Part 13
Rosley's POV
"Ma."
"Kamusta ang pakiramdam mo nak? Bakit ba kasi hindi ka umiinom kaagad ng gamot mo."
"Sorry ma."
"Sige, bibili muna ako ng pagkain. Bukas pwedi ka na daw lumabas at sa susunod na araw, pwedi ka nang pumasok sa school ulit."
Tumango lang ako sa sinabi ni mama. Naisip ko kasi si Throne. Papasok din kaya siya ng school?
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang wallet ni mama. Hala! Pa'no siya bibili niyan?
Tumayo ako at dinampot 'yun. Lumabas din ako para hanapin siya. Baka maabutan ko pa siya.
Ayun! Tumakbo ako para habulin si mama pero -
*tugsh*
"Aray." nabangga ako.
"Sorry. Okay ka lang ba?"
Napatingala ako. Isang lalaki ang nabanggaan ko pala. "Ah - oo, okay lang ako. Sorry."
"Okay lang." Ngumiti siya at tinulungan akong tumayo. "I'm Bryle." Inabot niya ang kamay niya.
"I'm Rosley." Inabot ko rin ang kamay niya. "Sige, alis na'ko ah. Sorry ulit." Ngumiti ako at bumalik nalang sa room ko. Ang sakit ng pwet ko.
"Nak?"
"Ay!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si mama. "'Nak ng pating. Wag ka namang manggulat ma."
"Hinahanap ko lang yung wallet ko."
"Oh, 'eto." Binigay ko.
"Sige nak." Umalis na ulit siya.
Sumandal ako sa kama ko. Nasa kabilang room lang si Throne pero hindi ko siya mapunta-puntahan.
Napa-isip ako. Siya lang kaya mag-isa sa room niya?
*tok tok tok*
Kinatok ko ang pader na nakaharang sa room namin.
*tok tok*
Nanlaki ang mata ko ng may sumagot sa katok ko. Nagulat ako and at the same time nalungkot. Si Throne kaya ang sumagot? Miss na miss ko na siya.
*tok*
Isang katok lang ang ginawa ko. Pero, hindi na siya ulit kumatok.
"What are you knocking for?"
"Ah!" Nagulat ako ng may nagsalita sa pintuan. Bakit ba lagi akong nagugulat ngayon?
Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng tibok. Ang bilis ng tibok niya. Dahil ba sa nagulat ako? O dahil nandito si Throne sa harap ko?
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tumayo ako at tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you Throne!"
"Gusto ko sana magtanong." Nakayakap parin ako sakanya. "Sino ka ba? Kaano-ano kita? Kasi sabi ng Doctor ko, 3 years ago lang daw nalimutan ko. Kaya nagtataka ako kung kailan kita nakilala. Sorry pala sa ginawa ni Dad sayo." Saad niya.
Pinigilan kong umiyak. Pero wala e. Tumulo sila ulit.
"2 years ago tayo nagkakakilala sa school. 1 year ago sobrang close tayo at niligawan mo ako. At 2 months ago. Naging tayo. Mahal na mahal natin ang isa't-isa."
"Where's Throne?"
"Ayun siya Sir!"
"Throne! Get away from her!"
Nakita ko sa likuran niya ang Daddy niya. Pero bago siya humiwalay sakin, naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik.
"I'm sorry. I got to go." Humiwalay na siya paalis.
Napatakip ako ng mukha at umiyak ng umiyak sa mga palad ko. Kapus-kapalaran, Rosley.
Napa-upo sa kama. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nakatingin sa kawalan ng biglang may tumunog.
*ring ring*
Umilaw ang phone ko kaya kinuha ko ito. Si Jeselle tumatawag.
"Hello bes?"
{BES!}
"Aray! Sakit mo naman sa tenga! Wag mo nga kong sigawan! Halos mabasag eardrums ko dun!" Saad ko.
{Ow.} Ikinalma niya ang sarili. {Bes, bes, si Throne. SI THRONE DAW! BALI-BALITA DITO SA SCHOOL NA DADALHIN SIYA NG DAD NIYA SA AMERICA!} Sigaw niya.
"Grabe ha! Sakit sa tenga. Kumalma ka nga -"
Loading...
Loading...
Loading...
"WTH?! AALIS SI THRONE? HINDI PWEDI! NO WAY! KUNG PWEDI LANG LAGLAGAN KO NG BALA ANG BAGAHE NILA PARA MATAGALAN SILANG UMALIS GAGAWIN KO! HINDI PWEDI! HINDI SIYA PWEDING UMALIS!"
-----
Vote :)
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii