34

295 7 1
                                    

Part 34

Rosley's POV

Nandito ako ngayon sa isang mini-grocery store. Masama kasi ang pakiramdam ni mama kaya ako nalang ang mamimili ng kinakailangan sa bahay. Kainis nga e. Halos sa bawat sulok ngayong araw e halatang puno ng pagmamahal.

"Goodbye ma'am, come back again." Sabi nung guard nung lumabas ako. Nginitian ko lang siya.

"Miss, excuse me?" Isang magandang babae.

"Yes?"

"Pwedi bang picturan mo kami?" Tinuro niya ang kasamang boyfriend. Gagawin pala ako nitong photographer e.

"Hindi." Matigas kong sagot.

"Ha?"

"Joke. Sige." Ngumiti siya at binigay ang cellphone.

"One... two... three!" And shot. "Here." Binalik ko sa babae ang phone niya.

"Thank you ha."

"Yeah." At nagsimula na akong maglakad. Napadaan din ako sa park. Ang daming tao. Karamihan ay magjowa.

Nakauwi akong nakasimangot. Ene be yen. Magskype nalang ako kay Throne. Mabilis kong inayos ang mga pinabili ko. Pinuntahan ko si mama sa kwarto niya at natutulog siya kaya hindi ko na ginising. Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop na bigay ni Throne.

Nagskype ako. Nagtext muna ako sakanya para malaman niyang naghihintay ako.

*ting*

Inaccept na ni Throne ang call ko. "Throne?"

[Hey sweety!] Biglang lumabas ang imahe ni Throne. Nakasando lang siya at boxer shorts.

"Bakit ganyan ang suot mo? Ang laswa." Napatingin siya sa suot niya.

[Anong malaswa dito? Nasaroom ko lang naman ako.]

"Ewan ko sa'yo."

Tumawa siya. [Happy Valentine's Day! Sorry, wala ako diyan ah.]

"Oo nga e. Ang lungkot ko tuloy."

[Ano gusto mong gawin ko?]

"Uhm... kantahan mo nga ako."

[Sige, sige. Basta, hindi kana malulungkot ah. Malapit naman akong umuwi e. Sa March na.]

"Oo na. Kumanta kana."

Huminga siya ng malalim. Tumikhim siya muna bago magsimula.

[I found myself dreaming, In silver and gold,
Like a scene from a movie, that every broken heart knows,
We were walking on moonlight, and you pulled me close,
Split second and you disappeared, and then I was all alone,]

Grabe, ang ganda pala ng boses niya. Bagay na bagay sakanya 'yug kanta.

[Woke up in tears, with you by my side,
Breath of relief and I realized,
No, we're not promised tomorrow,]

Napaluha ako. Ewan. Ang OA ko pagdating kay Throne.

[So I'm gonna love you,
Like I'm gonna lose you,
I'm gonna hold you,
Like I'm saying goodbye,
Wherever we're standing,
I won't take you for granted,
'Cause we'll never know when,
When we'll run out of time,]

[ So I'm gonna love you,
Like I'm gonna lose you,
I'm gonna love you,
Like I'm gonna lose you.]

Napatigil siya. [Oh? Bakit ka naiyak?]

"Ang p-panget kasi ng b-boses mo e." Syempre, joke lang yun.

[Hay. E malungkot ka parin?] Ang slow naman ne'to.

"Oo."

[Anong gagawin ko sweety?]

"Sumayaw ka."

[Ha?!] 'Yung reaksyon niya e parang gulat na gulat.

"Oo nga. Sumayaw ka. Promise, magiging masaya na ako dun."

[H-ha? A-ayaw ko nga!] Hahaha. Napatawa ako sa isip ko.

"Ayaw mo? Sige!" Sumimangot ako.

Napabuntong-hininga siya. [Sige na nga. Ano bang gusto mong sayawin ko?]

"Uhm... magsexy dance ka."

[H-ha?! No way!] Sumimangot ulit ako. [Tsk!]

"May music dapat uy!"

[Ang demanding mo naman! Wala akong music na kung anong pangsexy dance!]

"Sige na nga! Edi sumayaw ka ng walang music!"

Napahagikhik ako ng konti nung sumayaw siya. Pero nakaupo.

"Hoy! Tumayo ka uy!"

[Bahala ka!]

"Hahaha." Napatawa nalang ako habang nagsexy dance siya na nakaupo. Baliw 'to. Ang hirap kayang sumayaw na nakaupo.

---

Hayst. Hanggang ngayon, iniisip ko parin 'yung nangyari nung sabado. Kahit wala si Throne, okay lang. Atleast nakapag-usap kami. Kumanta siya at sumayaw. Haha. Nandito pala ako sa school. Magmimeeting daw kasi para sa darating na graduation.

"Uy." Tinapik ako ni Jeselle. "Bakit parang nasa cloud nine ka? Anyare?"

Nasaconference hall pala kaming lahat na graduating. "H-ha? Wala naman."

"Anong ginawa sa'yo ni Throne?"

"Wala! Araw-araw naman kaming nag-uusap sa skype."

"Hindi e. Iba 'yan e."

"Ang kulit mo. Makinig ka nalang nga sa sinasabi dun."

"Wow. Nagsalita naman 'yung nakikinig." At binaling na niya ulit ang tingin sa nagsasalita.

"So, as of the first week of March, magstart na tayo ng practice. Medyo early pa ang graduation dahil sa end of March, may seminar ang teachers. Okay, you may now go back to your station."

Okay. Foundation Day pala namin ngayon. May ginawang station ang every sections. Sa'min, nagbebenta kami ng cupcakes. Pinapasok din nila 'yung galing sa ibang school. Ang dami ngang tao e. Parang hindi ako makahinga.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mia. Kaklase ko.

"Ah, oo." Ngumiti lang ako.

*ring ring*

"Teka, sagutin ko lang 'to ah." Pagpapaalam ko kay Mia.

"Hello?"

[Hello, Rosley. Kamusta?]

"Doktora?"

[Tita Mel, Rosley.]

"Ah... Tita Mel, napatawag po kayo?"

[Kamusta ang pakiramdam mo?]

"Hmm... sinunod ko naman po ang payo niyo. Okay naman po." Hindi ko nalang binanggit ang kakaibang nararamdaman ko. Normal lang naman siguro iyon.

Nagbuntong-hininga siya na para bang nakahinga ng maluwag. [Hay. Buti naman.]

"B-bakit po ba?" Kinakabahan kong tanong.

[As of now, ang results nung check-up mo ay hindi pa masyadong clear. I just want to check you out kung okay ka lang naman.]

"Okay naman po. Salamat sa info."

[Sige, ibababa ko na rin 'to. May client pa kasi ako.]

"Sige po, Tita Mel. Salamat ulit."

[Yeah. You're welcome. Kapag may naramdaman kang kakaiba, sabihin mo, okay? Be healthy. Bye.]

And she ended the call.

May kakaiba ba akong nararamdaman?

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon