Part 12
Rosley's POV
"Sino siya?" Tanong ni Throne sabay turo sakin.
Eto 'yung pinakamasakit. 'Yung tanungin ka ng taong kilalang-kilala ka kung sino ka.
A-anong s-sino ako? Anong sino ako?!
Tumulo ang luha ko. Hindi maari. "Ako 'to Throne, si Rosley 'to." Naiiyak kong sagot.
Pero hindi siya naimik. Kumunot lang ang noo niya na parang kinikilala kung sino ako.
"Lumabas kana." Saad ng Daddy niya. "Na amnesia si Throne at mas makakabuting lumayo ka sakanya. Guards! Ilabas niyo ang babaeng 'yan dito."
Napalinga-linga ako nang may humawak sa dalawang braso ko at pinilit akong higitin palabas. Napakapit ako sa kamay ni Throne.
"Throne, kung ginagawa mo lang 'to para lubayan kita, hindi ako titigil."
"I'm sorry. Hindi talaga - "
"Guards! Ilabas niyo na siya." Sigaw ulit ng daddy niya.
Hindi ko hiniwalay ang kamay ko kay Throne. "Throne! Ako 'to! Si Rosley!" Sabi ko habang humahagulgol sa iyak. "Throne, 'wag kang bibitaw. Ako 'to si Rosley. Ang girlfriend mo. Ang babaeng mahal - mahal na mahal ka."
Lumapit ang daddy niya at inihiwalay ang kamay ko kay Throne.
"Throne! Kung hindi mo man talaga ako naalala. Please, alalahanin mo ako Throne. Kung h - hindi man ang isip mo makaalala, gamitin mo ang puso mo Throne. Ang puso mo ang hindi makakalimot." Nauutal kong sabi bago nila ako mailabas dahil nagpupumiglas ako.
Halos hingalin ako sa pagsasalita lalo na't umiiyak ako. Ang sakit-sakit lang na hindi ka maalala ng taong mahal mo. Hindi lang basta mahal, kundi mahal na mahal.
"Ang drama mo!" Sabi ng lalaki at tinulak-tulak pa ako bago bumalik sa loob.
Napadausdos ako habang nakasandal sa pintuan ni Throne. Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko. Kung bakit ba nangyayari 'tong kamalasan sa'kin? Bakit kami pinipilit na ihiwalay ni Throne? Anong kasalanan ko? May mali ba akong nagawa para parusahan nito? Paano kung hindi na niya ako maalala.
"A-aray." Biglang sumikip na naman ulit ang dibdib ko.
"Bes! Nandiyan ka lang pala - " biglang humarurot papunta sakin si Jeselle nang makita ako. "Tara" inalalayan niya ako pabalik sa kabilang kwarto at pumasok kami sa loob.
"Salamat bes." Malumanay kong sagot.
Imbis na magtanong siya ay niyakap niya lang ako. Yakap na nagsasabing 'handa akong makinig'.
"Masaya ako, masaya akong maayos ang kalagayan niya bes, okay lang si Throne. Pero, ang sakit. Nakakalungkot 'yung hindi na niya ko maalala. Nung tanungin niya kung sino ako? Parang gumuho ang mundo ko. Parang tinusok ng ilang sinulid ang puso ko. Hindi ko kaya. Hindi."
Hindi nagsalita si Jeselle. Niyakap niya lang ako habang umiiyak ako.
Sana, sana maramdaman ng puso mo Throne. Sana, maalala niya ako.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii