Part 37
Throne's POV
Nanginginig ako habang hawak-hawak ang cellphone ko upang tawagan si Tita Ley. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari. Dinala si Ros sa ER agad at pinaiwan ako dito sa bench.
[Hello? Napatawag ka Throne?]
"Tita Ley... si Ros..."
[Si Ros? Anong nangyari kay Ros?]
"Nahimatay po siya. Hindi ko pa alam kung bakit. Biglaan p-po ang l-lahat. Nandito kami sa San Jose Hospital. I'm so sorry."
[Sige, sige. Pupunta ako agad diyan. Walang kang kasalanan Throne, okay? Sige na.] Pagkatapos ay naputol na ang linya.
"Uhm... excuse me? Kakilala kaba ng pasyente?" Napatayo ako bigla nung lumabas ang isang doktor galing sa ER.
"O-opo. Kamusta po siya?"
"Actually, she's okay now," Nakahinga ako ng maluwag. "But she's still in the examination of her heart. As of now, we'll wait for the result. Nanghihina ang puso niya. Baka mamaya darating din ang result. Sa ngayon, ililipat na muna natin siya ng room na kukuhanin niyo."
Tumango nalang ako. May sakit ba si Ros? Bakit hindi niya manlang nabanggit? Siguro si Tita Ley ang makakasagot sa tanong ko.
Kumuha ako ng room para kay Ros. Bumili ako ng pagkain at pinabantayan na muna siya sa nurse. Bumalik din naman kaagad ako at ako na ang nagbantay sakanya habang hinihintay siyang magising at dumating si Tita Ley.
"Ros..." Hinaplos ko ang buhok niya. "Bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito? Hindi mo rin ba alam?" Parang baliw na ako na kinakausap ang tulog. Inilapit ko ang isang upuan sa gilid ng kama at tinitigan lang si Ros buong magdamag. Tinignan ko rin ang oras. Alas-dose na rin pala ng gabi. Nakakaantok...
---
"Throne?" Nakaramdam ako ng pagyugyog sa balikat. Naka-idlip pala ako.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko. "Tita Ley? Sorry. Nakatulog ako at hindi ko na text pala ang room number."
"Okay lang 'yun," Napatingin siya sa anak na halata ang pag-aalala. "Kamusta siya?"
"'Yun nga po, okay naman daw siya at siguro kinabukasan dadating din ang result. Ang hindi ko lang po maintindihan e nanghihina daw ang puso niya. Gusto ko po sanang malaman kung may alam kayo tungkol dun." Diretsahan kong pagsasabi.
"Oo," Nalungkot ang mukha nito. "'Nung na hospital kayo ni Ros dahil nakidnapped kayo. Dun namin nalaman na may sakit sa puso si Ros. Binigyan naman siya ng gamot na parang pain killer sa tuwing sasakit ang dibdib niya. Pero tinawagan ako kamakailan lang ng doc niya. Ang sabi, nagpacheck-up daw si Ros at ayaw ipaalam sa'kin. Kaya hindi ko nalang 'yun ibinanggit. Ang sabi naman ni Dra. Reyes, 'yung doktora niya e, may problema. Pero hindi pa masyadong klaro at babalitaan nalang ako kung ano ang result sa pagpapacheck-up nito."
Mas gumulo pa ang isipan ko ngayon. Paano nalang kapag lumala 'yung sakit niya? Ah, hindi. Hindi 'yun mangyayari. Malakas si Ros. Napatingin nalang ako sakanya nang gumalaw siya at unti-unting minulat ang mga mata.
"Throne..." Nakita nito ang ina. "Ma... anong nangyari?" Sinubukan pa nitong tumayo pero agad kong pinigilan.
"Magpahinga ka muna. Nahimatay ka Ros."
"Anak," Umupo ito katabi ng anak sa kama. "Bakit hindi mo sinabi na may kakaiba ka na palang nararamdaman?" Nagulat si Ros sa sinabi ng ina. "Anak kita, kaya alam ko ang lahat."
"Ma... ayaw ko lang kayo mag-alala. Wala lang naman 'to e."
"Anong wala? E nahimatay ka na nga. Matulog kana ulit. 2am palang. Kinabukasan darating na ang result." Hinaplos niya ang buhok ni Ros.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii