8

518 20 4
                                    

PART 8

Rosley's POV

1 week.

For 1 week wala akong ginawa kundi umiyak. Mahina na ba ako? Ang hirap. Hindi ko kayang balewalain si Throne. Kahit galit ako sakaniya, gusto ko sabihin niya sakin ang dahilan. Ipaglalaban namin 'to.

Papauwi na kami - ako lang pala. Si Jeselle kasi may date daw sa boyfriend niya. Kainggit.

"Ha!" Nagulat ako ng biglang may humigit sakin. Kinaladkad ako hanggang nasa labas na kami ng gate. "Throne?!" Gulat kong reaksyon.

"Hindi ko kayang hindi ka kausapin Rosley, I miss you."

"I miss you too. Pero Throne, hindi ko talaga maintindihan ang lahat."

Huminga siya ng malalim. "Rosley, sorry for everything. Nagiging mahina ako pagdating sayo. Pero siguro kailangan mo na talagang malaman, listen."

"I'm listening."

"Ros, pinagbantaan ka ni Yvonne at Dad na patayin kapag hindi kita iwanan. Natatakot akong may mangyari sayong masama. Nasa isang mayaman ang family ni Yvonne. Mahirap siyang kalabanin. All I just want is to protect you. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat at tama kong gawin."

Nanginig ako sa narinig. Maraming tanong na naman ang lumitaw sa isipan ko.

Wala akong nasabi. Niyakap ko nalang si Throne.

"I love you Throne, hindi kita hahayaang lumaban mag-isa. Nandito ako. Magkasama nating haharapin yan. LECHENG YVONNE YAN! OBSESS 'ATA SAYO E! ANONG GAGAWIN NATIN? ISUMBONG NATIN SA PULIS? TARA NA. BILIS! IPAHULI NATIN SIYA! PERO - pa'no ang Dad mo?"

"Hangga't nasa panig ng kasamaan si Dad, I have no choice kundi idamay talaga siya. And - I'm sorry Rosley. Can you be mine again?"

Butterflies in my stomach. Oo ba? Syempre oo. Walang ginawang masama si Throne. I want him back and fight for us.

"Yes Throne. I'm yours, and you're mine. Sana - sana hindi kana magtago ng kahit ano. Dalawa tayo ang lalaban."

"Shhh - "

"Clap-clap-clap. Interesting isn't it? You two are together again. Siguro mas romantic kung till death do us part kayo."

Si Yvonne. Nakangiti siya. Ngiting may masamang balak.

"Bakit mo ba kami sinisira Yvonne? Please stop." Sabi ko.

"Tsk. Tsk. I pity you two. You're such a traitor Throne. Alam mo kung anong mangyayari." Tumalikod siya. "Hulihin niyo sila!"

Nagulat kami ng biglang may lumabas na kalalakihan galing sa isang van na nakapark. Hinawakan kami sa braso. Marami sila pero may mga mask. Bago pa man ako makasigaw ay may tumakip ng bibig ko.

Nakita kong lumaban si Throne. Pero masyado silang marami.

"Throne." Sambit ko ng natumba siya sa pagkakasuntok pero pinilit niyang tumayo at ako nama'y unti-unting nahilo.

Hanggang sa napapikit na ako.

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon