Part 33
Rosley's POV
"Merry Christmas!" Sabay naming sigaw ni mama nang sumaktong alas-dose na.
Lumapit ako kay mama at yumakap sabay halik sa pisngi nito. "I love you, Ma. Mahal na mahal kita. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo." Bulong ko sakanya.
"Ikaw din anak. Mahal ka ni Mama. Gagawin ko ang lahat para sa'yo."
Kumalas ako sa pagkakayakap at inabot kay mama ang kanina ko pa kinukuyom sa aking mga palad. "Oh."
"Ano 'to nak?"
"Syempre regalo, Ma!"
Ngumiti lang siya. "Ikaw talaga! Gumastos kapa!"
"Okay lang 'yun, Ma!"
Binuksan niya na ang maliit na box. Namangha siya sa nakitang kumikinang na kwintas. 1 year kong pinag-ipunan 'yan 'no. Hugis star ito na pure silver with diamonds na nakapalibot dito. Tapos may letter 'S' sa gitna na nababagay sa pangalan niyang Starley.
Nagulat ako nang magtama ang mga mata namin ni mama. Naluluha siya. "Ano, Ma? Hindi mo ba nagustuhan? Pangit ba? Gusto mo ba palitan natin?"
Umiling ito. "Hindi, anak. Ang saya ko lang. Ang saya-saya na nagkaroon ako ng anak na napakabait, maaalahanin, mapagmahal at masipag kahit na baliw."
Napatawa ako. "Ano ba 'yan! Pupuriin ako tapos dudugungan pa ng iba sa huli. Edi wow, ha."
"E, anak. Wala akong regalo sa'yo, pero may sasabihin ako sa'yo. Tungkol kay Throne..."
Naalala ko bigla si Throne. Bwist 'yon. Kay Mama niya lang sinabi kung saan siya pumunta at bakit hindi nagpaparamdam sa'kin.
"Nasaan ba siya, Ma? Bakit hindi manlang siya natext?"
"Nasa..."
"Nasa?"
"Nasa ano..."
"Nasa ano?"
"Nasa ano kasi..."
"Ano ba, Ma! Sasabihin mo ba o hindi?" Naiinip kong sabi. Pabitin kasi.
"Nasa Rome siya anak. Pinuntahan niya lang ang Ate niya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi siya natext sa'yo."
"Ha? Nasa Rome si Throne? Ano? May Ate si Throne?" Hindi ko naman alam na may Ate siya. Ang alam ko lang si Zetrix na kapatid niya.
"Oo nak. Ayaw niya lang ipasabi sa'yo kasi, baka raw hindi mo siya papayagan. Aabutin pa kasi siya dun ng dalawa o tatlong buwan."
"Ano?!" Gulat kong sigaw. "Bakit ang tagal? Paano na ang school niya? Ano 'yun? Absent?"
"Hindi. Kinausap niya na daw ang principal niyo. Matagal na raw na nag-advance si Throne ng klase. Lagi siyang ginagabi para lang matapos na agad 'yung lesson at makapag-take na ng exam. Actually, pumasa na siya at baka hindi na siya umattend ng graduation niyo. Siguro sa graduation niyo pa din siya uuwi. Para makaabot daw sa'yo."
Aww. Ang sweet naman ng bebe ko. "Ah ganun ba." Bigla na naman akong nalungkot. Namiss ko kasi siya.
*Ding Dong*
"May bisita ka ba, Ma?"
"Wala naman, anak. May makiki-noche buena pa siguro. Teka."
Lumabas si Mama. Sinundan ko naman siya at nakitang may kausap sa harap ng gate. Pagbalik ni Mama ay may bitbit na siyang malaking box. Pinuntahan ko siya at tinulungan ipasok ito.
"Ma, kanino ba galing 'to?"
"Tignan mo anak."
Inilibot ko ang tingin dito. Isa itong balik-bayan box. From Rome!
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii