Part 31
Rosley's POV
Hindi pa ako nakarating sa bar e parang nahihilo na ako. Napahawak ako sa poste at nasuka dito. Ewan, pero parang babagsak na talaga ako. Pero pinilit ko paring maglakad papunta ng bar. And, voila! I'm here.
Pumasok ako dun at nakipagsiksikan. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang sandals ko. Para na siguro akong baliw pero wala namang pumapansin sa'kin kasi busy sila sa kani-kanilang ginawa.
Umupo ako sa may counter chair. "Manong, beer nga. 'Yung pinakanakakalasing."
"Ay ma'am, hindi po -"
"Wala akong pake! I'll pay for it okay?!" Sigaw ko. Hindi pa'ko nakakainom pero ang sama na ng pakiramdam ko. "I can manage myself, okay?!"
"Y-yes po." May binigay siya sa'kin na inumin at nakatatlong shot ako.
Parang wala ako sa sarili. Naiinitan ako kahit nakatube naman ako. Parang tumatakbo pa ng maayos ang isip ko pero hindi ko na macontrol ang bawat galaw ko. Lumakad ako sa gitna ng floor at nakisabayan sa mga sumasayaw.
Todo sayaw lang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa braso ko. Lumingon ako't nakita ang isang lalaki na nakangiti. Dahil nga wala ako sa sarili ay nginitian ko rin siya pabalik. Nagsayawan kaming dalawa.
Throne's POV
Nagpunta ako ng school pero wala na si Ros. I know, she's angry. Sabi ni Jeselle ay umuwi na daw siya kaya nagdrive na'ko papunta sa bahay nila. Biglaan kasi ang engagement party ng Ate ko sa isang resort kaya hindi na'ko nakapunta sa Christmas ball. I left my phone sa bahay kaya nung nakauwi ako ay agad kong tinawagan si Rosley pero hindi na ito macontact. Nakailang calls at text na rin pala siya. Kaya nagpunta na'ko sa school at ayun, nakausap ko si Jeselle.
I'm on Rosley's way home nang makita ko ang isang babae na papasok sa isang bar na malapit sa bahay nila Ros. Damit niya palang, alam ko nang si Rosley 'yon. Nagparking lang ako sa gilid ng daan at hinintay na lumabas siya. Pero dahil natagalan pa siya ay sumunod na ako sa loob.
Nakita ko siyang umiinom. Papalapit na'ko sakanya ng tumakbo siya papagitna sa dance floor. Sa dami ng sumasayaw ay nawala siya saglit sa paningin ko kaya nakipagsiksikan na rin ako dun. And finally, I saw her dancing with a man. She's really drunk.
"Get off your d*mn sh*t hands on her, man." I said and grabbed the collar of this perverted alien.
Itinaas niya ang dalawang kamay na parang ba'y sumusuko. Hinila ko si Ros at lumabas kami ng bar na hindi ko siya nililingon. I found out na umiiyak pala siya nung nasa loob na kami ng sasakyan.
"W-what are y-you doing? I'm h-having fun..." Naiiyak niyang sabi na parang bata. Still, she's drunk. Halatang lasing parin.
"It's not fun anymore, Rosley." Seryoso kong sabi. "Let's go home - "
Napatigil ako sa gulat ng pinisil niya bigla binti ko. "I f-feel hot." She said with a sweet tone.
Napalunok ako sa sinabi niya. Nilakasan ko ang aircon pero hinawi niya ang kamay ko. "No. That won't help."
"Then, w-what do you want?" I stammered. "Open the windows? Fine."
"No." Maigsi niyang sagot at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa'kin. Oh no. No. No. No way. Kailangan ko 'tong pigilan dahil kung hindi, baka hindi ko na talaga siya matiis. D*mn it, again.
I sighed. She's kissing me but I tried to pull her away. But she sat on my lap and started kissing me again.
"Sht. Enough, Rosley!" Naitulak ko siya.
*bugsh*
Halos napasubsob sa manibela si Rosley kaya kinabahan ako. Nawalan siya ng malay dahil dun. Okay lang kaya siya? For sure, masakit ang panga nun paggising. Tsk. Tsk. Pero ayos na 'to. Maiuuwi ko na siya.
Binuhat ko na si Rosley ng makarating kami sa bahay nila. 'Yung bridal style para hindi siya magising. Parang himbing na himbing na kasi sa pagtulog. I giggled.
"Tita Ley!" Pagtawag ko sa mommy ni Ros.
Bumukas naman agad ang pinto. "Jusko! Anong nangyari diyan?" Nag-aalala niyang tanong. "Pumasok kayo, Throne."
Pumasok ako sa bahay nila. "Tita, mas mabuti siguro kung dun ko na siya ihiga sa kwarto niya."
"Mabuti pa nga. Ano ba kasing nangyari diyan?"
"Nalasing po kasi."
Tumango-tango nalang ang mommy niya at sinamahan ako papunta sa kwarto niya. Hiniga ko na din siya sa kama.
"Thank you, Throne ah." Pagpalasalamat ng mommy niya. "Teka, titimpla lang ako ng hot choco."
"Ah, 'wag na po."
"Hay. 'Wag ka nang mahiya. Salamat at hinatid mo ang anak ko ng maayos. Itatanong ko nalang sakanya kung anong nangyari."
Ngumiti ako. "Sige po." At nauna na siyang bumaba.
Binaling ko ulit ang tingin kay Rosley. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "Goodbye, sweety. Sleepwell," Natawa ako ng konti nung maalala ang nangyari. Grabe pala malasing ang babaeng 'to. "I love you." At tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya.
"Oh, ito." Inabot ni Tita Ley ang hot choco pagbaba ko.
"Thank you po."
"Maupo ka." Umupo din ako sa tabi niya.
"Seryoso kaba talaga sa anak ko?" Biglaang tanong niya.
"Opo." Siguradong sagot ko.
"Maipapangako mo ba saking hindi mo siya iiwan?"
"Opo. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo." At ngumiti siya pagkatapos ng kanyang pagkumpirma.
"Uhm, may sasabihin po sana ako sainyo, sana po 'wag niyo na sabihin kay Rosley kasi baka hindi siya pumayag."
"Sige. Ano 'yun Throne?"
-----
Vote?
Comment?
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Jugendliteratur"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii