Part 24
Rosley's POV
Mag-iisang buwan na nung nagsimula si Zetrix na ihatid sundo ako sa bahay papunta ng school. Pagkagising ko, nasa salas na siya naghihintay. Pagkatapos ng klase ko, nasa labas siya ng classroom naghihintay. Pagkatapos, lagi kaming nagdidinner magkasama. Tinuturuan ako ng mga assignments. Parang - si Throne lang. Tinatanong ko si Zetrix kung kamusta na si kuya niya pero lagi niyang iniiba ang topic.
Hay. Tumigil ka Rosley. Mas lalo mo siyang mamimiss kapag inisip mo siya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah." I snap back nung magsalita si Zetrix.
Nandito pala kami sa bahay ni Zetrix. OH MY. Oo, nandito ako sa bahay nila. Laking gulat ko nga nang makapasok ako sa mansion nila kasi walang tao. As in, WALA. Tinanong ko nga si Zetrix kung bakit, ang sagot niya e pinabakasyon niya daw lahat ng yaya para ma-solo niya daw 'yung bahay nila. Loko talaga 'to.
Birthday nga pala ngayon ni Zetrix. Invited daw ako sa birthday niya kaya sumama ako. Pero, kabaliwan lang ng batang 'to ha. KABALIWAN NIYA LANG TALAGA, kasi akala ko may party dahil inimbita niya ako, pero pagdating namin dito e ang tahimik ng buong bahay nila. Ako lang ang tao. Kasi hayop nalang 'yung nandito sa mansion nila, isama mo na ang batang si Zetrix. Chos! Joke lang. Haha. Natakot nga ako nung una kasi baka may gawing masama si Zetrix sa'kin at makuha na niya ang kinaiingat-ingatan ko. Haha, charot lang.
"Iniisip ko lang kung ilang percent na ang kabaliwan mo." Sabi ko sakanya.
Natawa siya. Baliw 'to. "Bakit naman?"
"E bakit mo 'ko ininvite? E wala naman palang party."
"I don't like throwing a party. It sounds so childish."
"E kahit nga ako ni minsan hindi pa naka-throw ng party."
"Really?" Hindi niya makapaniwalang reaksyon.
"Oo, syempre. Kailan ba tinatapon 'yung party? E, hindi ko nga alam kung pa'no itapon ang party e. Pwedi ba 'yun? Alam mo, minsan sa calculus ka lang talaga magaling at bobo ka sa mga bagay na 'to." Naiinis kong saad.
Hindi siya naimik kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin din pala siya sa'kin. "Ow? Bakit?"
Parang nagpipigil siya ng tawa ng biglang bumulaslas na lang ito. "Hahahahahahahahahaha. Hindi ko na talaga mapigilan. Sht. Haha." Sabi niya habang tumatawa sabay hawak pa sa kanyang sikmura.
Napataas ako ng kilay. "Ha-ha-ha. Funny. Tumatawa ang batang si Zetrix na parang may nakakatawa talaga sa sinabi ko." And I rolled my eyes as if he saw it.
"Kaya siguro nain-love si kuya sa'yo kasi hindi ka lang maganda, ang saya mong kasama. For the whole 3 weeks, I enjoyed being with you."
Titig na titig siya sa'kin nung binitawan niya ang mga salitang 'yon kaya nahiya naman ako. 'Tong bata 'to, ang galing bumanat. 'Yan tuloy, hindi na'ko naka-imik.
"Do you feel cold?"
Ah, nandito pala kami sa swimming pool nila. Naka-upo kami sa pool side habang nasa tubig 'yung mga paa namin.
"Hindi naman."
"Do you feel lonely with me now?" Sunod niya pang tanong.
"Hindi 'no."
"Do you feel missing kuya Throne?"
"Hindi - " Napatingin ako bigla sakanya. "Bakit napunta sakanya ang usapan?"
"Is that your answer?" Loko 'to. Ini-english pa'ko.
"Sa totoo lang, sobra." Napatingala ako kasi baka tumulo na naman 'tong sht na tubig sa mga mata ko. Please, ayaw ko maging gripo na naman ng tubig ang mga mata ko ngayon.
"Cry it on." For the second time, narinig ko na naman ang mga salitang 'yon na kay father - este Bryle, ko unang narinig. Bakit ba gustong-gusto nila na umiyak ako? Maka-cry it on, sila ha.
Ayan tumulo na. Hirap pigilan. Ang titigas ng ulo ng mga luhang 'to. "Eh Zetrix, miss na miss ko na ang kuya mo. Kailan ba siya uuwi? Naalala na niya kaya ako kahit hindi naman talaga siya nagpagamot? Nararamdaman niya ba ang nararamdaman ko? Sobrang nag-aalala ako. Walang araw na hindi ko siya maisip. Kung pwedi lang sana, pati ako magka-amnesia na rin. Kahit text or chat ko sakanya walang reply. Kahit - kahit sa'yo wala akong nakukuhang balita." Naiiyak kong sabi.
Bigla akong hinigit ni Zetrix at niyakap. "Don't worry, Rosley. He's on the way home."
"WHAT?"
"Ahhhhh!"
*splashhhhhhhhhhh*
Nahulog na nga ako sa pool, napahawak pa ako sa braso ni Zetrix. 'Yan tuloy, nahulog din siya.
"Oh my. Sorry Zetrix!" Sabi ko habang nakatayo kami sa gitna ng pool. Hanggang dibdib ko lang naman kasi ang tubig sa pool.
"Tss. Kung gusto mong maligo, 'wag ka nang mangdamay."
"E, kasalanan mo naman e."
"Ako pa 'yung sinisi!" Giit niya.
"E ikaw naman talaga! Nanggugulat ka e. Sabihin ba namang on the way home na si Throne!"
"Totoo naman!"
"Ha? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
"Sakit sa tenga, Rosley!"
"I CAN'T BELIEVE IT! Pero teka, naaalala na ba niya ako? Akala ko hindi siya nagpagamot?"
"Oo. Naaalala ka na niya."
"I CAN'T BELIEVE IT! AHHHHHHHHHH! PA'NO? PA'NO?" OMG! Akalain niyo? Ang saya ko! Sana, sana naaalala na niya talaga ako!
"Tanungin mo nalang pag-uwi niya. Tss... lagot ako nito." Masungit niyang sabi.
"Ha? Bakit?"
"Gusto ka niyang i-surprise. Kaso nasabi ko na sa'yo."
"Don't worry, akong bahala sa'yo. Pero asan na ba siya ngayon?"
"Siguro parating na sa airport."
"Ha? Talaga? Uhm... tayo nalang kaya ang magsurprise sakanya? Tara, sunduin natin siya sa airport." Aniya ko sabay ahon sa pool.
"Okay, okay. Miss Enthusiastic." Walang gana niyang sabi. Malditong bata. "Bibihis pa 'ko. Pa'no ka?"
"Ay oo nga pala." Saan ako kukuha ng damit? "Wala ba kayong damit na pambabae?"
"Wala, kasi 'yung damit ni mommy noon pinatapon ni dad. Pero merong t-shirts si kuya sa room niya. Pwedi mong hiramin."
"Ah... e kung tshirt mo nalang kaya? Kasi kapag 'yung kay kuya mo, siguradong mas maluwag 'yun sa'kin."
Tinaas niya ang kilay niya. "No way."
"Aba, grabe siya oh. Bahala ka, dadaan nalang muna tayo sa bahay. Mabilis lang."
"Tsk. Okay, hurry up."
Ayun. Nagshower muna si Zetrix pagkatapos ay dumaan muna kami sa bahay. Mabilis akong naligo at nagbihis.
"We're here." Sambit ni Trix ng makadating kami sa airport.
"Nasaan na ang kuya mo?"
"Wait, I'll text him."
Biglang may dumating na sasakyan at bumaba mula doon ang mga pulis. Mabilis silang pumasok sa arrival area.
"He replied, Rosley! Kakababa lang daw nila." Balita ni Zetrix.
"Teka, bakit may mga pulis?"
Huminga ng malalim si Zetrix at nalungkot. "Ipapahuli ni kuya si Dad. May kinalaman siya sa nangyari sainyo ni Throne. Siguro si kuya nalang ang tanungin mo kung pa'no niya nalaman."
Tumango lang ako sa sinabi ni Zetrix. Nakatingin lang ako sa kawalan ng biglang may yumakap sa likuran ko.
"I miss you badly that I wanted to take you now in heaven." Isang mainit na hininga ang naramdaman ko na bumulong sa tenga ko.
A-anong h-heaven?
Pakisalo po ako. Mahihimatay 'ata ako.
-----
Vote if you like it :)
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Novela Juvenil"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii