Part 35
Rosley's POV
Ewan. Parang biglang bumilis ang oras. Siguro dahil naging boring ang mga nagdaang araw na wala si Throne. Nag-uusap parin naman kami sa skype, sa call o text. Sabi niya nung isang araw, this week uuwi siya para maka-abot sa graduation ko. Ewan ko lang kasi hindi ko siya macontact ngayon. Loko 'yun. Siguro pauwi na nga talaga siya.
"Kinakabahan ka ba anak?"
"Bakit naman ako kakabahan? Masaya ako, Ma. Masaya akong matutulungan na kita. Hindi magtatagal at ipapasa na sa akin ni Tito ang company niya. Papalakihin natin 'yun. Pag-aaralan ko ang lahat ng tungkol doon."
"Salamat nga sa Tito mo anak, at ibibigay niya ang company niya. Pero 'yaan mo na, pupunta na 'yun ng England kaya ipapasa niya nalang sa'yo 'yung company. Goodluck sa paghandle mo 'nak."
At isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay mama bago tawagin ang pangalan ko sa itaas at kuhanin ang award ko dahil napabilang pa ako sa mga Cum Laude. Sinigurado ko talagang mataas ang grado ko para hindi na magdadalawang-isip si Tito na ibigay sa'kin ang kumpanya.
"Rosley, pumunta kana sa itaas." Nabalik ako sa diwa nang tinapik ako ng kaklase ko.
"Ah, oo." Mabilis naman akong umakyat kasama ang iba pang cum laude. Sinabitan kami ng tig-iisang medalya. "Grabe! Ang saya ko! Woooooooooooooooh! Yeahhhhhhhhhhhhhh!" Pagsigaw ko. Napatigil nalang ako nang makita ko silang nakatitig sa'kin. "Ah, hehe. Ang saya diba?" At ngumiti nalang 'yung iba. Ang saya ko talaga. Pero walang mas sasaya pa kapag nandito sana si Throne. Kailan ba siya dadating?
---
Maghahapon na at nasa school parin ako. Si mama umuwi na. May farewell party pa kasi kami kaya lubus-lubusin ko na. Pero syempre, may parte sa'kin na nagpa-iwan ako dito dahil hinihintay ko siya. Sabi niya dadating siya sa graduation? E, asan na si Throne -"Wahhhhhh! Bessy!" Napalingon ako kay Jeselle na hingal na hingal. Saan ba nakikarera 'to?
"Oh? Anyare sa'yo? Saan ka galing? E, ang fresh mo pa kanina tapos ngayon... ganyan... kana... don't... don't tell me ginahasa ka? OMG! Wahhhhh! Kawawa naman ang gumahasa sa'yo -"
*pak*
"Aray! Bakit ba!?"
"Ang OA mo ha? Sa rapist kapa talaga naawa? At pwedi ba, gamitin mo rin 'yang utak mo? Dun ka sa damit ko maawa! Galing pa naman 'to sa London, tapos ipapagahasa lang? Hindi pwedi. Dapat hubarin muna bago gahasa." Mahabang paliwanag ni bessy.
"Ay, oo nga 'no?" Pagsang-ayon ko. "Pero ginahasa kaba talaga?"
"Syempre hindi! Kaya nga binatukan kita kasi nabobo ka na naman. Cum Laude pala ha. Anyway, congrats. Pero sad to say... may bad news."
Napakunot ako ng noo. "Thanks. And, kanino mo naman nakuha 'yang bad news mo?"
"Sinabi sa'kin ng kaibigan kong yaya. Nag-usap kami kasi sa phone at binati ako. Alam mo namang marami 'yung alam kina Throne kasi dun siya nagtatrabaho."
"Ha? So, tungkol pala kay Throne 'yung balita mo?" Gulat kong reaksyon. "Bakit? Nawala na naman ba 'yung ala-ala niya?" Umiling ito. "E, may papakasalan na naman ba siya?"
"Ah... eh..."
"Ano ba?" Kainis. Pabitin pa e.
"E, 'yun ang hindi ko alam. Ang alam ko lang e nasa simbahan siya ngayon."
"Ha? E baka naman may libing? O kaya binyag? E, baka nagfirst communion lang? Pwedi namang nagkumpisal."
"Hindi! Ano kaba Ros! Sabi sa'kin e may kasal na magaganap. Right now is nasa simbahan na sila. Sa Madrigal Church. Bilisan mo Ros. Pigilan mo ang kasal!"
"Alam mo, ako lang naman ang gusto ni Throne pakasalan kaya siguradong hindi 'yun papayag." Pagtanggi ko. Kinakabahan ako na ewan.
"Bes, narinig mo ba 'ko? Nagaganap na ang kasalan, now! As in now na! Kaya we better hurry!"
"We?"
"Oo, we! Sasamahan kita, kaya bilisan na natin bago mahuli ang lahat!"
Hindi ko alam ang nangyayari. Naging blanko ang utak ko at tumatakbo nalang habang hatak-hatak ni Jeselle. Pa'nong ikakasal na si Throne sa iba? Pinangako na namin sa isa't isa noon na walang sekreto. Syempre maliban sa sekreto ko na nagpapacheck-up ako. Pero sigurado ako, na ako lang ang mahal niya. Wow ha, gabi pa talaga ang kasal.
'Di ko namalayan na bumaba na pala kami sa taxi at diri-diretso lang sa simbahan. Rinig na rinig ko na ang seremonya. Totoo ba? Pumayag ba talaga si Throne? Pero bakit?
"Bes! Nandito na tayo! Pumasok kana! Pigilan mo ang kasal! Magkikiss na sila! Magtatapos na ang seremonya! Ahhhhh!"
Bakit ang lakas ng sigaw ni Jeselle? Bakit parang siya pa ang naaapektuhan? Bakit ayaw na ayaw niya matuloy ang kasalan? May relasyon ba sila ni Throne? Char. Ofcourse, not.
"ITIGIL ANG KASAL!" Biglaan kong sigaw sa gitna ng pintuan ng simbahan. Pero pumasok ako ng tumigil ang lahat. Nadala siguro ako kay Jeselle kaya medyo naiyak ako.
"B-bakit mo nagawang magpakasal?" Pagsasalita ko habang naglalakad papunta sa kay Throne at sa babae. "Akala ko... akala ko mahal mo talaga ako? Bakit mo 'to nagawaaaaaa?!"
Nakita kong humarap ang babae sa nakatagilid na si Throne. Sinampal niya ito ng malakas kaya mas binilisan ko pa ang paglapit sa kanila.
"Walang'ya ka! May babae ka pala! Pagkatapos ng ilang taon nating relasyon, may babae ka? Nakuha mo pang magpakasal sa'kin? Masunog ka sana dito sa loob ng simbahan!" Sigaw nung babae habang pinaghahampas si Throne. Bakit pamilyar ang mukha nung babae?
"Ano ba?" Naging tahimik ang lahat nung sumigaw ang lalaki. At sa wakas! Nakalapit na ako. "Hindi ko kilala ang babaeng maninira na iyan!"
Nagulat ako sa sigaw niya. Pero mas nagulat ako... mas nagulat ako ng humarap siya sa'kin. Nakakatakot. Nakakahiya. S-sino sila? K-kaninong kasal 'to? Sabi ni Jeselle si Throne ang ikakasal. Leche 'yun! Asan na ba ang babaeng 'yun at ibibitay ko siya patiwarik? Wahhhhhh! Nakakahiya! Nagmukha pa akong kontrabida at kabit.
"Ma'am! Sir! Sorry po talaga! Wala po talaga kaming relasyon ng lalaking 'yan! Hindi ko siya kilala! Namali lang ako. Akala ko kasi..."
"Guards! Ilabas niyo 'yan! She ruined our wedding! She's a liar!" Sigaw nung lalaki.
"A-aray! Bitawan niyo ako! Aray!" Urghhhhhhhh! Gusto kong sumabog sa kahihiyan! Humanda ka Jeselle! Mauupakan talaga kita!
"Enough." Malamig na boses ang narinig ko sabay ng pagkalas ng pagkakahawak nung mga guards sa akin. Pero hindi umaandar ngayon ang utak ko.
Wala na akong lakas. Nahihiya na ako sa lahat ng tao at kay padre. Napatakip nalang ako ng mukha at humagulgol sa iyak. Bakit ba kasi palpak na naman ang babaeng 'yun? Please, can anybody answer me?
Biglang may humawak sa balikat ko at inakbayan. 'Yung akbay na nagpapatahan. Hindi ko na tinignan kung sino. Malamang si Jeselle 'to kasi kasalanan niya ang lahat. Uupakan ko talaga 'yun! Basta ang alam ko ay may kasama ako habang palabas ng simbahan.
"Stop crying, sweety."
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii