14

414 16 2
                                    

Part 14

Rosley's POV

Nandito na'ko sa school. Oo, pumasok na ulit ako. Medyo okay na din 'yung sugat ko sa braso. Nasa cafeteria ako ngayon at feeling artista ako. Halos alam kasi ng lahat dito sa school ang mala-action-drama na nangyari samin ni Throne. Hanep diba?

Kahit na gusto kong magmukmuk, umiyak at matulog lang sa bahay dahil sa nangyari sa'min ni Throne ay hindi naman pwedi. Sayang at ako lang mag-isa dito. Si Jeselle kasi iba yung schedule kaya ngayon may klase pa siya.

"Hi."

Halos tumalon ang puso ko sa gulat. Tumingala ako para tignan kung sino. Nanlaki ang kyot kong mga mata nang makita ko ang lalaki, siya 'yun, 'yung nabanggaan ko sa hospital.

Natakot ako. "OMG. Sorry dahil nabanggaan kita. Hindi ko talaga sadya 'yun. Kung sisingilin mo 'ko, promise! Wala talaga akong pera dito." Sabi ko sabay yuko-yuko pa.

"Sorry na please. Kung ano man 'yang iniisip mo para bayaran kita, wala akong maibigay. Kung ang katawan ko, hindi 'to pwedi. Reserve for someone na 'to e. 'Wag please." Teka, kanino ko ba nireserve 'yung katawan ko?

"Hahaha." Napatitig ako sakanya. Todo tawa lang siya na parang may nakakatawa talaga sa sinabi ko.

Mukha nga siyang sisiw e, kulay yellow na may pagkablonde ba naman 'yung buhok. Okay lang. Bagay naman. Pero mas pogi parin si Throne sa kulay gray niyang buhok. Hayst. Bakit ba napunta na naman ang usapan kay Throne? Lalo ko tuloy siyang namiss.

"H-hindi naman k-kita sisingilin e." Natatawa niyang sabi.

"Ha? E ano pala? Dito ka pala nag-aaral. Kala ko sa mga poultry farm ka lang." Pabulong kong sinabi 'yung huli.

"Ha?" Hindi niya siguro narinig.

"Wala. Ano palang kailangan mo?"

"I just want to join you here. Is it okay? Baka loner ka."

"Ako? Loner? Hindi ako loner! Sadyang mag-isa lang talaga ako sa ngayon." Sagot ko.

"So, can I join?"

"Naka-upo kana e. Kanina kapa naka-join." Pilosopo kong sagot.

Tumawa siya. "Diba Rosley ang name mo?"

"Diba Bryle ang name mo?" Pabalik kong tanong.

Lumapad lang ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit. Baka nababaliw na 'to. Sana naman hindi ako mahawa.

*ring ring*

Tumunog ang cellphone ko."Teka ha. Sagutin ko lang."

"Sure."

Tumayo ako palabas ng cafeteria dahil medyo maingay sa loob. Nakita ko sa screen, si Jeselle tumatawag.

"Hello bes?"

[Bes.]

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon