"MAKINIG KA Scotch hik, bumal-ik na ang alyala ni si-shed!"
lasing ng sabi ni Angie sa Telepono kay Scott.
"A-Ano? Angie anong nangyari? L-Lasing ka ba?"
"H-hek! Hin-dye akwo la-lasheng! Bantsayan mo shi Ash-Ashantey.. Dahil babawiin sha sayo hek!"
"H-Hindi.." napapailing-iling si Scott. "Nasaan ngayon si Ced? Nasaan sya?"
"Walya! Umalish nah! Matsagal na pala nyang alam hek! Gago talaga..hek!"
MALAKAS na naibato ni Scott ang kanyang telepono.
"Bulshit! Bulshit! Bulshit!!!"
paulit-ulit na sigaw ni Scott. Halos lumabas ang litid ng kanyang ugat sa leeg sa pagkakatiim-bagang at mahigpit na pagkaka-kuyom ng mga kamao."Ilang araw nalang at hindi ako makakapayag na makialam kapa Ced. Akin na ngayon si Ashanti at di mo na yon mababago."
.
.
.
Dalawang araw bago ang kasal nina Scott at Ashanti, umuwi na ng Villa sina Marshall at Loida.Tuwang-tuwa sina Ashley at Ashanti na sinalubong ang dalawa.
"Mama, Papa!! Welcome home!!"
nakalahad ang mga braso na salubong ni Ashley sa mga magulang.
Sabay siya nitong niyakap."Hmm blooming ka ha tita Loida." birong salubong naman ni Ashanti sa mga ito.
"Oo nga ei feeling ko dalaga lang ako hahaha!" biro ding sagot ni Loida.
Nagkatawanan ang tatlong babae.
Natatawa naman si Marshall habang ibinababa ang kanilang mga maleta sa sasakyan."Well, at kayong dalawa rin mga blooming. Ano bang balita rito habang wala kami? Wala manlang kaming narerecieve na balita about sa mga nangyayari dito."
Nagkatinginan sina Ashley at Ashanti
"Mukhang marami-rami an gating pagku-kwentohan ah.." ani Loida na tinulungan ang asawa.
"Ei diba Dad dapat pasalubong muna bago ang kwentohan?" si Ashanti. "Tita, diba? Ate Ashley?"
"Hahahaha" sabay na tawa ng dalawa.
.
.
Sa loob na sila sinalubong ng Don at doon narin nagpatuloy ang kumustahan ng mag-anak. Doon narin nalaman ng mag-asawa ang nangyaring muntikang pagkamatay ni Ashley.
Hindi tuloy mapigilang maging emosyonal si Marshal sa nalaman."Wala manlang isa sa inyo nag abalang ipaalam sa amin? Paano kung may masamang nangyari sa anak ko? Papa naman!"
"D-Dad.. a-ako man di alam ang nangyari. Nasa Bicol kasi ako at pag balik ko rito ay ayos na si Ashley." Mababa ang tinig na agad na depensa sa sarili ni Ashanti.
"Ako talaga ang may kagustohan na huwag ng ipaalam sa inyo. Para hindi na kayo mag alala pa. mapupurnada lang ang bakasyon ninyo."
"Papa! Nasa panganib ang buhay ng anak naming, sa tingin mo uunahin pa naming ang bakasyon?"
"Tama na Hon." Saway ni Loida sa asawa. "Tapos na yon at pasalamat na lamang tayo at ligtas si Ashley."
Marahas na napabuntong hininga na lamang ito.
Hindi narin inilihim ng dalawang dalaga ang tungkol sa pag balik ni Ced. Hindi makapaniwala ang mga ito. At para patunayan, tinawagan nila si Ced na pumaroon sa villa.
Dumating ito kasama ang mga magulong nitoSAMANTALA,
Nagpasya si Scott na pumunta ng Hacienda del Rio. Alam niyang naroon si Ashanti kaya wala siyang inaksayang oras mula ng maka-usap niya si Angie.
Hindi niya hahayaang maunahan siya ni Ced.
Nagkaroon siya ng isang plano.Gabing-gabi na ng marating niya ang Hacienda.
Maging si Brando ay nagulantang sa biglaan niyang pag paroon.
Pupungas-pungas itong pinagbuksan siya ng pinto sa tinutuluyan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG