BASTA'T KASAMA KITA BY: TONYANG CHAPTER FOURTEEN:

2K 42 6
                                    


  


HALOS LUMUNDAG si Urie paakyat ng kubo ng tuluyan niyang maitulak ng malakas ang pinto kaya naman nag likha iyon ng ingay na syang nag palingon sa binatang nagulat na kasalikuyang nagsisindi ng ilaw.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na bawal ka sa kubong ito My—lin!?" walang pasubaling galit na turan ng binata na nanlaki ang mga mata at agad natigilan ng hindi si Mylin ang kanyang nalingunan. Dahil sa panaka-nakang pag kidlad ay natulungan siyang kilalanin kung sino ito.

Mulagat din ang dalaga at tila pinako sa kanyang kinatatayuan habang walang kurap na nakatitig lamang kay Clyde na ngayon ay nakatayo na.

"A-Ashley.."

Nang maka bawi sa pagkabigla ang dalaga ay agad itong tumalikod at akmang lalabas ng kubo subalit mas naging mabilis ang pag kilos ng binata at inilang hakbang ito saka niyapos sa beywang.

"A-Ashley! H'wag.. m-malakas pa ang ulan." Di na nito hinayaang maka-palag ang dalaga at binuhat nya ito para mas makapasok ito. Muli, ang hangin na naman ang nag sarado ng pinto.

"My God Ashley, basang basa ka. S-saan kaba galing ha?" di magkanda-toto na tanong ni Clyde ng mailapag ang dalaga at hinarap ito. Bakas sa mukha ang subrang pag-aalala habang sapu-sapo ng kanyang dalawang mga palad ang pisngi nito..
Napahalukipkip naman ang dalaga. Umiwas ito sabay yakap ng mga braso sa sariling katawan kaya naman lalong nataranta ang binata.

"S-Sandali.." turan nito na agad nag hagilap ng maipupunas sa dalaga. "God, ano bang kalokohan ang ginawa mong bat aka ha?" sabi pa ng binata na naghahalungkat sa kanyang mga gamit at ng maka-kuha ng T-shirt ay muling hinarap ang dalaga at di na nag paalam na pinunasan ito sa mukha at maging ang mahabang buhok nito na nag tutulo pa.
"Magkakasakit ka s aginagawa mo, kita mo at ang lamig-lamig ng balat mo." Patuloy na sabi pa ni Clyde na ang braso nan g dalaga ang kanyang pinupunasan.

Dahil di malaman ni Ashley kung paano mag re-react o kung ano ang sasabihin ay nakatiting lang siya rito.

"ano ba ha?" huminto sa ginagawa si Clyde at sinalubong ang tingin ng dalaga. "Mag salita ka. Huwag mo akong titigan. Hindi mo alam kung gaanong nag aalala ako sayo ngayon ha?" malumanay ng wika pa ng binata.

Inalalayan nya ang dalaga na maupo sa sahig sa tabi ng ilawan at nagpahinuhod lamang ito.
''Ayos ka lang ba ha? May extra pa akong T-shirt dyan.. palitan mo iyang damit mo. Tek—a.."
natigilan si Clyde ng mapuna ang ilang galos sa mukha ng dalaga. Napakunot ang kanyang noo at lalong sinipat ang pisngi nito na pilit namang iniiwas. Subalit hinawakan iyon ng binata at mas tinitigan. Di rin sinasadyang napatingin siya sa makikinis na braso nito at di pa nagkasya ay hinila niya iyon malapit sa ilawan para mas lalong matitigan. Lalong nag init ang kanyang ulo ng makitang may iilang galos din ito sa balat.
"Umamin ka at wag mag sinungaling sa akin. Napano ka? Nahulog kaba sa kabayo? May masakit ba sayo ha?"

Napa-iling lamang ang dalaga. Gustong pumatak ng kanyang luha dahil sa nakikitang subrang pag aalala sa mukha nito. NAningkit ang mga mata nito ng Makita ang muling mapatitig sa dalaga at Makita ang mga mata nito na tila pinipigil ang maiyak.
"B-Bata ano bang problema ha?" malumanay parin na tanong nito.

"W-Wala." Sa wakas ay nakuha nyang sabihin. "A-Ayos lang ako." Sabi pa niya na biglang tumayo at agad na tumalikod bago pa bumagsak ang pinipigil niyang luha. Noon pa man kahit ng mga bata pa sila, kapag ganitong subra itong nag aalala sa kanya agad siyang umiiyak.

Sa kanyang pagkabigla ay niyapos syang muli nito sa beywang.
Pakiramdam nya'y pumalya ang tibok ng kanyang dibdib. Kapwa walang kumilos sa kanila.

BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon