Part 38
Throne's POV
Magtatanghali na. Nagising din si Rosley kanina nung paalis na si Doc Mel. Maayos naman daw pakiramdam niya. Sinabi na din namin kay Ros ang tungkol sa operation. Nung una ay umiyak siya pero sinabi ko namang kakayanin niya 'yun. Ngayon ay pinapakain siya ni Tita Ley. Ako na sana ang gagawa kaso mapilit si Tita, e.
"Throne." Pagtawag niya sakin. Nakaupo lang ako dito sa couch habang pinagmamasdan silang dalawa.
Tumayo ako at nilapitan siya. "Hmm?"
"Iwan ko na muna kayo. Ikaw na muna Throne ang bahala kay Ros. Pupunta lang ako kay Mel. Mag-uusap lang kami." Tumango lang ako at umalis na siya.
"Mukhang pagod ka ah." Panimula niya.
I smiled. "I'm okay. Ikaw? Kamusta pakiramdam mo?"
Kumunot ang noo niya. "Ilang ulit mo na akong tinanong niyan. Throne, okay lang ako."
"Nagwoworry lang ako, Ros." Hinaplos ko ang mukha niya.
Pinilit niyang ngumiti. "Ang naman ng honey ko. Maligo ka na nga muna! Ang haggard mo na oh!" Tapos ay tumawa siya. Pero ako naman ay hindi. "Oh, bakit?"
"'Wag kang tumawa ng todo! Baka sumakit 'yang puso mo." Saway ko. Nag-aalala talaga ako.
Pero imbis na tumigil ay tumawa parin siya. "Haha! Ang OA mo na? Anyare sayo?"
"Ros," I sighed. "Nag-aalala lang ako!"
"Okay, okay. Relax. Maligo ka na nga lang!"
"Wala pa si Tita. Walang magbabantay sayo."
Pinandilatan niya ako. "Ano ka ba! Kaya ko nga 'to! Parang maliligo ka lang diyan, e!"
"Fine. Mabilis lang ako. Diyan ka lang ha."
"Oo nga." Ngumiti siya. Ako naman ay mabilis na kumuha ng damit sa bag at pumasok na sa banyo para maligo.
Nung una ay hindi muna ako naligo agad. Sinilip ko muna si Ros mula dito sa banyo kung ano ang ginagawa niya. Kumuha siya ng mansanas at kumain. Nang napanatag ay naligo na din ako.
"Oh, ayos naman pala e." Aniya nito pagkalabas ko ng banyo. "Bilis ha."
"Oo. Ang bilis mo ding ubusin 'yun mansanas." Naisipan ko na lumabas muna siguro kami ni Ros. Para naman makapag-usap kami muna at makita ang nag-iisang ilog dito sa lungsod.
Nasa likod kasi ito ng hospital na ito. At kapag pumunta ka sa likurang garden ay napakaganda ng view ng Elajo River. Kung makikita lang sana dito ang river mula sa room ni Ros hindi ko na siya ilalabas. Kaso nasa other side na room kami at puro sasakyan lang naman ang makikita namin dun.
"Okay ka lang? Hindi ka diyan 'ata nakakibo." Pagdating kasi namin dito sa garden ay nakatingin lang siya sa ilog habang nakakapit sa railing dito dahil nasa edge na kami.
"Okay lang ako. Ini-enjoy ko lang ang view dito."
"Uh-huh? Don't worry. Papasyal ulit tayo dito pagkatapos ng operasyon mo. Kaya mag pagaling kana." Nakatingin lang ako sakanya habang siya naman ay titig na titig parin sa napakagandang view. Lalo na't sunset. Napakacomforting.
"Kung mabubuhay pa'ko." Sabi niya. Hindi ko alam kung biro ba 'yun dahil seryoso lang ang tono niya. But still, I'll take it as a joke.
"Ros naman," lumuhod ako sa harap niya kaya magkapantay na ang aming mukha. Nakaupo kasi siya sa wheelchair. Hindi kasi siya pweding mapahod lalo na't sabi ni Zetrix ay baka mamayang gabi na darating ang doctors. Pero hindi ko na muna iisipin ang ibabayad. Ang importante ngayon ay si Ros.
"Joke lang." Ngumiti siya na halos kita na ang lahat niyang ngipin kaya napatawa ako. "Syempre, hindi ko iiwan ang sweet honey apple pie ko!"
"'Yan ang pinakamagandang CS na narinig ko."
"Ah talaga?"
"Oo nga," unti-unti kong nilapit ang mukha ko sakanya at nakita ko siyang napapikit. I cupped her cheeks and kissed her in the forehead.
Napamulat siya. "Ay. Diyan lang?"
Tumawa ako. "Haha. Ikaw talaga!" At hinawi ko ang buhok niya.
Nagkulitan lang kami doon hanggang sa medyo dumilim na kaya inaya ko na siyang pumasok.
"'Wag," Pigil niya. "'Wag muna please."
Umiling ako. "No. Kailangan na nating pumasok. Madilim na oh." Pagkasabi ko nun ay biglang umandar ang mga ilaw dito sa garden. Nakasabit ang lights sa mga kahoy na nakapalibot dito.
"Kita mo? Pati ilaw sumasang-ayon sakin." Saad ni Ros na nakangisi.
Tumayo na ako. "Tsk. Bahala ka. Basta papasok na tayo." At hinawakan ko na ang handle sa likod ng wheelchair."
"NO!" Malakas niyang sigaw na nagpatigil sakin. "No..." Dali-dali akong hinarap siya. Lumuluha siya.
"Ros. Why are you crying?" She sobs and didn't answer my question. "I'm sorry for forcing you."
"No. Okay lang," Then she sob. "N-natatakot lang t-talaga akong pumasok."
"Why?"
"Dahil parang gusto ko nalang na kainin ako ng lupa kesa magpa-opera. Natatakot ako, Throne. Paano pala kung mahina ako? Paano kung hindi magtagumpay ang mga doktor? Pa'no kung - mamamatay ako?"
Napapikit ako sa sinabi niya. "Hindi 'yan mangyayari Ros! Ano ka ba!" Ba't ganyan pinag-iisip niya? "Think positive! Kaya mo 'yan. Kaya natin. I will never leave you. Kumuha kami ng professional na doctors. They'll do everything. Isasarado lang naman nila ang butas sa puso mo. They can do it! Babalik pa tayo dito sa garden ulit diba?"
At pati ako ay napaluha na. Ganito pala ang pakiramdam na baka may mawalay sayo pero pilit mong itinutulak ang mga salitang 'walang may mawawala' sa isip mo. Alam ko, hindi naman siguro ganun kalala ang condition ni Ros pero may chances e. Either it will be a thumbs up or down.
"Alam kong first time mo magpa-opera and at the same time, I hope it'll be your last. But you need to be strong. Mas lamang ang posibility na magiging successful 'yun." Dugtong ko pa.
"Pero hindi diyan nakasalalay sa posibility o percentage kung mabubuhay ang tao o hindi!" And she is now over acting.
"But for me it is! It is, Rosley! Because I think on the positive way." Kinalma ko ang sarili ko dahil nadadala na ako. "Pati ba naman ito pagtatalunan natin?"
Humagulgol na siya ng iyak. "I-I'm sorry!" At umiyak siya sa kanyang mga palad.
"Shh. Magiging okay ang lahat! 'Wag kana matakot." Pagpapatahan ko. Inangat niya ang kanyang ulo. "I love you." And I gave her a peck.
"I love you too."
*ring*
Kinuha ko ang cellphone ko na kanina ko pa inaabangan ang tatawag.
"Zetrix?"
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii