Part 28
Rosley's POV
Hinanap ko si Throne buong maghapon. Pagod na pagod na akong maghanap. Pagmamahal ko lang siguro sakanya ang hindi. Char.
Halos nilibot ko ang buong campus pero leche lang, saan ba ang mokong na Throne na 'yun? Hindi kasi kami classmate sa last subject kaya ayan tuloy. Pero lagi niya naman akong sinusundo pagkatapos ng klase niya.
"Hey."
"Anak ng takte!" Napasigaw ako sa gulat. Halos mawalan ako ng hangin.
"Sorry. Nagulat ba kita?"
"Grabe ha." 'Yan lang ang nasabi ko dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba kasi ngayon, lagi nalang ako nagugulat.
"I'm sorry. Tatanungin lang sana kita kung asan si Kuya."
"Hay, Zetrix. Ewan ko diyan sa kuya mo kung saan mang lupalop 'yun. Kanina ko pa 'yun hinahanap, hindi ko makita. Tsaka, diba kapatid ka? Kaya dapat alam mo kung asan siya."
"Hay, Rosley. Diba girlfriend ka?"
"Loko!" Sabi ko sabay hampas.
"Si - si kuya 'yun ah." Turo ni Zetrix sa bandang dulo ng hallway.
Si - b-bakit... bakit may kahalikan siya?
"Tara na Zetrix." Hinawakan ko si Zetrix sa braso at kinaladkad. Buset ka Throne! Akala mo hindi kita nakita? Humanda ka! Sht. Sht. Sht. Paker.
Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko. Bakit ganun? Ano ba...
"Rosley, I'm sorry. Gusto sana kitang samahan ngayon kaso may pupuntahan pa'ko." Sabi ni Zetrix.
"Ah ganun ba?" Tumango siya. "Sige, mauna nalang akong umuwi. Mag-ingat ka bata."
"Ikaw din." Ngumiti lang siya at umalis na. Loko 'yun. Baka kung saan-saan pa 'yun maglakwatsa.
"Rosley." Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Inirapan ko lang si Throne at diri-diretsong tumawid ng daan -
*beep beep*
Biglang akong napatigil. "Ahhhhhhh!" Sigaw ko ng may truck na humaharurot.
*bugsh*
"Aw." Napa-ungol ako sa pagkatilapon ko sa gilid ng daan. Pero hindi ako nasaktan. 'Yung braso ko lang siguro na nakatukod.
"ARE YOU OKAY?!" Nag-aalala niyang sabi. Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko mula sa likuran. Nakahilata kami sa daan.
"Oh my. I - I'm so sorry Throne." Napa-iyak ako. Buti nalang at naligtas ako ni Throne.
"Wala bang masakit sa'yo?" Dugtong niya pa.
"W-wala. I'm so sorry." Naiiyak kong sabi at dahan-dahan kaming tumayo. 'Yung truck e, wala na. Alam kong nasaktan si Throne dahil siya ang nakayakap sakin.
"It's okay. Don't cry." Pagpapatahan niya sa'kin dahil todo iyak ako.
"B-bakit ba k-kasi may k-kahalikan ka dun sa h-hallway?"
"I'm sorry. Okay, I'm jealous. I mean, I'm very very very jealous. I do fckng sht things everytime I get jealous. Nung nakita ko kayo ni Zetrix? I'm so doomed. Ewan ko pero parang gusto ko manuntok. Pero babae ang dumaan, after I kissed her? I feel sorry for her because I almost slapped her face. Siguro kung lalaki 'yung dumaan sa hallway, baka naupakan ko na 'yun. I'm so, sorry. Sorry because I'm acting so childish like this. I'm just so... so damn jealous."
Napanganga ako sa paliwanag ni Throne. Ganito pala siya magselos? Nakakatakot. First time lang 'to kasi nangyari. Wala naman akong kaclose na mga lalaki dahil natatakot sila kay Throne. Pero si Zetrix lang ang nakakalapit kasi kapatid naman siya ni Throne.
"You don't have to be jealous. Nagkataon lang na nagkita kami ni Zetrix at pareho kaming hinahanap ka. Pero... pero galit parin ako sa'yo kasi may hinalikan kang iba bukod sa'kin." Sorry, pakipot po ako e.
"I know. And I'll do everything para mapatawad mo 'ko."
Ngumiti ako. "Okay. Pero ngayon, gusto kong umuwi mag-isa."
"Pero -"
"Shhh. It's okay. May dadaanan lang kasi ako."
"Pwedi naman kitang sama -"
"Gusto ko ngang ako lang e." Tsk. Bibili kasi ako ng tampon. Bakit ba kasi ngayon pa'ko nagkaperiod. Ayaw kong isama 'tong mokong na 'to. Baka asarin lang ako. Nahihiya din po ako.
"Okay. Please, mag-ingat ka. I labidubs you." Natawa ako sa isip ko. Ginaya niya 'yung line ko.
"Ewan ko sa'yo." Pabebe, pakipot po ako ngayon. Mainit lang ulo kasi may period. Haha.
"Ay grabe, sa iba ko na nga lang 'yan sasabihin." Aba! Tampururot ang loko.
"Oo na! I labidubidubs you too." Nakita kong ngumiti siya bago ako tumalikod at naglakad ng mabilis.
Dun ako sa store na malapit sa bahay dumiretso. Bumili na ako ng kailangan ko bilhin. Mga dalawang kanto nalang at nasa bahay na ako ng may humarang na lalaking amoy alak sa harapan ko at biglang natumba. Grabe, ang bigat niya. Buti nalang at nakaya ko pa siyang alalayan -
"ZETRIX?" Gulat kong reaksyon ng makita ko ang mukha niya. "Asan ka nanggaling? Bakit ka lasing?"
Hindi siya sumagot at may tinuro. Sinundan ko kung saan siya nakaturo at patungo ito sa isang mini bar. Tsk.
Lokong bata 'to oh!
"Uy! Uy!" Niyugyog ko siya ng bahagya pero sobrang lasing niya. Inalalayan ko nalang siya hanggang makariting ng bahay.
*tok tok tok*
"Ma! Ma! Pakibukas po!" Sigaw ko mula sa labas.
"Oh, nak," Napatingin si mama sa kasama ko. "Jusko! Anong nangyari diyan kay Zetrix?"
"Lasing po ma e."
"Hay naku. Iakyat mo nalang 'yan sa bakanteng kwarto. Kakain ka pa ba?"
"Hindi na po ma. Busog naman po ako. Akyat ko nalang 'to."
Umakyat na'ko sa itaas. Grabe, ang bigat ng isang 'to. Ipinasok ko nalang siya sa bakanteng kwarto. Nakapolo pa 'tong batang 'to. Punong-puno na siya ng pawis.
Jusko. Patawarin niyo po ako sa ginagawa ko ngayon. Hindi ko naman po hahalayin 'tong batang 'to e. Huhubarin ko lang ang polo niya. May sando naman siya sa loob.
Napabuntong hininga nalang ako ng matanggal ko ang polo niya. Grabe, parang may ginawa akong kababalaghan ng lumabas ako ng kwarto. Pati ako pinagpawisan.
"Oh, anak? Bakit pawis na pawis ka? Bumalik kana sa kwarto mo at magbihis. Ako na ang bahala sa batang 'yun." Si mama na may hawak na bimpo at tubig sa maliit na palanggana.
"A-ah... ang hot kasi ma. Super hot. Ge. Punta na 'ko sa kwarto." Aniya ko.
Nagbihis napang ako at bumagsak ang pagod kong katawan sa kama. Grabe, antok na antok na 'ko. Sasabihan ko pa sanang nandito si Zetrix sa bahay kaso parang nadikit ako sa kama. Hindi ko na kayang tumayo.
Kayo nalang magtext kay Throne, ito pala number niya,
090723 - ay, sorry. Hindi ko na kayang tapusin. Antok na'ko.
Ge, pikit ko na mga mata ko.
-----
Vote-If you like
Comment-for reactions or suggestions
Follow me-I'll follow back:)
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii