Ilang sandali na hindi naka-kilos si Clyde sa kinatatayuan kahit wala na sa kanyang paningin ang kotseng kinalululalan ni Ced.
"Hoy Clyde!"
Napapitlag pa siya ng marinig ang pag tawag sa kanya ni Ashanti. Nasa tabi na nya ito.
"Ano ba ang tinatanaw mo dyan?"
"H-Ha?"
"Kanina ka pa namin tinatawag. Uuwi na tayo."
"Wait.. A-Ashanti.. p-para kasing.. para kasing .. shit! Pano ko ba sasabihin.,"
"C'mon Clyde.. what is it?"
"P-Para kasing nakita ko si Clyde.!"
Napaawang ang bibig ni Ashanti sa narinig. Maging si Ashley ay napalapit na rin sa binata.
"Ano kamo? N-nakita mo rin si Ced?" biglang namula ang mga mata ni Ashanti sa nagbabantang pag patak ng luha nito kaya naman napatangu-tango nalang ang binata.
"Bakit? A-anong ibig mong sabihing nakita RIN?"
"Kasi si Ced nga ang sadya namin dito." Si Ashanti na ang sumagot.
"ANO?!"
Nagkatinginan silang tatlo.
"K-Kung kapwa nyo nakita si Ced.. ibig sabihin.. totoo nga na buhay pa siya." Si Ashley ulit.
Sabay na napatangu-tango ang dalawa.
"P-Pero.. paano natin ipapaliwanag ang mga natagpuan sa sumabog niyang kotse? Paanong di siya bumalik sa hacienda?"
"Hindi masasagot ang lahat ng ating mga tanong hangga't di natin siya nakakaharap at nakaka-usap. Mas mainam na sa kanya natin yon mismo marinig." Turan naman ng binata na palingun-lingon sa paligid.
"Ang tanong.. saan natin siya hahanapin?" muling tanong ni Ashley.
"Miguel.. Miguel ang tawag sa kanya dyan sa Boutique. Kaya sigurado ako na babalik sya rito. Dito lang ako hihintayin ko siya."
"Sasamahan kita."
"Ako rin. Di ko kayo iiwan."
Napatingin si Ashley sa binata.
"Ibabalik natin si Ced sa Hacienda." Matatag na sabi pa ng binata.
SAMANTALA,
"Anong gagawin ko? Ano?"
Walang tigil na palakad-lakad si Angie sa loob ng kanyang opisina habang hawak ang litrato ni Miguel na iniabot sa kanya kanina ng babaeng tumatawag ng Ced sa binata.
"P-Paano kung siya nga ang Ced na hinahanap nila? P-Paano kung.. paano kung kunin nila sa akin si Miguel? Franz diko kakayanin.. di ko makakayang mawala sa akin si Miguel."
Tuluyan na itong napa hikbi. Nataranta naman na agad itong dinaluhan ni Franz. Palibhasa wala na ang isa nilan kaibigan kaya naman siya nalang ang napag dadaingan ni Angie. Siya ang lagging nasa tabi ng dalaga.
"Dapat handa ka sa maaring mangyari.. anumang oras babalik ang ala-ala ni Miguel. Hiniram mo lang siya sa tunay nyang katauhan."
"mahal ko sya. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung makakaya ko oras na iwan nya ako."
"Pwes mag-isip ka ng paraan para di mawala sayo si Miguel kahit pa bumalik na ang kanyang ala-ala."
"A-Anong paraan?"
"Something na mag-uugnay sa inyong dalawa. Halimbawa.. magpakasal na kayo agad. O kaya naman.. m-Mabuntis kana. Tama! Kapag nag buntis ka.. may panghahawakan kana sa kanya. Di ka na nya iiwan."
"P-Paano? Ewan ko nga pero.. di kasi ako mabuntis-buntis ei."
"Mag isip tayo ng ibang paraan.. sa ngayon mas mabuti na umuwi ka narin muna. Sabihan mo si Miguel na huwag ng bumalik dito dahil uuwi ka."
Napatangu-tango na sinusod nya ang sinabi nito. Kinuha niya ang phone at tinawagan si Miguel.
...Sa lugar ni Miguel..
Napasulyap siya sa kanyang cellphone na biglang nag ring, nakalapag lang yon sa upuan sa kanyang tabi. Pero ng akama na nya iyon sasagutin ay nag empty bat. Ito.
"Aww shit! Baka pinagmamadali nya ako."
Naisaloob ng binata kaya mas binilisan ang pag da-drive.
...Sa lugar nila Angie.
"Shit! Naputol." Bulalas ni Angie na muling inulit ang pag dial ng number ni Miguel pero out of coverage area na ito.
"Bakit?" nag-aalala narin na tanong ni Franz.
"H-Hindi ko na sya makontak."
Nagmamadaling dinampot ang bag.
"Ikaw na muna ang bahala rito Franz. Uuwi na ako. Kailangan mapigilan kong makabalik ditto si Miguel."
"Go sis!" Sabi naman nito na halos pag tulakan na palabas ang dalaga.
...Sa labas,
Naiwan mag isa si Ashanti sa kotse ni Ashley. Magkasamang umalis ang dalawa pansamantala para bumili ng kanilang makain. Lumabas siya ng kotse at naupo sa may gutter.
Ilang minuto rin syang naka-upo roon habang tinitingnan ang mga naglalabas-pasok sa boutique. Lihim na nag darasal na sana ay bumalik si Ced sa boutique.
Bigla ang kanyang pananabik na makaharap itong muli.. mayakap at.. Natigilan siya sa pag iisip ng sumingit sa kanyang isipan ang imahe ni Scott. Paano si Scott sakaling buhay nga si Ced? Naging mabuti sa kanya ang binata sa lahat ng Oras.. anang kanyang isipan..
Napayuko siya,, binalikan ang mga ala-ala nya kasama si Ced ng mga panahong magkaibigan lang sila at walang sawa ito sa pag suyo sa kanya.. naiiyak na2man siya kaya lalo lang ang kanyang pag annais na makausap ito ngayon. Hindi siya aalis sa lugar na yon kahit pa abutan siya ng gabi hanggang sa mag sara ang shop na iyon.
Sa kanyang pag yuko, hindi na nya namalayan ang mabilis na pag lipas ng sigundo at minute.. ang alam lang nya... umiiyak siya habang naka-yuko. Hindi narin niya napansin ang mga taong nag labas-pasok sa shop.
Hindi rin niya napansin ang pag lapit sa kanya ng isang lalaki at huminto ito sa kanyang harapan.
"Miss, excuse me."
Sa halip na mag angat ng tingin ay nag punas siya ng luha subalit tila di yon maampat-ampat. Nataranta naman ang lalaki sa kanyang harap kaya dali-dali itng kumuha ng panyo sa bulsa.
"Miss? Are you Ok? Here.."
Mas inilapit ni Miguel ang panyo sa dalaga kaya naman napatingin ito sa kanyang kamay. Nang tuluyan itong mag angat ng mukha ay kapwa pa sila nagkagulatan.
Ito ang babaing hinahanap nya. Ang abbaing maaring makasagot sa lahat ng kanyang katanungan. Magigingdaan para makilala niya ang kanyang sarili.
AWANG ang bibig na di kaagad nakakilos si Ashanti. Wala sa loob na nakuha nya ang panyo sa kamay nito, ngumiti naman ang kanyang kaharap.
"C-Ced.. God! Ced Buhay ka!" mabilis na nakatayo ang dalaga ng makabawi sa kanyang pagkabigla at agad na yumakap sa binata. At ang tahimik nyang pag luha ay na-uwi sa pag hagulgol.
"M-Miss..?"
"C-Ced..?" unti-unti siyang napa bitaw dito sabay kunot ng noo. "H-Hindi mo ako k-kilala? Ced ako ito si Ashanti."
"A-Ako si Miguel." Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka nito. "B-Bakit Ced ang tawag mo sa akin?"
Kagyat na napalingon si Ashanti sa gawi ng Shop saka hinila ang binata patungo sa kotse.
"Please.. mag usap tayo. Sumakay ka ng kotse."
"H-Ha? Miss.. anong binabalak mo? H.."
"Bilis sakay!"
Si Ashanti na ang nag bukas ng kotse at itinulak ito papasok.
"Miss sandal.. hinihintay ako ng asawa ko."
Pero hindi na siya pinansin ng dalaga. Mabilis na umikot ito sa may Driver seat at agad na sumakay.
"Miss Ano ba!?" nilangkapan nang binata ang pag ka-irita ang boses ng di siya pinansin ng dalaga. "Sinabi ko na, sa mga oras na ito, hinihintay ako ng asawa ko."
Napangiti si Ashanti ng makita ang susi ng kotse na naroon lang kaya pinihit nya yon at in-start.
"Ced.. mag-uusap lang tayo pero hindi rito."
"kanina mo pa ako tinatawag na Ced. Miguel ang pangalan ko!."
"Hindi ka si Miguel. Cedrick.. Cedrick Samonte."
"A-Ano?"
"Trust me.. nagsasabi ako ng totoo. At kaay ko yang patunayan sayo lahat." Sinimulan ng dalaga na paandarin ang kotse palayo sa lugar na iyon. Habang si Miguel ay kunot lamang ang noo at malalim ang iniisip.
Ilang sandal pa ang lumipas at humantong sila sa isang fastfood. Sa sulok sila pumwesto, kung saan wala masyadong tao.
"Inaamin ko na wala akong maalala." Panimula ni Miguel ng maka-upo ito. "P-Pero.. sa maniwala ka o hindi, ako si Miguel. May asawa ako at.."
Natigilan ang binata ng Makita ang pag guhit ng sakit sa mga mata ng dalagang kaharap. Ginagap ng dalaga ang kanyang mga kamay at mahigpit iyong hinawakan.
"Ako? Hindi mo ba talaga ako maalala? T-tuluyan mo na akong kinalimutan?" muli nag unahang lumandas ang masaganang luha ng dalaga dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
"Ako ito Ced.. si Ashanti. Bago nangyaring maaksidente ka, magkasama tayo sa aming rancho sa Bicol. Bumabagyo noon ng mag pumilit kang bumalik ng Hacienda Del Rio at nangyari nga ang aksidente at inakala naming lahat na namatay ka."
Napa-iling-iling ang binata sa kanyang mga narinig.
"P-Paanong..? Kasama ko ang asawa ko ng.."
"Ced, wala kang asawa! Alam ko yon dahil ako ang girlfriend mo."
Sa narinig ay naduble ang pagkatigagal ng binata.
"G-Girlfriend? May girlfriend ako? H-hindi asawa?"
"Mga bata palang tayo.. niligawan mo na ako. Ang tagal mong nanligaw sa akin. Ilang ulit kitang binasted pero di ka tumigil. Hanggang sa tumuntong ako ng 18 years old.. doon kita sinagot. Wala kang ibang naging girlfriend, ako lang."
Di malaman ng binata kung paano mag rereact sa mga rebilasyon ng dalagang kaharap. Dahil kahit anong pilit niyang isipin ay wala siyang maalala.
"Pls alalahanin mo ako. Tayo.. ang nakaraan natin.."
"K-Kung totoo ang mga sinasabi mo.. p-paano si Angie? Na mula ng magising ako, nagpakilala na siyang asawa ko.? A-Ashanti mapapatunayan mo ba lahat ng ito sa akin? Please.. kung nagsasabi ka ng totoo.. nalilito na ako. Nagugulohan dahil sa mga sinabi mo ngayon.. hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan." Kung kanina ay ang dalaga ang naakhawak sa kanyang mga kamay, ngayon ay kamay nan g dalaga ang kanyang hawak-hawak. "T-Tulungan mo ako. Gusto kong maalala ang lahat.."
Hinila ng dalaga ang kanyang kamay at inilabas ang kanyang cellphone.
...Samantala, nakabalik na sina Clyde at Ashley sa parking lot ng Heaven's Boutique subalit sa kanilang pagtataka wala roon si ashanti at ang kotse.
"S-Saan nag punta si Ashanti?" kapwa tanong nila s aisa't-isa.
"U-Umalis ng di manlang nagsasabi? H-hindi kaya may nangyari sa kanya?" nag-aalalang sabi ni Ashley ng siya ay matigilan ng biglang mag ring ang kanyang phone. Kapwa nagkatinginan muna sila ng binata. Napatingin si Clyde sa phone na hawak ni Ashley na patuloy s apag ring.
"Akin na, ako na ang sasagot."
Di na nito hinintay na ibigay sa kanya ng dalaga ang phone. Kinuha na niya iyon at agad na sinagot. Bumadha ang magkahalong imosyon s amukha ni Clyde.
Awang ang bibig na nabitawan ni Clyde ang supot ng pagkain na kanilang binili.
"Clyde.. bakit? Sino yan?"
Sa kanyang pagkabigla ay hinila na lamang siya nitong bigla sa kamay at tumakbo na kaya naman napasunod nalang siya rito.
"S-Sandali Clyde!"
Kagyat na tumigil si Clyde at hinarap ang dalaga. "Kaya mo pa bang tumakbo? Malabo kasi na makakuha tayo rito ng taxi.. kailangan nating puntahan si Ashanti sa isang fastfood di kalayuan rito. K-kasama nya ngayon si Ced."
"H-Ha?! S-si Ced ba kamo?"
Napatangu-tango ito. "Kung di mo kaya, kargahin na kita. Halika.." Akma ng uupo si Clyde ng pigilan ito ng dalaga.
"Kaya ko. Bata pa ako. Baka ikaw ang di na kaya dahil tandang kana."
Napangiti ito s atinuran ng dalaga. "Ikaw lang naman ang inaalala ko."
Mas hinigpitan pa ng binata ang pagkakahawak ng kamay ng dalaga ay sabay na silang tumatakbo habang napapasulyap sa isa't-isa at napapangiti.
...Sa lugar nila Ashanti.
"Tinawagan ko sina Ate Ashley at naka-usap ko si Clyde. Ang pinsan mo. Papunta na sila rito. Sigurado ako na matutuwa silang Makita ka."
Bahagyang ngumiti si Ced bagama't naroon parin ang agam-agam sa kanyang dibdib.
Hindi nga nagtagal at humahangos na dumating sina Clyde at Ashley sa fastfood na sinabi ni Ashanti sa phone. Nag palinga-linga sa paligid ang binata para hanapin ang mga ito.
"Tara sa taas, baka andon sila."
Agad namang tumalima ang dalaga ng muli siyang hilahin ng binata.
Nang maka-akyat sila sa pangalawang palapag ng fastfood ay muling naging malikot ang mga mata ng dalawa para hanapin si Ashanti. Di naman nahirapan si Clyde at agad naman niyang natanawan ang dalawa.
Nakatalikod man ang kasama ni Ashanti ay sigurado siya sa bulto ng katawan nito. Hindi na niya ito kailangang lapitan para masigurado nya na ito na nga si Ced.
Dagil sa biglaang pag hinto ng Binata ay muntikan pang bumangga s akanya si Ashley na nakasunod lamang sa kanyang likuran habang annatiling hawak ito s akamay.
Napatingin si Ashley kay Clyde na biglang huminto saka dahan-dahan siyang napatingin sa gawi ng tinitingnan nito.
"C-Ced.." anas ng dalaga na naramdaman na lamang niya ay nag-unahan ng pumatak ang kanyang mga luha. "T-Totoo nga.. buhay ka."
Sabay pang napalingon sa kanilang gawi sina Ashanti at Ced. Subalit walang karea-reaksyon sa binata kahit pa ng makalapit sila sa mga ito.
"C-Ced?" halos bulong na sabi ni Clyde ng tuluyang makalapit sa lamesa ng dalawa.
Agad anman napatayo si Ced habang kunot ang noo dahil pilit inaalala sa kanyang isip ang mga abgong dating.
"Ced Pare.. ako ito si Clyde. H-hindi mo ba ako nakikilala?" Bagamat pilit na pinapatatag ang sarili ay di parin napigilang gumaralgal ang sariling boses.
"C-Clyde..?"
Sunod-sunod na tango ang isinagot nya rito. "Mag pinsan tayo. Ano bang nangyayari sayo?" kunot noo narin na tanong nito sa pinsan.
"Clyde,, H-hindi nya tayo maalala."
"Ha?!" panabay na bulalas nina Clyde at Ashley.
"Marahil ay dahil sa aksidente, nagka amnesia siya."
"Pasensya na kayo ha.. sa dami ng naikwento sa akin ni Ashanti, wala talaga akong maalala."
"Sumama ka s aamin sa Hacienda Del Rio. Baka sakaling kapag nagkaharap kayo ni Tita amalia, ang mommy mo.. may maalala ka." Mabilis na suhestsyon ni Clyde rito.
"H-Hindi siguro muna ngayon. May kailangan pa akong ayosin. Kailangan ko munang kausapin ang mga taong kumupkop s aakin. Marami akong dapat linawin sa kanila."
"P-Pero Ced.. H'wag ka ng bumalik s akanila. Sa amin ka na sumama." Pagsusumamo rito ni Ashanti. "Nag sinungaling sila sayo. Pinaniwala ka ni Angie na ikaw ang asawa nya."
"Ano?!" napataas na ang boses ni Clyde.
"Mula ng magising ako at nagpakilala siyang asawa ko siya.. yon na ang pinaniwalaan ko."
"Kaya marahil ayaw niya na iharap ka sa amin kanina." Sigunda naman ni Ashley na unti-unti ng nakakabawi sa sunod-sunod na kabiglaan.
"Ced, please sumama kana sa amin.."
Nagugulohan man si Ced sa mga nangyayari at sa mga natuklasan, nagkaroon na siya ng pagdududa kay Angie. Kailangan nya munang ilihim ang kanyang mga natuklasan kaya pinakiusapan nya ang tatlo na huwag muna ipag sabi kanino man ang bagay na iyon bago sila naghiwa-hiwalay.
Malamya ang mga hakbang na bumalik si Ced sa Shop. Sinalubong agad siya ni Franz.
"Migz! Umuwi si Angie. Diba't hindi ka na niya pinapabalik dito? Tintawagan ka nya kanina ngunit di ka nia makuntak."
Hindi nya pinansin ang mga sinabi ni Franz. Sa halip ay tuloy2 siya sa kanilang opisina at tila pagud na pagod na ibinagsak ang katawan sa single sofa na ilang hakbang ang layo mula sa lamesa.
Panay ang kanyang buntong hininga at paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi sa kanya ni Ashanti.
"Ced, wala kang asawa! Alam ko yon dahil ako ang girlfriend mo.!" Paulit-ulit niyang naririnig kahit na ipinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata, tila nakikita parin niya ang dalagang luhaan sa kanyang harapan.
"A-Ashanti.."
Habang naiisip ang dalaga ay may mumunting kirot sa kanyang dibdib siyang nararamdaman.
__I T U T U L O Y__
![](https://img.wattpad.com/cover/55961685-288-k93846.jpg)
BINABASA MO ANG
BASTA'T KASAMA KITABy: TONYANG
HumorHACIENDA DEL RIO: BASTA'T KASAMA KITA (Ang Ikalawang Yugto) by: TONYANG