Part 36
Rosley's POV
A-ano raw? May nagsabi bang 'stop crying?' May nagsabi bang... 'sweety'? B-bakit naging matigas ang boses ni Jeselle? Ginagaya niya ba si Throne para mapatahan ako? Ulo niya! Uupakan ko parin 'to paglabas ng simbahan.
*pak*
*pak*
*pak*
Pinaghahampas ko siya nung nakalabas na. Nakapikit parin ako para feel na feel ko ang pagbatok kay Jeselle. Sht kasi e! Pinahiya ako? Loko talaga.
"A-aray! Tama na! Bakit mo ba ako pinaghahampas?"
Napamulat ako bigla sa narinig.
"Bes! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya! Akala ko kasi..." Nakita ko si Jeselle na papalapit sa'kin... si Jeselle papunta sa'kin... nagtatakbo papunta sa'kin...
Bigla akong napaharap sa taong pinaghahampas ko. "THRONE?!" Nandito siya?
"Rosley, naman! Bakit mo ba ako pinaghahampas? Sana hinintay mo nalang muna ako sa party ng school. Dun na sana kita pupuntahan pagkatapos ng kasal ni Ate."
"ANO?!" Sabay naming sigaw ni Jeselle.
*pak*
"Aray!" Ungas niya habang hinihimas ang ulo.
"Ikaw! Ang gagita mo kasi! 'Yan! Napapaniwala ka sa chismis ng yaya na 'yun!"
"Sorry na..."
Napabuntong-hininga ako at humarap kay Throne ulit. "I'm so sorry. Akala ko kasi ikaw 'yung ikakasal. N-nasira ko pa ang kasal ng Ate mo pala. Sorry. Hindi ko alam."
Niyakap niya ako. "Diba sabi ko sa'yo ikakasal ang Ate ko? At alam mo namang ikaw lang ang mahal ko e. Ikaw lang ang papakasalan ko. I'm sorry at di kita agad nasabihan na nakarating na ako. Gusto sana kita isurprise pagdating ko sa school, pero ako 'ata ang nasurprise."
Naiyak ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman kasi ang kahihiyang ginawa ko dahil sa bessy kong gagita pero mahal ko. Hay. Nag-away pa tuloy sila.
"I-i'm sorry talaga," Kumalas ako sa yakap. "Namiss kita, alam mo ba 'yun?"
"I miss you too. Syempre alam ko. E, halos tuwing mag-uusap tayo sa text, call o ano pa, e 'yan lagi ang sinasabi mo. Congrats sweety. Graduate kana."
"Hehe. Ikaw din naman ah! Congrats din pala sa'yo."
"So? Gusto mo magpakasal nalang tayo now na? Tutal, nandito na naman tayo sa simbahan." Pagbibiro niya.
Hinampas ko siya ng marahan. "Ikaw talaga! Makakahintay 'yun 'no. Pero gusto mo ba bumalik pa tayo sa school? Tuloy pa ang party dun."
"Uhm... excuse me? Mauna na ako sa school. Hinihintay ako ni Alexis e. Throne, Bes, sorry talaga. Hehe." Nagpeace-sign ang gagita at nagmamadaling umalis na.
"Hmm... mas gusto ko na solo na muna natin, tonight." Sabi niya na may mapang-akit na tono.
Ngayon ko na ibibigay ang lahat-lahat ko sakanya? Char.
---
"Grrr. Ang lamig pala dito."
"Gusto mo yakap?" Tumango naman ako at lumapit siya sa'kin para yakapin ako.
Naka-upo kami ngayon sa isang cliff habang pinagmamasdan ang ganda ng tanawin sa ibaba, ang mga ilaw mula sa lungsod.
"Sana, ganito nalang palagi. Kayakap kita, walang problema," Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga iniisip ko. "Sana, tumigil na ngayon ang oras. Sana, hindi na 'to matapos. Aalagaan kita, at kung balang araw man ay magka-anak tayo. I love you, yesterday, today, tomorrow, and always, peksman, mamatay man."
Hindi ko alam pero habang sinasabi ko 'yun, parang may kung ano na dumudurog sa'kin. Nanghihina ako. Unti-unti akong naluha sa 'di malamang dahilan.
Throne's POV
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Ros ay para akong nalungkot... kinabahan. Siguro, dahil ayaw ko lang isipin ang bukas. Importante ay ang ngayon. Magkasama kami at parang matatapos na ang lahat. Kasabay ng Graduation na 'to ay ang bagong simula.
"Hmm... sana nga, ganito nalang tayo," Pagsang-ayon ko. "At 'wag na 'wag mong kakalimutan na ganun din ako sa'yo. Mahal na mahal kita, peksman." Napaharap ako sakanya habang nakasandal siya sa balikat ko. "Oh? Bakit ka umiiyak?"
"W-wala... masaya lang ako." Nababasag na ang boses nito sa iyak.
"Just treasure this moment. Don't think too much, okay?"
Tumango lang siya bilang sagot. Tinitigan ko siya habang nasa kawalan ang atensyon. Ang lalim ng iniisip niya. Naging tahimik kami ng ilang minuto bago siya magsalita.
"Uwi na tayo. Masyado nang malamig."
Hinubad ko muna ang coat ko at isinuot sakanya. Tumayo ako at inilahad ang kamay ko para abutin niya pero nakayuko lang siya at yakap-yakap ang mga tuhod nito.
"Rosley?"
Hindi siya umimik kaya umupo ulit ako. "Ros, 'wag mo na masyadong isipin ang kung anong gumugulo sa'yo ngayon. Be positive. Kung may problema ka, pwedi no namang sabihin sa'kin--"
Nagulat ako ng biglaang niyakap ako ni Ros kaya niyakap ko siya pabalik. Hay, naku. Pabigla-biglaan talaga 'to. "Ros? Are you okay? Uwi na tayo?" Tanong ko habang ramdam na ramdam ang lakas ng tibok ng puso nito.
"Ros?" Tanong ko ulit pero hindi siya naimik at naramdaman ko ang pagluwag ng yakap nito. "Rosley..." Kumalas ako sa yakap.
"Rosley!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang balikat niya at wala siyang malay. Natataranta ako. Natutulog lang ba 'to? "Niyugyog ko siya at nagbabasakaling magising pero hindi.
Tumayo ako habang bitbit siya sa braso ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa sasakyan ko na nasa baba pa. Mabuti nalang at di ako natapilok kundi, gugulong kami mula sa taas. Pagkababa ay isinakay ko siya agad sa back seat. Ano bang nangyari sakanya?
"Rosley..." Nagsimula na akong magdrive habang gulong-gulo ang isipan ko sa biglaang pangyayari.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii