Part 32
Rosley's POV
Nagising ako sa silaw mula sa bukas na bintana ko. Humikab ako pero biglang napatigil, "Ouch." Ang sakit ng panga ko sinabayan pa ng sakit ng ulo.
"Anak."
"Ma, anong... pa'no..."
"Hinatid ka dito ni Throne kagabi. Buti nalang at nakita ka niya sa bar. Rosley naman, anong bang pinaggagawa mo?"
"Nandito si Throne kagabi?!" Napahawak ako sa panga ko nang kumirot ito ng kaunti. "Aw..."
"Oo, nandito siya. Bakit kaba nagbar? Kailan pa kita tinuruan ng ganun?"
Yumuko ako. "Ma, sorry. Nag-alala lang kasi ako kay Throne."
"'Wag mo nang gawin ulit 'yun ha? Pa'no nalang kapag hindi dumating si Throne?" Napailing si mama.
"Opo. Sorry."
"Andun na ang almusal mo. Aalis na ako at baka ma-late pa'ko sa trabaho."
"Sige, ma."
Umalis na si mama. Bumaba ako at nag almusal. Nandito si Throne kagabi? Nakita niya ako sa bar? Grabe, tatlong shots palang nga ang nainom ko pero nalasing na'ko. 'Yan tuloy, hindi ko napagalitan ang mokong.
"Ah!" Napahawak ako sa dibdib ko. Kinabahan ako. Parang biglang nawalan ako ng hininga sa isang segundo.
Ayaw ko na 'to patagalin. Magpapacheck up ako pero hindi ko muna sasabihin kay mama. Nangyari na din 'to noon. Pero sabi ng doctor inumin ko lang ang vitamins na binibigay niya.
Nagbihis na ako at sinara ko na ang bahay. Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay. "Manong, sa kalapit na hospital lang." Tumango naman ito at mabilis kaming nakariting doon.
Pumasok na'ko sa hospital at hinanap ang office ni Dra. Reyes. Ang doktorang lagi kong binibisita. Actually, mabait siya at close na close kami.
*tok tok tok*
"Come in." Rinig ko sa loob.
Pumasok ako. Nung nakita niya 'ko ay ngumiti siya at agad na tumayo para abutin ako ng yakap.
"Rosley, how are you dear?" Malambing nitong sabi. "Have a seat." Umupo ako sa couch.
"Uhm... Dra. Reyes -"
"Rosley, ilang ulit ko na bang sinabi na pwedi mo na'kong tawaging Tita Mel? Your mother is almost a sister to me."
"Ah..." Tumango ako. "Tita Mel, nung last time na nagpacheck up po ako dito? Sabi niyo po diba, cause lang 'yun ng stress?"
"Hmm... yes. That time, arrhythmia 'yun. But I'd told you to be calm and don't worry kasi it's a type of arrhythmia called Premature Ventricular Contractions or PVCs. It can occur to a person with or without a heart disease, right?" Tumango ako. "And nung nagpacheck up ka nun last time, it's just because of stress kaya nakaramdam ka ng parang..."
"Skipped a heartbeat?" Tanong ko.
"Yes! So? Naramdaman mo ba ulit 'yun?"
"Opo. Pero may kakaiba po e. Minsan kumikirot po 'yung dibdib ko, pero hindi naman gaano kasakit. Tapos nahihilo ako at parang nasusuka."
Kumunot ang noo niya at tumango-tango. "So, you feel nausea everytime?"
"Paminsan-minsan. Kagabi po e nasuka na talaga ako."
"Then i should better check you up again, now."
Unang chineck ni Tita Mel ang vitals ko kung normal daw. Tapos, may mga tinatanong din siya sa'kin.
"I'll call you kapag nalaman ko na ang results, okay?"
"Thank you, Tita Mel. Ito po pala 'yung bagong number ko." May inabot akong papel sakanya. "At sana po 'wag niyo munang sabihin kay mama na pumunta ako dito. Baka mag-alala 'yun e."
"Sige. Basta mag-ingat ka at inumin ang mga vitamins. 'Wag ka din magpakastress. Eat healthy foods and not to much excercise, okay?"
"Okay po. Thank you po talaga."
"You're always welcome."
Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas. Buti at okay naman pala ako. Akala ko kung ano na 'tong nararamdaman ko e. Nasaan kaya si Throne? Bakit hindi nagpapakita ang mokong na 'yun? Hindi naman sinasagot ang call ko at text.
Tss. Relax, Rosley. 'Wag kang magpakastress. Text mo nalang ulit ang mokong na 'yun.
Hayst.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii