10

444 18 1
                                    

Part 10

Throne's POV

Bakit parang ang bilis lang? Sa isang iglap, nandito na kami ni Rosley sa sitwasyong ito. Parang nakaraang dalawang buwan lang ay sinagot ako ni Rosley at naging kami. Kasabay nun ang pagpapakilala sakin kay Yvonne na pansamantalang itinago ko kay Ros.

Parang namulat ako sa lahat. Ngayon na nasa ganito kaming sitwasyon, hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Hindi ko akalaing ganito pala kasama si Yvonne. Babae siya, kaya hindi ko maisip na kaya niya 'tong gawin.

*tsik*

Sa wakas! Naputol na ang tali!

Itinaas ko ng kaunti ang dalawa kong paa na may tali din upang maabot ko mula likuran. Nakapikit parin ako habang hinuhubad ang tali sa paa ko. Tng*na. Ang hirap.

Napamulat ako ng kaunti at tinignan si Ros. Napakadami na ng sugat ni Rosley lalo na sa mukha.

"W - wala kang k-kasing sama Yvonne." Nanghihinang sabi ni Ros.

"Ang daldal mo. Siguro oras na para patahimikin - oh wait!" Bigla siyang bumulong sa isang kasamahan niya. Tumango ito at lumabas.

Maya-maya pa'y bumalik na ang lalaki at may dalang bote - bote ng alak?

Binuksan ito ni Yvonee at bahagyang ibinuhos sa kay Rosley. "'Yan Rosley, magsawa ka. Mukhang uhaw na uhaw kana kasi e. Sige, free na 'yang alak for you. Hahaha." Natatawa niyang sabi habang si Ros ay iniinda ang sakit at hapdi.

Hindi pwedi. Masyado na siyang nasasaktan. Mas binilisan ko pa ang paghuhubad ng tali. Eto na! Nahubad ko na -

"Si Throne gising na - " bago pa matapos ng lalaki ang sasabihin ay mabilis akong tumayo at bumwelo tapos ay sinuntok siya. Napatingin sakin ang iba at naalarma. Mabilis silang tumakbo sakin at nasuntok ako ng isa kaya natumba ako. Pero tumayo din ako ulit at malakas na ipinagsusuntok hanggang sa natumba siya.

Pinagsusuntok nila ako, pero hindi ako susuko. Sa tuwing naiisip ko kung pa'no ako ipaglaban ni Ros ay nakakakuha ako ng lakas. Kailangan mailigtas ko siya. Kahit anong mangyari.

Nakita ko na nagulat si Yvonne dahil napatumba ko ang tauhan niya. Dumukot siya ng baril pero lumapit siya kay Ros at itinutok ang baril palipat-lipat sa'min ni Ros.

"Nababaliw kana Yvonne!" Sigaw ko. "Tumigil kana." Mahinahon kong sabi.

"No, I'm not Throne. I know what I'm doing."

"You're being too selfish. Enough Yvonne, please."

"Then - then come back to me Throne. Marry me."

Hindi ako naimik at tumakbo papalapit sakaniya. Pinilit kong agawin ang baril.

Rosley's POV

Natatakot ako. Nag-aagawan ngayon ng baril si Throne at Yvonne. Sana, sana makaligtas kami. Sana maging maayos ang lahat.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakatutok na pala ang baril sakin sa pag-aagawan nila. Bago pa man maiba ni Ros ang direksyon ng baril -

*Boom*

*Tugsh*

*Boom boom*

"Throne." Sambit ko at napaluha. Tatlong putok ang sunod-sunod na huli kong narinig.

-----
(A/N: Please spread this story :D

Yipee! Thanks! For dedication, message me. Be a fan :)

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon