Part 27
Rosley's POV
Umuwi nalang kami ni Throne dahil hindi talaga namin nabili 'yung flower. Hindi namin alam kung sino nagpareserved nun para sa'kin. Gusto ko na nga din kunin 'yun kasi pangalan ko naman 'yung nakasulat, pero hindi daw pwedi.
Umaga na pala. Excited akong pumunta nang school kasi bumalik na si bebe ko, Throne. Susunduin daw ako ngayon kaya maaga akong naligo at nagbihis.
"Hi ma." Bati ko pagbaba ko. Nasa kusina siya at naghahanda ng almusal.
"Oh, maaga ka 'ata? Pangiti-ngiti ka pa diyan."
Mas lumapad ang ngiti ko. Blooming siguro ako. "Kasi po... bumalik na si Throne. At gusto ko siyang ipakilala ng maayos sainyo. Susunduin niya raw ako ngayon.
"Ah... talaga? Dapat sigurado na siya sa'yo. 'Yung kahit anong mangyari, hindi ka niya iiwan."
"Oo naman!" Masigla kong sabi. Hindi naman ako iiwan ni Throne diba?
*tok tok*
Dali-dali kong binuksan ang pintuan at tumambad sa'kin ang napakagwapong si Throne. Ihhh. Amoy niya palang kinikilig na'ko.
"Good morning, sweety." Nakangiti niyang sabi.
"Pa-hug nga!" Tumawa siya sa sagot ko. Niyakap ko naman siya.
"Ehem." Biglang sumulpot si mama.
"Ah, ma. Si Throne po."
"Good morning po." Magalang na bati ni bebe ko. Char. Haha.
Tumango si mama. "Nakapag-almusal kana ba iho?"
"Opo."
"Ma, alis na po kami ni Throne. Next time nalang ulit kayo mag-usap."
"Nice to meet you, ma." Nakangiting sabi ni Throne.
"Aba! Nang-aagaw kapa ng mama!" Sabat ko at nagtawanan kami.
"Sige, nak. At ikaw Throne, ingatan mo ang anak ko."
"Makakaasa po kayo." Talaga lang Throne ah. 'Wag ka nang dumagdag sa mga taong paasa sa mundo.
Lumabas na kami ni Throne matapos kaming magpaalam. Papasok na kami ng sasakyan nang biglang may dumating na isa pang sasakyan. Kilala ko 'to e.
Lumabas siya mula sa driver's seat. "'Yo! Good morning, Rosley!" Masigla niyang bati habang papalapit sa'kin. "For you." Nanlaki ang kyot kong mga mata.
Geez. "Alyssum!" Masayang sigaw ko. "Teka,"
"Ehem. Anong eksena 'to, Zetrix?" Biglang pagsulpot ni Throne.
"Ha? Wala kuya. Nasanay lang akong ginagawa ito. Parang naging routine ko na nga din 'yung paghatid-sundo kay Rosley." Aniya ni Zetrix.
"Ikaw pala nagpareserved nito Zetrix?" Tumango siya. "Aww... thank you talagang bata ka."
"E, nandito na'ko Zetrix kaya hindi mo na kailangang sunduin si Rosley," Ang sungit ah. "Let's go." Bigla akong hinawakan ni Throne sa kamay at ipinagbuksan ng pintuan. Nagwave nalang ako kay Zetrix at pumasok nalang din.
Napatingin ako kay Throne nung maka-upo siya. Hindi siya nakatitig sa'kin at seryoso ang mukha. Ipinaandar niya lang ang sasakyan kaya naman nagtaka ako dahil tahimik lang siya.
"Throne. Okay ka lang?"
"Yes." Maigsi niyang sagot. Hindi man lang ako sinulyapan kahit konti.
"Parang hindi e. Bakit hindi ka makatingin?"
"Saan?"
"Sa'kin."
"Syempre. Baka mabangga tayo." Ugh. Oo nga naman. Pero parang kainis ha. Anyare ba dito sakanya?
Hindi nalang ako umimik. Ganun din siya. Nakarating na kami ng school na hindi nag-uusap. Buong klase nakatingin lang ako sakanya. Baka gumana ang eye contact. Pero waley. Wala talaga. Wala naman sigurong eye contact kasi pa'no 'yan? Kailangan pa ba ng eye number para macontact? Ganern? Sht kasi 'tong first period namin. Ang boring, sobra. Puro daldal lang si ma'am hanggang dismissal.
"Dun tayo." Turo ko sa bakanteng table dito sa cafeteria. Kasama ko si Throne. Mabuti nalang at nakasabay na rin si Jeselle. Bakit kasi hindi Business Ad ang kinuhang course ng bruhang 'to.
Umupo na kami. Naunang pumila si Jeselle kaya naiwan kami ni Throne sa table. Nakatingin lang siya sa cellphone niya at hindi kumikibo. At ako naman, e halos lumuwa na ang mga mata sa kakatitig sa kanya.
"Yo!" Napatingin kami sa nagsalita. Si Zetrix pala.
"Oh, buti nandito ka." Saad ko.
"Oo naman. Ganito naman ang lagi nating ginagawa diba?"
"Oo - " Hindi pa'ko tapos magsalita ay biglang tumayo si Throne.
"Excuse me. May tatawagan lang." Tapos ay naglakad siya palabas. Grabe, kailangan ba talagang lumayo? Hindi naman masyadong maingay dito sa loob.
"Anyare dun?" Tanong ko kay Zetrix.
Nagsmirk siya. "He's getting jealous."
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii