Part 15
Rosley's POV
Bilis............ bilis............ bilis............
Kahit hingal na hingal na'ko sa kakatakbo, sige, go lang ng go. Leche kasi. Bakit na traffic pa? Gusto ko na talagang umiyak sa kamalasan ko.
<FLASHBACK>
[Bes.]
"'Wag kang mambitin. Tinatakot mo 'ko e." Sabi ko kay Jeselle. Titigil-tigil pa e. Bitin much.
[Bes, please 'wag kang mabibigla. Relax.]
"Oo nga, ano ba 'yun?"
[Si Throne. Nasa airport na daw sila ng Daddy niya sabi ng yaya nila na kaibigan ko.]
"WHAT?"
[Sabi nang 'wag kang mabibigla e.]
"Ow. What?" Pabulong kong sabi.
[Baliw ka talaga. BILISAN MO! BAKA DI MO NA SILA MAABUTAN!]
"Aye, aye. Thanks bes."
Kaya ayun, tumakbo ako ng mabilis palabas ng school. Dahil nga may guard sa gate, kahit ano gagawin ko kaya inakyat ko 'yung pader sa likod ng school. Muntik pa'ko mahuli. Tapos ay sumakay na'ko ng taxi at umabot sa highway. Pero tng*na lang. Traffic pa.
"Manong, matagal pa ba?"
"Aba malay ko Miss. Tanong mo sa traffic enforcer."
"Sungit mo manong ha. Sige, baba nalang ako." Bubuksan ko na sana 'yung pinto pero biglang nagsalita si manong driver.
"Miss." Tawag niya.
"Hold-up na ba 'to?"
"Mukha ba kong holdaper?" Giit niyang tanong.
"Ay, opo." Binuksan ko ang pinto at lumabas.
"Hoy! Bayad mo Miss!" Narinig kong sigaw niya. "Bumayad ka miss! Lugi ako nito! Miss! Bayad mo!"
<END OF FLASHBACK>
Hayst. Kaya ngayon, takbo lang ako ng takbo. Bakit ba kasi naiwan ko 'yung wallet ko sa cafeteria? Sana makita ni Bryle - teka, si Bryle! Hindi manlang ako nakapagpaalam sakanya. Humarurot na kasi ako paalis. Bahala siya.
Buti nalang at malapit lang 'yung airport sa binabaan ko. Salamat at nandito na'ko. Agad namang hinanap ng mga mata ko 'siya'.
Throne... asan kana... kahit... bye... hindi ko na ba magagawa?
"Rosley."
Sa pagtawag niya pa lang ng pangalan ko, halos tumalon na ang puso ko. Ang lakas ng tibok. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Throne." Sambit ko ng lumingon sakanya. Agad ko siyang niyakap. "Bakit ka aalis? Bakit ka aalis nang hindi mo man lang ako maalala?" Naiiyak kong sabi. "Dito ka lang Throne."
"Babalik din ako." Nakangiti niyang sabi. "Magpapagamot daw ako sabi ni Dad. Gusto kitang maalala Rosley. Dahil - dahil may kakaiba akong nararamdaman sa'yo. Gusto kitang maalala."
"Kung 'yan ang dahilan sa pag-alis mo, ang maalala ako, hindi kita pipigilan. Sana, sana sa pagbalik mo maalala mo ako."
"Sana -" hindi pa siya tapos magsalita ay - sige, sige. Ako na ang humalik sa pisngi niya. Hindi ko kaya. Namiss ko siya at mas mamimiss.
"I love you." Sabi ko ng humiwalay sakanya. Tumango ako at matipid na ngumiti. "Bye?" Bye lang. Kasi kahit kailan, wala talagang good sa goodbye.
"Bye, Rosley. I hope to remember you, again."
At tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagtalikod niya. Hinihintay pala siya ng dad niya.
Umaasa ako, umaasa akong babalikan mo ako Throne. PLEASE.
-----
VOTE? COMMENT? 0___0
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii