamay at maging ang sing-sing sa lagayan nito.

"Ano pa ba ang pumipigil sayo na pumayag magpa kasal sa akin? Ikaw ang katuparan ng mga pangarap ko at gusto kong punan ang kung ano mang puwang diyan sa puso mo at gawin kang buo muli."

"S-Scott.. K-kasi..."

"Hon, we're not getting any younger.."

"Hindi pa ako handa!" mabilis niyang putol sa ano pa mang sasabihin ng binata. Ang totoo ay si Ced ang nasa kanyang isip ng mga oras na iyon. Binawi niya ang kanyang kamay na nanatiling hawak-hawak nito.

"A-Ashanti?"

"Please.. A-Ayoko muna yang pag-usapan. Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin."

"Lahat naman ng gusto mong gawin ay magagawa mo parin kahit na kasal na tayo. W-walang mababago. Ang gusto ko lang naman ay magkasama na tayo."

"Scott.. kung magiging mapilit ka, wala ako sa mode makipag pilitan sayo. Kung di mo matanggap na di pa ako handa.. taposin nalang natin ito."

"A-Ashanti!" bulalas ni Scott sa tinuran ng dalaga. Napatayo pa ito. "H-Hon.. n-nag bibiro ka diba? Ok.. m-makapag hihintay pa naman ako." Muling naupo ito sa kanyang tabi. "H'wag mo lang yon sabihin uli. Please.. di ko makakaya kapag tinapos mo ang lahat sa atin."
Kinabig nito ang dalaga at niyakap. "K-Kung may nagawa ako, sabihin mo para alam ko kung ano ang gagawin ko. Kung paano ako makakabawi."

"Iwn mo nalang muna ako. Gusto kong mapag isa."

"H-Hon?"

"Please."

LAglag ang mga balikat na tumayo si Scott. Bago tuluyang lumabas ng silid ng dalaga ay napatiim bagang ito sabay ng mahigpit na pag kuyom ng mga kamao.



SAMANTALA,
Inabot ng hapon si Ashley sa pag lilibot sa buong Hacienda mag isa. Patungo na siya sa kwadra ni Hercules ng harangin siya ni Mylin.

"Mag usap nga tayo." Naka pameywang pang turan nito.

"M-Mylin?"

"At least kilala mo ako. Pero dapat mas alam mo na malapit na akong maging Mrs Alvama." Taas kilay na sabi nito.

"Oh.." kunwa ay nagulat pa si Ashley sa narinig. "Sorry di ako updated. So, ano ang gusto mong pag-usapan natin?"

"Gusto kong sabihin sayo na layuan mo na si Clyde. Ako na ang mahal niya. Tantanan mo na siya."

"Oh.. sya nga?" tinaasan rin nya ito ng kilay. "Alam mo palang mahal ka nya bakit mo ako pinapalayo sa kanya? Natatakot ka ba na baka akala mo lang na mahal ka niya yon pala ay di naman?" nakangising dugtong pa niya. Sa totoo ay naiinis siyang kaharap ito pero di dapat siya magpadala sa mga sinasabi nito.
"Alam mo kung ano ang maganda kay Clyde? Iyong kahit lasing siya.. alam nya kung ano ang ginagawa niya at kilala niya kung sino ang kasama nya." Lalo pa niyang pang iinis dito.

LAlo namang nanggalaiti si Mylin kaya naman walang sabi-sabi nitong sinugod ang dalaga at pinagsasampal saka sinabunutan.
"Bitch layuan mo ang boyfriend ko, malandi ka! Malandi." Walang humapay na sigaw nito habang sinasabunutan parin si Ashley.
Puro pag salag lang ang ginawa ni Ashley pero hindi parin niya naiwasan ang ilang sampal at kalmot nito sa kanya. Maya ay itinulak siya nito kaya patihaya siyang bumagsak pero di niya ininda ang sakit na natamo sa halip pang-asar parin siyang naka-ngisi rito.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon