Part 25
Rosley's POV
"A-aw. Ah. Sige pa. Ah-ah. K-kahit m-masakit, ang s-sarap pa din pala. Ouch! Ah - dahan-dahan lang. H-heaven talaga."
"Daldal ng daldal ka diyan."
"W-wala kang pake. Ah - sige pa. Push mo pa. Ah-aray!" Napabalikwas ako sa higaan.
"Oh? Anong nangyare na sa'yo diyan?" Nag-aalalang tanong niya.
"Si Ate kasi! Diba sabi ko dahan-dahan lang po?" Naiinis kong sabi sa babaeng nagmamasahe sa'kin. Masakit na 'yun e.
Nandito pala kami ni Throne sa Heaven, massage parlor. Jusko. Akala ko kanina, sa kalangit-langitan niya talaga ako dadalhin. Charot!
Habang nagbabyahe kami ni Throne kanina papunta dito ay kinuwento niya lahat ng nangyari. Sa pagtitira niya raw doon sa America ay wala siyang inisip kundi ako. Ayiiiieee. Kasi nacucurious daw siya kung sino ako. Bawat sakit daw ng ulo niya e may naaalala siya. Minsan malabo, madalas hindi. Dahil nga sabi ng Doctor, konting taon lang naman ang nalimutan ni Throne, e possibleng maaalala niya 'yun.
Nang malaman ni Throne na hindi pala siya ipapagamot ng Dad niya, hindi daw niya sinabing may naalala siya. At ang pinakahuli daw niyang naalala e nung may naghampas sakaniya sa ulo. Binayaran niya daw ang batang si Zetrix para gawin sa'kin lahat ng naaalala niya. 'Yung pagbigay ni Zetrix ng bulaklak sa'kin, pagdinner sa resto kung saan kami nag first date, at lahat-lahat ng bawat naaalala niya ay pinagawa niya kay Zetrix. Dahil siguro mukhang pera ang batang si Zetrix, chos! Haha. Ay tinanggap niya ang pera at ginawa ang mga 'yon.
Pero naawa ako kay Zetrix at Throne. Dahil sa naalala ni Throne - naalala niyang si Daddy niya ang humampas sakanya. Hindi nga din ako makapaniwalang ang daddy niya ang gumawa nun sakanya. Pero napaka-clear daw ng naalala niya. Kaya pala may mga pulis sa airport kanina kasi pinlano niya lahat ng 'yun para ipadakip si Dad niya. Umamin din ang Dad niyang may kinalaman siya sa pagpakidnap samin ni Yvonne.
"Ang lalim 'ata ng iniisip mo, sweety." Sabi ni Throne habang palabas na kami ng massage parlor.
"Iniisip ko lang ang Dad mo. I'm sorry."
"Don't worry. He deserves it. Mahal ko si Dad pero hindi dapat natin palampasin ang nagawa niyang masama." Humarap siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Ang importante ngayon ay okay na ang lahat."
Kahit biglaan man ang lahat, tama nga si Throne, ang importante ay okay na ang - hindi pa pala. Ako, hindi ako okay.
"Throne." Sambit ko.
"Hmm?"
"Sino pala 'yung kasama mo sa picture na babae? Pinost mo 'yun nung kakaalis ka lang papuntang America."
*ring ring*
"Excuse me, sweety."
Hindi pa nasasagot ni Throne ang tanong ko ay may tumawag sa kanya. Epal ever talaga oh.
"Rosley." Tawag sa'kin. Napatingin kami ni Throne sa likuran ko. I think, mga pulis 'yung kausap ni Throne. Hindi kasi siya lumayo nung sinagot niya ang tawag.
"Oh? Zetrix? Anong ginagawa mo dito?"
Napatingin lang ako kay Throne, kumunot ang noo niya kay Zetrix pero wala siyang sinasabi dahil may kausap pa siya sa phone.
"Uhm... a-ano... wala lang. Hehe." Binigyan ko siya ng weird look.
"Siguro, hihingi ka ng pera kay kuya mo 'no?" Pagbibiro ko.
"NO!" Malakas niyang sigaw kaya nagulat kami ni Throne.
Ibinaba na ni Throne ang phone niya. "Hey bro." At nagfist-bump sila. "Anong kailangan mo dito?"
"Si Ros - este, na ano - napadaan lang. Hehe." Ang weirdo talaga ng batang 'to.
"You wanna ride?" Alok ni Throne.
"No need na kuya. Dala ko ang car ko."
"Ah... sige, mauna na kami ni Ros ah." Hinawakan na ni Throne ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa car.
"Bye, bata!" Sigaw ko.
Ngumiti ang loko. "Bye, Rosley."
Pumasok na kami ni Throne sa sasakyan. Pag-upo ko palang ay nakaramdam na ako ng antok.
"Sleepy?"
"Oo e." Maigsi kong sagot.
"'Yan kasi. Susunduin pa'ko sa airport."
"Hayst. 'Wag ka na ngang maarte -ah! Ahhh!" Kiniliti ako ni Throne. Grrr. "Ahhahahahaha-ahhh! Stop na! Ahhh! Hahaha."
"Hahaha. Kiss mo muna ako."
"Ihhh-hahaha! Ahhh! Ayaw ko nga! Ahh! Haha." Sa tingin ko parang bulate ako na ang likot-likot. Kahinaan ko to e.
Bigla kong hinila ang kwelyo ni Throne at parang nabigla siya ginawa ko. And his lips on mine. 'Yung pagkabigla niya e parang napalitan ng pagkakasabik.
"I miss this." He said and then kissed me back.
"Yeah." I agreed, as our kisses deepens. I hugged him when we got closer and he put his hands on my waist.
"Sht." Tumigil siya sa paghalik. Bumitaw siya sa pagkakayakap at napatingin lang sa'kin.
Parang biglang uminit at sa tingin ko namula ang mga pisngi ko. "Uhm..."
He hugged me and giggle. Wah! So cute. "Haha. I'm sorry. You're just... so damn hot right now." Mahina niyang sabi kaya napatawa ako.
"Cute mo!" And I gave him peck. "Tara na nga!" At tumawa kami. "Saan nga pala tayo pupunta?"
"Ipapakilala lang kita."
"Kanino?"
"Basta." Tapos ay inayos niya na ang pagkaka-upo at pinaandar na ang sasakyan. "Oh!" Tawag niya kaya napaharap ako sakanya pero biglang may tumama sa mukha ko. "Hahahahaha. Sorry!"
Urghhh! Tinapunan pa'ko ng unan. "Nakuha mo pa talagang makipagkulitan! Magdrive ka nalang ng maayos para makapunta tayo ng ligtas sa kung saan man 'yun." Giit kong sabi.
"E, sorry nga! M-malay ko bang m-matatamaan ka t-talaga sa mukha. Hahaha." Natatawa niyang sabi.
"Ha-ha-ha. Ang saya niya." Sarkastiko kong sabi. "Bahala ka na nga. Matutulog nalang ako." Tapos ay niyakap ko ang unan.
"Sleepwell. Medyo malayo pa naman 'yon."
"I labidubs you." Sambit ko at ipinikit ang mga mata ko.
"I labidubidoo you too." Natawa nalang ako sa sinagot niya.
Hindi na'ko naka-imik at tuluyang nakatulog na.
-----
Vote?
Comment?
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Novela Juvenil"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii