Part 23
Rosley's POV
"Goodbye Sir!"
Sa wakas. TGIF! Walang pasok bukas dahil sabado. Kung tatanungin niyo 'ko kung naging lutang na naman ako sa klase. Syempre wala. Dahil siguradong bagsak ang grado ko nun dahil wala na ang taong laging nasa tabi ko para turuan ako ng lessons -
"Rosley."
"Ay! Peste!" Bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat. "Bakit ka ba nanggugulat? At tsaka, bakit ka nandito? E nasa kabilang building naman 'yung mga sophomores?"
"Nakinig ako sa lessons niyo."
"Bakit? Wala ka bang pasok?"
"Tapos na. Maaga kaming dinismiss dahil may pupuntahan ang prof namin sa last subject." Paliwanag niya.
"Hay. E bakit ka naman nakinig sa discussion namin, Zetrix? Advance? Ang sipag mo naman mag-aral."
"Dahil, baka hindi ka na naman nakinig sa prof niyo dahil lutang ka at babagsak ka."
Hala. Pa'no niya nasabi 'yan? I mean, pa'no niya nalaman? E, si Throne lang naman ang nakakaalam niyan e, kasi siya naman ang dahilan ng pagkalutang ko. Hihihi.
"P-pa'no mo nalaman?"
"Sasagutin ko pa ba 'yan? Tara na!" Masungit niyang sabi.
"Saan?"
"Dinner?"
"Dinner? May pinag-usapan ba tayo?" I folded my arms over chest.
He smirked. "Yes."
"Kailan pa?"
"Ngayon lang. So, let's go."
Hinila niya ako pababa ng building. Ayan tuloy, tinginan sa'min 'yung mga tao. Baka sabihin nila, nawala lang si Throne, 'yung kapatid niya naman 'yung isusunod ko.
"Don't worry about them." Sabi niya.
Hindi nalang ako umimik hanggang nasa parking lot na kami. Nagugutom na din kasi ako kaya sasama nalang ako sa batang 'to. Sure na sure akong ililibre niya ako.
"So, anong gusto mong kainin?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad. Ito 'yun e. Ito 'yung restaurant na kinainan namin ni Throne nung first date namin at kung saan ko nakita ng first time ang favorite kong flower.
"Uhm... kahit ano nalang. Bakit dito mo ako dinala?"
"Sabi kasi - I mean, g-gusto ko. Ah - yeah, yeah. Dito ako lagi nagdidinner." Nauutal niyang sabi.
Napataas ako ng kilay. "Ah... talaga lang ha."
Nag-order na si Zetrix. Mga ilang minuto ay dumating na din ang pagkain.
"Woah. Ang dami ha. Papatabain mo talaga ako."
Tumawa siya. "Hindi naman."
Nang makatapos kaming kumain ay inaya ko na rin siyang umuwi. Pero bago 'yun, tinulungan niya ako sa mga assignments ko. Nice one.
"Thank you sa paghatid Trix."
"You're welcome. So? Alis na'ko ah. Bye, Rosley."
"Bye." Isinara ko na ang gate at nagulat ako paglingon ko ay nasa pintuan si mama nakatayo. "Ma." Naglakad ako papalapit sakanya. Pumasok ako at umupo kami sa salas.
"Sino 'yun nak?"
Eto na po 'yung interview portion. "Ah, kapatid ni Throne."
"Masyado pa 'ata 'yung bata anak."
"Ha? Bata pa talaga 'yun ma! At - ewan ko ba dun sa batang 'yun. Ang bait sa'kin."
"Kanina ng umaga, sinundo ka. Tapos ngayon, hinatid ka."
"Ay ma, ewan ko dun."
"Pero okay lang nak. Masaya na ako kahit na sino man ang gusto mo, basta ay nagmamahalan kayo."
Bigla akong napa-isip. May isip pa pala ako? Chos! Bigla ko kasing naalala nung nakidnap kami ni Throne. "Ma, ang hirap pala kapag nasa long distance relationship kayo ng mahal mo 'no? Uhm - teka, sino ba talaga ang tatay ko, ma?"
"Oo nak. Pero diyan niyo mapapatunayan ng taong mahal mo kung gaano katatag ang inyong relasyon." Biglang nalungkot ang mukha ni mama. "Sorry nak, pero hindi si Ross ang tatay mo e. Mahirap mang sabihin pero di kita inaasahang dumating. Pero nak, malaki kana. Maiintindihan mo na ako at oras na din sigurong sabihin ko sa'yo ang lahat."
"Makikinig ako, ma."
"Si Ross. Siya lang ang iisang lalaking minahal ko. Nagtatrabaho si lola mo sa ibang bansa pero nagkasakit siya. Hindi siya makauwi kaya kinailangan na ako nalang ang pupunta. Kailangan kasi nun ni mama ng mag-aalaga sakanya. Kaya, kahit ayaw kong iwan si Ross dito sa Pilipinas wala akong magagawa. Kailangan ni mama ang tulong ko. Ayun, pumunta ako ng ibang bansa at naiwan si Ross dito."
"Lagi kaming nag-uusap ni Ross, sa text, call o skype. Pero dumating 'yung araw na minsan nalang kami mag-usap. Hindi ko alam kung bakit, pero nung na kidnapped ka? Dun ko nalaman na minsan din palang nambabae si Ross. Tapos nung araw na sobra ko siyang namiss? Parang gusto ko na nga ding tapusin ang buhay ko nun e."
"Sorry ma."
"Okay lang anak. Tapos na 'yun e."
"Pwedi bang ituloy mo pa, ma?"
"Oo naman. So, ayun. Naglalakad ako sa daan pauwi galing sa isang party -" Biglang tumulo ang luha ni mama kaya niyakap ko siya. "Naglalakad ako ng biglang may humawak sa braso ko. Nung nakita ko ang mukha niya, nakilala ko kung sino siya. Siya si Lance, 'yung amerikanong laging sinusundan ako. Minsan nga, kakagising ko lang ng umaga makikita ko na siya sa labas ng bahay. Tapos kapag gabi, kakauwi ko lang nun, nakatambay siya sa gate."
"Ma." Sambit ko nang biglang mag-sink in ang lahat sa utak ko. "'Wag mong sabihing..."
"Oo anak. Kaya nga maputi ka, blonde ang buhok mo at kulay light blue 'yung mga mata mo kasi, Phil-Am ka e. Kriminal ang tatay mo. Pinagsamantalahan niya ako pero napakulong ko siya. Pero tandaan mo Rosley, hinding-hindi ako nagsising dumating ka sakin. Mahal na mahal kita anak."
Napa-iyak ako sa sinabi ni mama. All this time, wala akong alam tungkol sa nangyari kay mama noon. Kaya pala lagi siyang malungkot. "Okay lang ma. Ang saya-saya ko na hindi mo naisip na ipalaglag ako o kamuhian."
"Hindi anak. Ni minsan, hindi ko naisip 'yan."
"E, ma. Si Ross po? Anong nangyari sakanya?" Dugtong ko.
"Umuwi ako sa Pilipinas kasi nabalitaan naming na car accident siya. Tragic anak 'no? Pero, nangyari na 'yun anak. Kaya nga gusto ko, kahit ikaw nalang anak, maging masaya ka."
"Sorry, ma. Ang dami kong tanong e. Promise, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Ako nalang ang magtatapos para sa happy ending mo."
Sana nga magka-happy ending ako. Pangako, hindi mapapako.
-----
Vote? Sorry, medyo cliche ang part na 'to. Gusto ko lang i-clear out 'yung tungkol sa parents ni Rosley.
Thankie~
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii