26

338 11 0
                                    

Part 26

Rosley's POV

*muah*

*muah*

*muah*

"Ihhh. Tumigil ka. Nakikiliti ako." Nakapikit kong sabi. Tsk. Natutulog ako e.

*muah*

Dinilat ko ang mga mata ko. "Ah!" Nagulat ako dahil sa lapit ng mukha niya kaya hindi ko sinasadyang mabunggo ang ulo namin sa isa't isa. "Ouch." Ang sakit ng noo ko.

"Aray. Grabe, ang sakit nun." Sabi ni Throne habang hinihimas ang noo niya.

"E, bakit ba kasi ang lapit-lapit mo?!" Naiinis kong sabi. Ngumisi ang loko at inilapit ang mukha niya sa'kin at tinaas-taas pa ang mga kilay. "A-ano kaba." Nauutal kong sabi.

Bigla siyang lumayo. "Yak! May laway ka pa oh!" Maarte niyang sabi at napatingin sa unan. "Hala! Oh no! Si Dexford baby, nilawayan mo din! Yak !yak! yak!" Parang bata niyang sigaw.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Throne ba 'to? "Hahaha." Pagtawa ko.

"Anong tinatawa mo diyan? Hayst. Nilawayan si Dexford."

"Edi labhan mo! Hahaha. Akalain mo 'yun? Pati b - ba naman unan m - may pangalan? Hahaha." Natatawa kong sabi habang nakahawak pa sa tiyan ko. Ang sakit, kakatawa.

"Bakit? Illegal ba 'yun?" Giit niyang sabi.

"H-hindi naman. N-nakakagulat lang. Hahaha."

"Sige, tumawa ka diyan." At bumaba siya sa sasakyan. Aba! Tampururot -

"Oh! Baba na." Napangiti ako ng bahagya. Pinagbuksan niya pala ako ng pinto. Lumabas naman ako at napatingin sa paligid.

"Hala. Ba't tayo nandito? OMG? Sinong pinatay mo? Hoy! 'Wag kang magsisinungaling! P - pero don't worry, dahil kahit may pinatay ka, hindi kita isusumbong. sasamahan kita sa pagtatago." Naiiyak kong sabi. Hindi ako makapaniwalang may pinatay siya.

"Pffft. Hahaha! Grabe ha, may papatayin ako tapos nagawa ko pang ilibing sa sementeryo?" Natatawa niyang sabi. "'Pag pumunta ba dito, may pinatay agad? Di ba pweding namatayan? Haha."

"Ewan ko sa'yo. Tatawa-tawa kapa! Baliw ka 'no?"

He smiled. Hinawakan niya lang ang kamay ko at nagsimula nang maglakad haggang sa tumigil kami sa isang puntod na puno ng puting bulaklak.

"Kakapunta ko lang dito kahapon." Pagsasalita ni Throne.

"E, bakit ka pa pumunta ulit dito?" Nagtataka kong tanong.

"Ipapakilala lang kita," Umupo siya sa tabi ng puntod kaya sumunod na din ako. "Ma, si Rosley Franx Lopez nga pala. Ang babaeng lagi kong kinukuwento sa'yo."

"Talaga? Lagi mo akong kinukuwento kay mommy mo?" Tumango siya. "Sayang. Kilala ka ni mommy ko pero hindi pa kayo nagmeet, e sila ni Zetrix, halos araw-araw nagkikita."

"Ha?!" Gulat na reaksyon ni Throne.

"Oh, bakit? Diba ikaw naman ang nag-utos kay Zetrix na ihatid-sundo ako sa bahay?"

"Oo. Pero hindi ko naman sinabing araw-arawin niya. Lokong bata 'to." Nakasimangot na sabi ni Throne.

"Ay ma," pagsasalita ko sa puntod ng mom ni Throne. "Selos na po ang anak niyo sa kapatid."

"Ha? Hindi ah!"

"Ihhh. Ayaw pa umamin e. Haha." Nagtawan lang kami at nag-usap hanggang sa naisipan na naming umuwi.

"Throne? Babalik ka pa ba next week sa school? Siguro sa next sem ka nalang bumalik kasi magbabakasyon na din naman." Sabi ko kay Throne habang nagmamaneho siya.

"Ayaw ko. Gusto ko kahit last week nalang next week e makapunta ako sa school. Diba may christmas ball? Ayaw kong pumunta ka dun na wala ako."

Ihhhhh. Relax Rosley. Pigilan mo ang pagtili. "A - ah, t - talaga lang ha." Psh. Ba't ako nauutal?

"Kinilig ka naman." Nakangiting sabi ni Throne ng mabilis siyang sumulyap sa'kin.

"H - hindi ah."

"Halata ka talaga -" napatigil si Throne sa pagdadrive. "Rosley! Ito 'yung flower shop na binibilhan ko ng Sweet Alyssum na paborito mong bulaklak. Imported talaga 'yung mga bulaklak nila diyan."

"Tara. Bili tayo Throne." At nagpuppy eyes ako.

"Matitiis ba kita?"

Tapos ay lumabas na kami ng sasakyan at pumasok sa shop.

"Wow Throne! Tignan mo Throne! Ang daming Alyssum na naarranged na! Tara, dun tayo sa pink," hindi pa nakakasagot si Throne ay hinila ko na siya. "Wow! Tignan mo 'to Throne oh!" Kinuha ko ang pink na Alyssum. "Hmm! Ang bango! Bilhin natin 'to please." Isa nalang kasi ang natitira.

"Uhm. Excuse me ma'am, reserved na po 'yan." Biglaang pagsulpot ng isang babae.

"Kanino?" Bahala siya. Bibilhin ko 'to.

"Nasa card po na nakasabit sa flower."

Hinanap ko naman ang card at binasa kung kanino nakareserved.

"B - bakit pangalan ko nakasulat dito?"

(Reserved) Rosley Franx Lopez

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon