40

743 9 2
                                    

Last Chapter

5 years later...

Move on. Easy to say, but hard to do.

Ang hirap pala gawin ng isang bagay na alam mong hindi mo kayang gawin at pilit lang ang lahat. Lalo na't grabe ang hugot nito sayo.

"I miss you." Sabi ko sabay tapon ng bote sa dagat.

Hindi ko alam pero napaluha nalang ako. Simula kasi nung bata ako, hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng 'to. 'Yung halos hindi kana makahinga habang nakikita mo ang taong mahal mo na nag-aagaw buhay. Naalala ko na naman ang nangyari kay Ros noon. Bakit hindi ba ako makaget-over dun?

Tumayo na ako at pinagpag ang buhangin sa shorts ko.

"Maka-uwi na nga." Aniya ko sa sarili.

"Nandito ka lang pala." Napatigil ako nang makita si Ros na nakatayo. "Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo? Tsaka anong pinagsasabi mo na I miss you? Aba't sino 'yan ha?"

Nabalik ako sa diwa. "Nandito ka na pala," ngumiti ako. "Syempre na miss kita! Lalo na 'to," yumuko ako at hinimas-himas ang binubuntis ni Ros na baby boy namin. Ipapanganak na siya next month.

"Ah-huh? E, parang kanina lang kami ng umaga umalis para magpacheck up e! At ano 'yung boteng tinapon mo?" Sabi niya.

"Kaya nga! Kanina pa kayo umalis ng umaga tapos hapon na wala pa kayo!"

"Heh! Oh, ano nga 'yung bote na 'yun?"

"Ah, marriage contract natin." Ngumisi ako.

"ANO?!"

"Joka lang! Ikaw naman! 'Yung message natin 'yun para sa isa't isa nung bago tayo ikasal." Sagot ko.

"Bakit mo tinapon?" Ang dami namang tanong nito.

"Wala lang! Para kunyare dramatic - I mean romantic! Ginagaya ko lang 'yung scenes sa movie." Wala na akong madahilan!

"Ay? Ang OA mo lang ha." Napangiwi pa siya.

"Grabe ka naman!"

"Tara na nga!" Sabi niya at hinila ako.

"Uy! Hinay-hinay lang! Baka ma pa'no si baby!"

"Ang OA mo na naman." 'Yan nalang lagi niyang sinasabi simula nung mabuntis siya at ako ang nag-aalaga sakanya. E, nag-aalala lang ako! Paano kung madapa siya at maipit si baby? Hayst.

Nakapagpatayo kami ng isang beach resort matapos kong bayaran ang mga doctors noon. Parang gumuho ang mundo ko nung sinabi nung isang doctor ang time of death ni Ros. Pero siguro matibay lang talaga ang kapit niya at sa awa ng Diyos, nabuhay siya. Para ngang nagkaroon ng milagro. At hindi nga ako halos makamove on sa nangyaring 'yun.

Dito na din pala kami nagpatayo ng bahay malapit sa resort. 'Yun ang gusto ni misis e. Wala naman akong magagawa dun. 4 years after nung naging normal na talaga ang health ni Ros at nagpakasal kami. Masasabi ko ngang iyon ang best day ever ko. Wew. Ang baduy pakinggan pero totoo 'yun.

"Tutunganga ka nalang diyan?"

"Oh, 'eto na nga oh. 'Wag ka ngang magpakastress. Naaapektuhan si baby!"

"Haha! What an over acting husband!" At tumawa lang siya ng tumawa.

"Heh! I love na nga sayo at kay baby!"

"I love you too galing kay mommy at baby!"

END

***

Tinry ko ang best ko gumawa ng happy ending pero hindi 'ata masyado ganun kaganda. Haha. Buti na nga lang at hindi napunta sa tragic 'to e.

PERO THANK YOU SA LAHAT NG BUMASA NITO! FOR THE READERS OUT THERE! SALAMAT NG MARAMI! HAHA. (Kung meron man)

PS. Add niyo lang ako sa FB kung gusto niyo akong maka-usap at makipagchikahan. Hahahahahahahaha. Lol.

NOTE: This story is just for my fun. Kasi nga hindi edited at pagsulat ko palang nito ay WALANG PLOT. I posted this first on FB wattpad group kaya KONTI lang every chapters. Kasi sa comment ko nilalagay 'yung updates.

So, I am writing a story right now. Siniseryoso ko na talaga. Haha. I have plots and plans for every story. And I wish I could make a unique one so that readers will be intrigue to the story. SOOOOOOO I'LL BE POSTING IT SOON!

Expect that hindi 'yun tulad ng pagsulat ko nito. Kasi cliche na 'to and nothing so serious. Hindi edited. I have grammatical errors here and more.

PLUG PLUG PLUG!

The Love Expert

Intro: NBSB. Pero kung makaadvice, kala mo nagmahal, nasaktan, humugot.

AYAN! SOON!

AYAN! TAPOS NA PO! *bow*

THANK YOU TO ALL! Muahhhhhhhhhhhh!

©LikeAShe
05-03-16 (M/D/Y) 12:01am (Puyat pa more. Eyebags pa more.)

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon