Part 30
Rosley's POV
"'Wag kang makulit, Rosley. Nahihirapan ako."
"Ihhh. Nakikiliti ako Ma, e."
Kasalukuyang nilalagyan ng make-up ni mama ang mukha ko. Medyo malungkot din ako kasi huling usap namin ni Throne e kagabi sa text. Sinabi niyang aabangan niya raw ako ngayong araw, sa Christmas ball. Wala raw akong ibang pweding maisayaw maliban sakanya.
Napahagikhik ako sa naalala.
"Oh? Tinatawa mo diyan? Tapos na kitang lagyan ng make-up, nakikiliti ka parin?"
Binalewala ko ang sinabi ni mama at tumayo papunta sa salamin. "Wow ma. Ikaw na talaga ang the best magmake-up."
"Ako pa! Hindi ko kinapalan ang make-up mo, nak. Kahit nga hindi ka na magmake-up, maganda ka parin."
"Ma naman! Nambola pa!" Lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Hindi anak! Totoo ang sinasabi ko! Ang ganda mo lng tignan kasi 'yung ganda mo pang ibang bansa, pero magugulat nalang ang taong kausap mo na nagtatagalog ka."
"Ewan ko sa'yo." Tumawa kami.
"Oh, siya. Magready kana at umalis."
"Wow ha, parang pinagtatabuyan mo na ako."
"Hindi ah. Baka naiinip na kasi 'yung driver dun sa baba."
Nagrent kasi kami ng car ni mama at driver para may maghatid sa'kin sa school. 7pm na kasi at mahirap na magcommute. Hayst. Leche kasing Throne 'yun. Hindi nagpaparamdam. Anong feeling niya? Ikakasal kami, kaya hindi pwedi magkita ang bride at groom at baka malasin? Tss. Kaya ayun. Bumaba na ako at sumakay.
Nasa school na'ko at nagpaalam sa driver. Hindi niya na rin ako susunduin mamaya dahil for sure, si Throne na ang maghahatid sa'kin.
"Bes!" Napalingon ako at nakitang papalapit sa'kin si Jeselle na suot-suot ang kulay itim niyang damit na may matitingkad na details kaya nasisilaw ako tuwing matatamaan iyon ng spotlight.
"Grabe! Nakakasilaw ang ganda mo ngayon!" Panimula ko ng makalapit siya. Nagulat nalang ako ng may kasama pala siya na nakasunod sa likuran niya.
"Ikaw nga din bes. Mas lalo kang pumuti tignan sa damit mo," Napansin niyang nakatingin lang ako sa likuran niya. "Nga, pala bes, Si Alexis. 'Kapatid ni Bryle." Owww... kaya pala familiar ang mukha niya.
"Naku, jusko. Baka iiyak ka rin diyan Jeselle at mabalitaan mong isang araw, nagpari din 'yan." Pagbibiro ko.
"Oh, no way." Mabilis namang sagot ng kapatid ni Bryle.
"Alexis, this is Rosley. My bessy."
"Nice to meet you, Rosley." He said while looking at me seductively.
Biglang lumapit sa tenga ko si Jeselle. "He's even more hotter and totally opposite of Bryle." Bulong ni Jeselle kaya napahampas ako sakanya ng mahina.
"Baliw ka talaga."
"Excuse me bes, alis muna kami ah." Pagpapaalam ni Jeselle.
"Sure." Tumungo na din ako sa isang upuan. Hindi ako mapakali kaya tinext ko na si Throne na nandito na'ko at kung nasaan na siya.
Nakailang text na'ko at isang oras na ang lumipas pero wala parin siya. Nagstart na ang party. Ang sayawan. Ang kainan. Ilan na din ang nag-invite sa'kin sumayaw pero humindi ako. Throne... nasaan kana ba?
*ting*
Nahulog ang kutsilyong nilalaro ko ng kamay ko. Naiinip kasi ako kaya hindi ako mapakali. Bago ko pa man pulutin ang bread knife ay may umapak dito. Isang red high-heeled shoe ay tumambad.
"Hello, dear." Malambing niyang bati.
"B-Bernadeth?" Nagtataka kong tanong. Hindi kasi kami close at nasa 3rd year palang siya. Pero hindi ko maikakaila na mas matured siyang tignan sa'kin kasi dalagang-dalaga na ang features niya. She's known as the playgirl of the school. The bitch. Can't deny it, she's really hot tonight and awesomely beautiful.
"Hindi mo ba narinig? You and I was called to come up at the stage. Napili tayong dalawa na Queen of the night." Natulala ako sa sinabi niya. Meron palang ganun? "Rosley." She waved her hand at nabalik ako sa diwa.
"A-ah. Okay." Tumayo ako at pumunta sa itaas ng stage kasama si Bernadeth.
Nung nasa itaas na kami ay hinanap ng mga mata ko si Throne. Pero wala. Hinanap ko din ang kapatid niya. Nagbabasakaling may mapagtanungan ako kung nasaan na ba siya, pero wala. Bwsit. Matapos ang pagkorona at paglagay ng sash ay mabilis akong bumaba. Pumunta ako sa labas ng gym upang makahinga. Ang dami na kasing tao sa gym at nasisikipan ako. Nasusuka ako na ewan.
"Congrats bes." Napalingon ako at nakita si Jeselle. "Oh? Bakit parang 'di ka masaya? Wow! Queen of the Night?"
"Wala naman akong pake dun. Ang ipinunta ko rito ay si Throne pero malapit na magtapos ang party wala parin siya." Naiiyak na ako. Lumapit ako kay Jeselle at nilagay sa ulo niya ang korona. Ikinabit ko na rin ang sash sakanya.
"Oh? Ano 'to?" Nagtataka niyang tanong.
"Sa'yo na 'yan. Ikaw kasi ang pinakamagandang babaeng nakita ko ngayong gabi."
"Aba binola pa'ko. Haha." Natatawa niyang sinabi pero tumigil din. "So, what's your plan?"
"I'm tired, uuwi na siguro ako."
"Sigurado ka? Ipapahatid kita sa driver ko." Pag-alok niya.
Umiling ako. "No. No. It's okay. Actually kumuha si mama ng driver para ihatid-sundo ako."
"Ah... sige. Take care ha?"
"Yeah, you too." Nagbeso kami at lumakad na'ko palayo.
I'm such a liar. Wala na nga ang driver ko diba? Pinauwi ko na kasi. Pinauwi ko na kasi akala ko, AKALA ko, dadating ang mokong na si Throne. Nasaan na ba 'yun? Gabi na at siguradong wala nang masyadong sasakyan.
Tinawagan ko siya habang naglalakad ako palabas ng school. Pero walang sagot. Sa sobrang galit ko ay kinuha ko ang sim ko at tinapon. Tinapak-tapakan. Tinalunan -
"Ouch." Sambit ko ng tumalon ako at natapilok. Nasira ang heels ng sandal ko. Lecheng kamalasan 'to. "Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko para mailabas ang sama ng loob. Bwst. Makapunta nalang nga ng bar.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Novela Juvenil"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii