2

1.1K 30 8
                                    

This chapter is dedicated to SUPER-CHEN :)

ENJOY READING :)

-----

PART 2

Rosley's POV

"I'm sorry Throne ha. Akala ko lang talaga--" he cut me off.

"Shh. . . Oo na, 'yan kana man palagi e. Sanay na'ko. Kaya pwedi ba, kumain kana lang. Minsan talaga sumusobra ka din 'no?"

Nandito kami ngayon sa park habang kumakain ng ice cream. Hmp. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Bakit Throne? Tinitiis mo lang ba ako?" Tanong ko.

"No Rosley. Never."

"E bakit Yung tono mo, parang naiinis ka." Giit ko.

"Hindi ako naiinis Rosley." Kalmado niyang sagot.

"Sabihin mo Throne!" Sigaw ko na halos lahat ng mga tao ay napatingin samin. "Kayo!" Tinuro ko sila. "Anong tinitingin niyo? Walang teleserye! Mga echosera!" Sigaw ko sa kanila. Mga usasera sila mga teh.

"Rosley, calm down."

"No! Sabihin mo Throne! Kasi parang nahihirapan kana sakin. May problema ba? Sabihin mo please. Alam mo namang bawal ang secrets diba?"

"Rosley," napahawak siya sa noo. "Intindihin--"

"Masakit ba ang ulo mo?" Nag-aalala kong tanong dahil nga napahawak siya sa noo niya. "Nahihilo kaba? I'm sorry Throne. Naiintindihan na kita. Sorry ha. Nahilo kaba dahil sa makulit ako? O sumasakit ang ulo mo dahil naiinis ka sa'kin?" Dugtong ko pa.

Huminga siya ng malalim. "Hindi Rosley--"

"Ano? Hindi kana rin ba ngayon makahinga ng maayos? Teka--" umusog ako palayo sakaniya.

"Bakit ka lumayo?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah-- e kasi, baka hindi ka makahinga ng maayos at nawawalan kana diyan ng hangin. Alam mo na, para may space ba. Baka kasi nasisikipan kana. Hehehe." Nahihiya kong paliwanag. Ganun naman talaga ang reason ko e. Baka hindi na siya makahinga dahil masyado kaming masikip sa bench. Alam niyo na. Hehe.

"I love you Rosley." Nakangiti niyang sabi at umusog palapit ulit sakin. "I love the stupidity of yours."

"I love you too sweet honey apple pie, Throne. Pero, excuse me lang ha." Umusog ulit ako palayo. "Baka hindi ka ulit makahinga."

Tumawa lang siya at umusog ulit palapit sakin. Problema nito? Tinutulungan na nga siya e.

"Ano ba Throne-- ah!" Dahil umusog ulit ako, umabot ako sa dulo at nahulog sa damuhan. Worst is, natapon pa sakin ang icecream ko.

Mabilis na tumakbo papalapit sakin si Throne. Napailing siya at tinulungan akong tumayo.

"You are really too fragile Rosley." Hinigit niya ako patayo at kasabay nun?

Kasabay nun ang pagyakap niya sakin. PDA much.

-----

Vote :D

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon