Part 22
Rosley's POV
*beep beep*
Nagising ako nang may malakas na bumusina sa labas. Bahagya kong binuksan ang bintana para silipin ang nasa labas ng bahay namin.
"Oh sht."
*tugsh*
"Aray..." nahulog ako sa kama ko sa gulat. Bakit nandito ang batang 'yan?
*Hoy! May message ka*
Biglang nagsalita - este, tumunog ang phone ko. Yeah. Gan'yan 'yung message ringtone ko. Astig diba? Maka-'hoy' ang phone ko sa'kin, wagas.
Tumayo ako at inabot ang phone ko na nasa mesa.
From: unknown; 091234*****
{Hey. Did I wake you up? Well, you really better wake up and hurry for school!}
{Saan mo kinuha ang number ko?}
{Sa phone ni kuya. Matagal nang naka-save 'tong number mo sa'kin ;) } Reply niya. May pakinday-kindat pa talaga 'tong nalalaman ah. {Hurry up. I'll wait for you.} May dumating pang isa na text.
{What do you mean?} Reply ko.
{Hihintayin kita dito sa salas niyo. Bilisan mo na ang pagbihis at sabay tayong pupunta ng school.}
"ROSLEY! BILISAN MO NA! MALIGO KANA AT MAG-AYOS! MAY NAGHIHINTAY SA'YO DITO SA BABA!"
What the? "OPO MA!" Sigaw ko pabalik.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform. Pagbaba ko ay agad tumambad sa'kin ang pagkagwapong kapatid ni Throne. "Bakit ka nandito?"
"Because you're going with me to the school."
"Inuutusan mo ba 'ko?" Sabat ko.
"Hindi. Sinasabihan lang." Urghhh. Ba't ang kulit nitong kapatid ni Throne?
Kumain na'ko at nag-ayos ulit. "Nay! Alis na po ako!" Nilampasan ko lang si Zetrix sa salas at dumiretso palabas.
"Where are you going?" Sabi niya ng hinabol niya ako.
"Sa school, malamang."
"Let's go."
Bigla niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad papasok sa sasakyan niya.
"Hoy! Ano ba 'tong bata ka? Kidnapping na 'to oy!" Sigaw ko.
"Yes. I'm kidnapping you." Walang reaksyon niyang sabi.
"What? Kapag kidnapped for ransom 'to, sorry ka nalang bata dahil wala talagang pambayad ang nanay ko sa'yo."
"Pffft." Pagpigil niya ng tawa. "Oh, by the way." May inabot siya sa'kin. "Here."
"Flowers? OH-MY-GOSH." Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon mga 'teh. "IS THIS A SWEET ALYSSUM?"
Hindi ko mapigilan ang pagtalon ng puso ko. Okay, fine. Sweet Alyssum ang favorite kong flower. I found this really smells good and it's color pink! So cute! First time ko nakita ang flower na 'to e sa pangmayamang restaurant na kinainan namin ni Throne.
"Happy?"
"OhGosh. I'm speechless." Pag-iinarte ko. Haha. "Pa'no mo nalaman na ito 'yung favorite ko?"
"Ah - e, tinatanong pa ba 'yan? The question is, did you like it?"
"Yes." Maigsi kong sagot. Speechless nga diba?
"Imported 'yan. Galing sa Europe pa 'yan. Ang weird mo nga e. Pwedi namang kahit sampaguita ang favorite flower mo, 'yan pa."
"Wow ha. Unique kasi 'yung gusto. Teka, bakit mo ba 'to ginagawa? Hindi naman kita manliligaw at kuya mo ang boyfriend ko."
Natagalan bago makasagot si Zetrix. "Wala 'ata 'to sa script." Bulong niya.
"Ha? Anong sabi mo?" Masyado kasing mahina ang pagkakasabi niya.
"Ah - diba sabi ko sa'yo 'I like you'? I'm doing this dahil gusto kita. That's all!"
Kumunot lang ang noo ko. "Ah, okay. Bilisan mo na at baka ma-late pa tayo."
"Ah - yeah. Yeah, sure."
Hindi ko ma-explain ang facial expression ni Zetrix. Parang kinabahan na ewan. Hay. Thank you nalang sa napaka-aromatic na Sweet Alyssum flowers, Zetrix.
-----
(Sweet Alyssum photo on the media) ^.^
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
أدب المراهقين"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii