17

372 16 2
                                    

Part 17

Rosley's POV

Pinasok ko ang mga libro ko sa locker. Ang sakit na kasi ng braso ko. Ang bibigat! Kung nandito lang sana si - 'siya', siguro siya 'yung nagbubuhat nitong libro ko.

*ring ring*

May tumatawag. Si Jeselle. Dami sigurong load ng babaeng 'to. "Hello?"

[Bes.] Sa pagtawag niya sakin e parang umiiyak siya.

"Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo? 'Wag kang magsinungaling! Bakit iiyak-iyak ka? Nasaan ka ba?" Sunod-sunod kong tanong.

[My boyfriend broke up with me.]

"NO WAY! Akala ko seryoso siya sayo? Akala ko may forever sainyo? 'Yun pala mauuwi din sa over? Sino ba 'yang boyfriend mo? Bakit di mo siya pinapakilala sa'kin? Ano ba ang reason niya?"

[I don't know if he's a player. Bes, hindi ko pinakilala si Vie sa'yo kasi baka agawin mo siya. Pogi kasi 'yun. Mala-Eros. 'Yun nga ang masakit e. Wala siyang sinabi kundi mahal niya daw ako pero bilang isang kaibigan nalang. Ganun na lang ba 'yun?]

"Aba ang loka! Hindi ako nang-aahas ng boyfriend ng bestfriend ko! 'Wag kang ano. Pogi ka diyan! E hindi ko nga nakita 'yan ni minsan. Vie ba 'yung pangalan niya?"

[Okay, okay. Vie ang tawag ng karamihan sakanya.]

"Ah... asan kaba ngayon?"

[Nasa cafeteria.]

"Ha? Bakit nandiyan ka, e uwian na oh."

[Syempre. Emo. Alone.]

"Baliw 'to. Sige pupuntahan kita."

[Teka, kamusta pala kayo ni Throne? Nakapag-usap ba kayo?]

Napatigil ako sa tanong niya. Kamusta kami? Long distance relationship ang peg. "Okay lang. Hihintayin ko siya, bes."

[That's the spirit! Sige, hihintayin kita dito sa cafeteria.] She ended the call.

"Hey."

"Throne?" Paglingon ko, hindi pala. Daydreaming Rosley, huh? "Ow. Bryle? May kailangan kaba?" Kung ako, nawala sa isip ni Throne. Si Throne naman hindi mawala-wala sa isip ko. P*tainis.

"Wala naman. Napadaan lang. Pauwi na din ako, gusto mo sumabay?" Pagyaya niya.

Hindi ako nakasagot kay Bryle dahil napatingin ako sa pisngi niya. May luha. "Umiyak kaba?"

"Ha? Ah - w -wala. Bakit?"

"Umiyak ka e. Namamaga 'yung mga mata mo."

"W-wala. Kakabasket ko lang. Pawis lang 'yan." Nakangiti niyang sabi pero halatang malungkot.

"Ewan ko sa'yo. Pupunta pa 'ko ng cafeteria."

"Bakit?"

"Pupuntahan 'yung kaibigan ko."

"Ganun ba. Sige, mauna na'ko."

"Bye."

Tapos ay ngumiti lang siya at umalis na. Dumiretso nalang din ako sa cafeteria.

"Bes!" Sigaw ni Jeselle nang makita ako.

"Kamusta?"

"Tatanungin mo pa ba 'yan?" Masungit niyang sagot.

"Ay grabe. Bakit ba lagi tayong problemado sa pag-ibig." Umupo ako sa tapat niya.

"Aba'y ewan ko."

"Teka. Ano ba 'yan. Pinapunta mo ba ako dito para kausapin o panuorin kang kumulikot sa phone mo?" Naiinis kong sabi.

"E, iniistalk ko si Vie."

"Hala. Bakit?"

"Wala lang. Baka kasi may iba siyang babae kaya ako iniwan." Saad niya habang nasa phone niya parin nakatingin. Biglang nanlaki ang mga mata niya. "OMG! Si Throne!"

"Ha? Si Throne? Akala ko iniistalk mo Ex mo?"

"Tapos na. Kakabalik ko lang sa newsfeed ko. Si Throne! Nagpost 37 minutes ago!"

"Really? Anong post niya?" Sinilip ko ang phone niya pero inilayo niya ito.

"Ready kana?" Nambibitin niyang tanong.

"Tigil-tigilan mo nga 'ko Jeselle. Patingin!"

"Ay! Bes! Hindi importante ang post niya. Nevermind."

Tinitigan ko siya ng masama. "Got 'ya!" Mabilis kong inagaw ang phone niya.

Napatakip ako ng bibig. "OhGosh."

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon