9

514 18 4
                                    

PART 9

Throne's POV

"Throne." Napamulat ako sa narinig kong boses.

Nakahiga ako sa sahig at nakagapos ang kamay at paa ko. Masakit din ang katawan ko, pero kakayanin ko 'to. Napahamak na si Rosley. Hindi dapat ako maduwag.

Nakita ko si Rosley na nakaupo sa isang upuan at nakatingin sakin. Mukhang siya ang tumawag sakin. Nilibot ko ang tingin at mukhang nasa isang bodega kami.

Nakarinig ako ng mga yapak at tinanguan lang si Rosley. Umusod ako ng kaunti dahil hindi ako komportable sa posisyon ko. Aray. Ano ba 'to? May parang tumusok sa likuran ko at nakita ko ang isang bakal na matalim.

Tapos ay ipinikit ko ang mga mata at nagkunwaring tulog. Habang patagong isinudsod ang tali sa bakal.

"Oh. Gising kana pala Rosley." Minulat ko ng kaunti ang mga mata ko. Nakaharap sila kay Ros at nakatalikod sakin. May kasama siyang kalalakihan. Mga pito. May baril sa kaliwang kamay ni Yvonne at patalim sa kanan. Tsk. Wat na wag nilang sasaktan si Ros.

"Pake mo?" Matigas na sabi ni Ros pero halatang nanginginig.

"Pake ko? Wala akong pake Rosley. Walang akong pake kahit mamatay ka."

Sa pagkakarinig ko ng salitang yun ay mas binilisan ko ang pag-sudsod sa bakal.

Lumapit siya kay Ros at naglakad palibot dito. Tapos tumigil siya sa harap. "Alam mo ba na ang tatay mo, oh wait. Hindi mo pala siya tatay dahil anak ka ng mama mo sa iba."

Rosley's POV

Oo, may kinilala akong tatay na kinuwento sakin ni mama.

Pero sinabi niyang hindi ko raw yun totoong tatay dahil ang tatay ko raw ay nasa Amerika. At ang kinilala kong tatay ay si Ross. Hindi ko nga rin alam pero galing sakanyang pangalan ang pangalan ko. Wala akong tatay na kinilala dahil bago ang lahat ay sinabi ni mama na naaksidente daw si Ross bago pa man ako iluwal. Tragic 'no?

"Ha? Anong kinalaman ng papa ko dito?"

"Si Ross Falton ang tatay ko. Ross is such a lier. Hindi niya sinabi kay mom na may girlfriend pala siya. Iniwan niya si mom ng umuwi ang girlfriend niya galing sa ibang bansa or should I say, nanay mo, pero the good thing is, namatay daw si Ross sa isang car accident. Mom was so sad that time. She was sad not because of the accident but because that fckin' Ross left her broken." Napatigil siya.

"At ang lahat ng 'to ay hindi lang dahil sa pag-iwan samin ng walang kwentang tatay mo kundi ang pag-agaw mo din sakin kay Throne. Oh wow! Pareho talaga kayo ng nanay mo 'no? Mga mang-aagaw!" Dugtong niya pa.

"Hindi mang-aagaw ang nanay ko!"

"Ah talaga lang ha!"

"Aray!" Hinawakan niya ako sa baba. Inilapit niya ang patalim sa pisngi ko. Dahan-dahan pero malalim ang pagkakatusok niya at unti-unting naramdaman ko may tumulong dugo mula sa pisngi ko "Aray Yvonne! Nasasaktan ako!" Naiiyak kong sabi.

"Hahahaha." Malakas niyang tawa. "Alam mo, magaling akong magdrawing." Kumuha siya ng tela at nilagay sa bibig ko. "Yan, para hindi ka masyadong makulit. Guguhit lang naman ako sa mukha mo e. Whahahahaha."

-----

Please spread this story :)

Vote! :D

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon