Part 20
Rosley's POV
"Sorry, naabala pa kita."
"Okay lang. Ako naman ang gustong samahan ka e." Sabi ko.
Nandito kami ngayon ni Bryle sa hospital. Naawa nga ako sakanya. Mahirap pala ang sitwasyon niya ngayon kaya kapag nakangiti siya parang malungkot parin.
"Umaasa nga ako na gagaling pa si mommy sa kidney cancer niya kahit parang impossible dahil nasa stage 4 na." Naiiyak na sabi ni Bryle.
"Walang masama na UMASA. Kahit ako nga, may mga bagay din na inaasahan. UMAASA din ako." Umaasang maaalala ni Throne.
"I'm willing to give up everything for mom. Masama bang pakawalan mo ang taong mahal mo para sa isa pang taong mahal mo at para sa pangarap mo?"
"Hindi. Nagpapakita lang 'yan na mahal na mahal mo ang mom mo." Hindi ko masyado ma-gets ang sinabi ni Bryle. Did he gave up something just for his mom's wish for him? English pa more Rosley. Haha.
"Thank you. Kahit na ngayon lang kita nakilala, magaan ang loob ko sa'yo." Nakangiti niyang sabi. "Pero may itatanong sana ako sa'yo."
"Ano 'yun?"
"Napakasama ko ba kapag pinakawalan ko ang taong mahal ko - I mean, sa taong na in-love ako para lang kay mommy?" Napahawak siya sa noo niya. Naalala ko si Throne nang mapahawak din siya sa noo. Masakit din kaya 'yung ulo ni Bryle?
"Teka Bryle. May problema kaba? Maliban sa nagkasakit ang mom mo? Sabihin mo lang, makikinig ako. Tiwala lang."
Huminga siya ng malalim. "Actually, I broke up with my girl -"
"What? Bakit mo siya pinakawalan?" Ito talaga 'yung ayaw ko e. I know the feeling when your boyfriend broke up with you. "Pwedi naman Bryle na dalawa sila ni mommy mo ang magiging priority mo e."
"Pero hindi talaga pwedi."
"Bakit naman aber?" Eto talaga 'yung problema minsan sa mga lalaki. 'Yung bawat dahilan ay tinatago nila kaya nami-misunderstand ang lahat. "Sabihin mo."
"Gusto - gusto ko at ni mommy na maging pari ako. I want to be a priest someday. To offer all my time to God." Mala-santos niyang sabi.
Hindi ako nakakibo. Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras. Feel ko 'yung reaksyon ng mukha ko e gulat na gulat. 'Yun bang nanlaki ang kyot kong mga mata tapos medyo nakanganga 'yung labi ko.
"Oh my." Pagsasalita ko. "Father - este, soon to be father, nasa inyo po ang desisyon."
Ngumiti ulit siya. Kaya pala mala-anghel 'yung ngiti niya. Amen. Huhuhu. Kawawa naman pala talaga 'yung girlfriend niya dahil no choice talaga siya.
"Kaya nga. Ito 'yung pinili ko. Ito 'yung pangarap ko. Medyo nakokonsensya lang ako dahil baka nasaktan ko ang babaeng minsan ko na din minahal."
"Masasaktan talaga siya father - este, Bryle kapag di mo sinabi sakanya ang dahilan mo. Kaya please, sabihin mo sakanya."
"Okay. Sasabihin ko sakanya. Alam ko namang masama ang magsinungaling. Hinihintay ko lang ang tamang panahon."
*ring ring*
Kita niyo na? Madami talaga ang load nitong si Jeselle, laging napapatawag.
[Bes, asan ka?]
"Nasa hospital."
[What? Anong ginagawa mo diyan?]
"May pinuntahan lang."
[Sige, hintayin mo kami diyan.]
"Teka, sinong 'Kami' 'yan?"
[Si Zetrix, hinahanap ka e. Sabi ko nga, sakin nalang at sasabihin ko nalang sa'yo kung ano man 'yun. E, ayaw. Gusto ka rin nga daw makita. Binilhan kapa ng bulaklak.]
"Ha? Lokong bata 'to oh. Sige, text text nalang."
"Sino 'yun?" Tanong ni Bryle nang binaba ko ang phone.
"Ah, si Jeselle."
"Ha?!" Gulat niyang reaksyon.
"Pupuntahan daw ako. Ow. Bakit? Si Jeselle ba? Siya 'yung bestfriend ko."
Biglang namutla si Bryle. Aba'y ewan.
-----
Vote? Comment? :D
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii